03

1517 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Sa ilang daang taon walang ginawa at inisip ang nakilalang Valkyrie ng reyna bukod sa tumakas mula sa loob ng palasyo, lumikha ng gulo at hanapin ang buong angkan nito. Galit na galit ito sa kaniya at ni tumingin sa mga mata niya ay hindi magawa ng dating Valkyrie. Hindi din ito tinuturing ng half blood na reyna. Hahawakan ng reyna ang pisngi ni Valkyrie para alamin ang iniisip nito nang umatras ang binata at naging mailap. Inilayo ng reyna ang mga kamay sa idea na lalayo muli sa kaniya ang loob ng bampira. "Hindi mo kailangan basahin ang iniisip ko. Gawin mo lahat ng gusto mo para mapatunayan mo na hindi na ako tatakas at hindi kita tatraydurin. Huwag mo lang babasahin ang mga ala-ala ko," ani ni Valkyrie. Isa iyon sa kakayahan ng reyna at pamilyar doon si Valkyrie. Hindi nagpakita ng emosyon ang reyna kaya umiwas ng tingin si Valkyrie. "Bakit hindi mo ako mapagbigyan? Iyong ibang lalaki mo— nakakapag-aral at nabibigay mo lahat ng gusto nila tapos ako hindi?" ani ni Valkyrie na parang bata ng nagtatampo. Napasapo sa noo ang reyna at nag-cross arm. "Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kanila Valkyrie," bored na sambit ng reyna at tumayo. Tinungo ng reyna ang pintuan na kinalingon ng bampira. "Wala sa kaharian na ito ang hindi mo pwedeng makuha, Valkyrie." Nagtaka si Valkyrie matapos marinig ang huling sinabi ng reyna. Tumayo ang bampira at nanatiling nakatingin sa bulto ng reyna na papalayo. Pagkatapos magsara ng pinto napasuntok si Valkyrie sa hangin. Agad siya tumakbo sa direksyon ng libro na hinagis ng reyna at kinuha iyon. Ilang oras niya tinititigan iyon at sinusubukan basahin— ngunit kahit isang salita ay hindi niya naintindihan. — "Sinasabi niyong wala sa palasyo ang gusto na magturo kay Valkyrie?" kunot noo na tanong ng reyna. Lumuhod ang isa sa mga tagasunod ng reyna at humingi ng paumanhin. "Takot sila sa prinsipe dahil sa pagiging agresibo nito. Hindi din daw sila naniniwala sa mga balitang nagbago ang half blood na bampira," sagot ng kawal. Hinilot ng reyna ang sentido sa idea na hindi niya pwede pilitin ang mga guro sa kaharian nila. Kahit naman siya ay hindi makapaniwalang nagbago ng ganoon kadali ang bampira sa gayong sa dumaang ilang daang taon ay wala itong ginawa kung lumikha ng kaguluhan. Kung hindi dahil sa kapangyarihan niya bilang reyna ay matagal nang hinatulan ng kamatayan si Valkyrie dahil sa kalapastanganan nito sa lahi nila. Lumipas ang ilang minuto— nakarinig siya ng mga yabag sa labas ng pintuan at paghila ng kadena. Kasunod 'non ang pagbukas ng pintuan. "Mahal na reyna!" Hindi na nagtaka si Mystica matapos makita ang ganoon na pag-uugali ng bampira. Wala itong sapat na kaalaman katulad nang sinabi nito last time. In some reason kahit kabastusan iyon ay may bahagi sa puso ng babae ang bahagyang natuwa. Nakikita niya ang liwanag sa mukha ng bampira matapos siya makita. "Mahal na reyna pinatawag mo daw ako?" tanong ng bampira na may tuwa sa mukha. Lalapit ito sa lamesa ng reyna nang may apat ba kawal ang humarang sa kaniya. Tinaas ng reyna ang isang kamay para sabihin na hayaan ang bampira na lumapit. Agad na binigyan ng daan ng kawal ang bampira kahit mga nag-aalala ito. Agad na lumapit si Valkyrie sa lamesa at parang bata na nagtanong sa reyna. "Anong kailangan mo mahal na reyna?" "Walang gusto maging teacher mo— mahihirapan ako hanapan ka ng magtuturo sa iyo," sagot ng reyna. Nawala sandali ang ngiti sa labi ng binata. Napakamot ito sa ulo at bumagsak ang balikat. Inaasahan niya na din iyon dahil ayaw talaga sa kaniya ng mga nilalang na nandoon. "Pero gusto ko matuto mahal na reyna. May gusto akong basahin na libro at hindi ko mabasa iyon," ani ni Valkyrie na mababa ang boses. Tiningnan siya ng reyna— bumuga ng hangin ang reyna at nag-gesture na lumabas ang lahat. Nagtaka si Valkyrie matapos maglabasan ang mga kasama nila sa opisina ng reyna. Nilingon ni Valkyrie ang pinto. "Walang guro ang magtuturo sa iyo pero hindi ibig sabihin 'non walang ibang tao na pwede magturo sa iyo," ani ng reyna na kinatingin ng binata. "Anong ibig mong sabihin mahal na reyna?" tanong ng bampira. Tumayo ang reyna at pumunta sa isa sa mga book shelf na nandoon sa opisina "Pwede kita turuan magsulat at magbasa," sagot ng reyna bago kumuha ng isang libro mula doon. Lumiwanag ang mukha ng bampira matapos marinig iyon. "Hayaan mo mahal na reyna! Gagawin ko lahat ng makakaya ko para matuto