Chapter 02
3rd Person's POV
Sa loob ng sampung taon nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga bampira at ng mga lobo. Walang katapusang angkinan ng mga teritoryo at kaharian.
Isa dito ang angkan ni Valkyrie at ang angkan ng mga Castellion na pinamunuan ng reyna ng mga taong lobo na si Mystica Castellion.
Ang Castelliona ay kaharian talaga ng mga lobo na inangkin ng mga bampira bago pa mangyari ang ikatlong digmaan. Naipanalo ito ng panglimang henerasyon ng mga lobo na pinamunuan ni Mystica ay nabawi ito sa kamay ng mga bampira.
Sa mga panahon na iyon bilang kapalit ng buhay ng mga natitirang bampira sa kaharian na iyon. Binigay nila si Valkyrie kay Mystica para maging tanda ng pagsuko.
Hindi ito pinaghinayangan na iwan ng sariling pamilya si Valkyrie dahil sa katotohanang half vampire si Valkyrie. Hindi ito ganap na bampira katulad ng mga kapatid nito.
"Karren sa tingin mo papayag ang reyna na maging isa ako kina Floran?" tanong ni Valkyrie sa tagapaglingkod na ini-assigned ng reyna para bantayan siya.
Nakaupo si Valkyrie sa sahig sa veranda ng kaniyang kwarto at nakasilip sa ibaba ng kaniyang silid.
Ang mga lalaki ng reyna ay hindi mga bastang nilalang lang. Sila ay galing sa iba't ibang uri ng angkan at may mga dugong bughaw.
Si Floran ay prinsipe ng mga elf— galing sa malayong kaharian na isa sa mga nasakop na kaharian ng angkan ng mga Castellion. Si Hakken ay isa sa magagaling na wizard na personal na mga pinili ng mga tagasunod ng reyna para maging isa sa mga lalaki ng reyna.
Ang dalawa ay kahit mga hindi dugong bughaw ay maraming mga talento at malaking tulong sa palasyo.
"Pasensya na— hindi ko din kasi alam," alanganin na sagot ng katiwala na nanatiling nakayuko.
Tumingin si Valkyrie sa langit at inisip lahat ng bagay na nakaligtaan niya sa past life niya. Sa loob ng ilang libong taon wala siyang ginawa 'nong past life niya kung hindi isipin kung paano siya makakatakas sa lugar na iyon.
Natawa si Valkyrie sa idea na nagawa niyang patayin ang reyna 'non then matapos makalaya ang lahat at nagsimula ulit ang bagong kaguluhan sa castelliona— nanatili din siya sa silid na iyon.
"This time kailangan ko itama lahat ng ginawa kong mali," bulong ni Valkyrie. Hinilig ni Valkyrie ang ulo sa railing.
—
"Anong ginawa ni Valkyrie maghapon? Nagtangka na naman ba siya tumakas?" tanong ng reyna sa bantay ni Valkyrie na si Karren. Hindi tumingin ang reyna at nanatiling nakaharap sa tambak na mga papel sa harap niya.
"Hindi siya tumatakas mahal na reyna. Tinanong niya lang isang beses kung nasaan ka after 'non wala na siyang ginawa pang kilos bukod sa matulog at humingi ng pagkain," sagot ng isa sa tapat na taga-sunod ng reyna.
Napatigil ang reyna sa pang-angat ng seal matapos marinig iyon. Bumuga ng hangin ang reyna at tumayo.
"Tawagin mo si Prime— pupunta ako ngayon sa kabilang palasyo," walang emosyon na sambit ng reyna. Yumuko ang babae at nagbigay ng daan sa reyna.
Maraming kawal ang sumunod sa reyna patungo sa kabilang kastilyo kung nasaan ang chamber ng limang lalaki ng reyna. Agad na yumuko ang mga kawal na nagbabantay doon matapos makita ang reyna.
"Nandito ulit ang reyna," bulong ng isa sa mga kawal. Siniko siya ng isa sa mga kasamahan nito at sinabing manahimik.
Nagpatuloy sa paglalakad ang reyna hanggang sa makarating sa ikalawang palapag. Maraming tagapaglingkod ang bumati matapos makita ang reyna.
Yumuko ang mga ito at 'nong nasa harap na ng pintuan ang reyna— pinagbuksan siya ng kawal.
Bumungad sa kaniya si Valkyrie na nakaupo sa ibabaw ng kama at nakasandal sa headboard ng kama.
May binabasa itong libro at hindi nito napansin ang reyna. Gamit ang isang daliri— pinatalsik ng reyna ang libro na hawak ni Valkyrie na kinabigla ng binata.
Napaangat ng tingin si Valkyrie at nakita niya ang reyna. Napatayo si Valkyrie.
"Nandito ka na! Gusto kita makausap mahal na reyna," ani ni Valkyrie at tumakbo palapit sa babae na napataas ng kilay.
"About saan?" tanong ng reyna bago naglakad palapit sa pang-isahan na upuan at umupo doon.
Umupo naman si Valkyrie sa sahig at tiningala ang reyna. Kumunot ang noo ng reyna dahil doon.
Nagdududa na talaga ang reyna kay Valkyrie sa idea na imposible na magbago ang isang tao sa isang gabi lang.
Simula 'nong unang gabi nila hindi na nababasa ng reyna kung anong nasa isip ni Valkyrie. Kung ano na naman klaseng