agad!" excited na sambit ni Valkyrie. Iyon na ang simulang hakbang para sa pagbabagong gusto niya. Bukod sa matututo siya mas mapapalapit pa siya sa reyna dahil ito mismo ang magtuturo sa kaniya. Nandoon pa din ang pagdududa ng reyna pero may bahagi sa reyna ang unti-unting nagtitiwala. Masyadong honest ang expression na pinakikita ni Valkyrie. Nandoon pa din iyong Valkyrie na nakilala niya ng ilang daan na taon. Madali niyang nababasa ang nasa isip ni Valkyrie ngunit nagdududa siya sa mga ito dahil sa mabilis nitong pagbabago. Sa isip ng reyna magandang opportunity iyon para masubaybayan ang bampira. Kung may balak nga itong hindi maganda ay malalaman niya agad. Nagsimula ng araw na iyon ang pag-aaral ni Valkyrie ng mga salita. Si Mystica mismo ang nagturo sa binata. Desidido si Valkyrie na matuto— nahihirapan si Valkyrie ngunit hindi ito sumusuko. Araw gabi ito nagpa-practice magsulat at bumasa sa tulong na din ng reyna. Si Karren na tagapagbantay ay hindi na din maiwasan humanga sa pinapakitang determinasyon ng bampira na matuto. Noong una ay iniisip niya na palabas lang iyon ng bampira para makuha ang pabor ng reyna at mapaikot ito since iyon ang pinakamadaling paraan para makatakas ito ngunit wala siyang nakikitang pagbabago sa ginagawa ng bampira. Nanatili ito sa kwarto kaharap anv mga libro na binigay ng reyna kay Valkyrie para basahin. Minsan ay sinubukan niya ito sa utos na din ng reyna. Wala siya sa kwarto ng binata at walang tao din sa hallway. Tinatawag siya ni Valkyrie para pumunta sa library. Nanatili siyang nakatago ngunit imbis lumabas— pumasok ito muli. Nagalit pa si Valkyrie sa kaniya at sinasabing isusumbong siya na hindi naman ginawa ng bampira. Katulad ng reyna ay unti-unti na din nakuha ni Valkyrie ang tiwala ng tagapagbantay. "Karren, tiningnan mo! Natapos ko na lahat ng pinagawa ng reyna! Sa tingin mo matutuwa siya kapag nabasa niya itong ginawa ko?" natutuwa na sambit ni Valkyrie matapos itaas ang libro na sinusulatan niya. Sinilip iyon ni Karren. Agad iyon tinakpan ni Valkyrie at sinimangutan ang babae. "Ang mahal na reyna ang unang dapat makabasa. May copy ako pero mamaya ko ipababasa sa iyo," ani ni Valkyrie bago tumayo at binitbit ang apat na libro sa lamesa niya. "Hindi ko naman kasi naiintindihan ang mga unang sinusulat mo fifth consort," sagot ni Karren at nilahad ang kamay. "Ako na magdadala 'nan," ani ng dalaga. Inilayo iyon ni Valkyrie at niyakap. "Ako na magdadala at mag-aabot sa reyna. Tara na!" sambit ni Valkyrie at tumakbo patungo sa pintuan ng kwarto. Hinabol siya ni Karren na napabuga na lang ng hangin. "Wala na naman sa iyo matutuwa kapag nakita ka naman na tumatakbo, Fifth Consort," habol ni Karren. Pagbukas ni Valkyrie ng pinto— nakita niya ang reyna na dapat magbubukas din ng pinto. Lumiwanag ang mukha ni Valkyrie matapos makita ang babae. "Mahal na reyna! Naisulat ko na lahat ng pinagagawa mo at iyong mga nasa libro," bungad ni Valkyrie. Kinuha ng reyna ang libro matapos magbigay ng daan ang binata. Parang bata na sinundan siya ng binatang si Valkyrie patungo sa lamesa ng binata sa kwarto na iyon. "Bago ko ito basahin— may gusto akong sabihin sa iyo," ani ng reyna bago binaba iyon at tiningnan si Valkyrie. Seryoso ang reyna kaya siguradong masamang balita na naman iyon. "About sa ikalawang marka— maraming ayaw na ibigay ko iyon sa iyo," ani ng reyna. Nagtaka si Valkyrie. Noong pastlife niya naibigay iyon kaniya ng reyna kahit pa labag iyon sa kalooban niya. Paanong hindi pwede kung siya na ang humingi. Napaisip ng malalim si Valkyrie hanggang sa may maalala siya. Bago niya makuha ang ikalawang marka— sa pagkakaalam niya ay napatay niya ang isa sa mga tagasunod ng reyna. Naalala niyang napatay niya si Karren at maraming bumatikos sa reyna dahil doon. Gusto ng mga taong nasa palasyo na ibitay si Valkyrie dahil sa nangyari. Ang ikalawang marka ay binibigay ng reyna sa para maging palatandaan ng isang royal consort. Nailigtas ng reyna si Valkyrie gamit iyon. Ang marka na iyon ay isang mahika na magse-seal sa kontrata meron sa dalawang tao. Ginagamit iyon ng mga dugong bughaw sa henerasyon ng reyna para manatili ang kasunduan sa kasunduan sa pamamagitan ng royal consort at reyna. Kung mamatay ang isa sa dalawa na may parehong marka ay magiging lason ang mahika na iyon at mamatay ang taong nabigo protektahan ang kasama niya sa kasunduan. "Anong gagawin ko mahal na reyna para makuh iyon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD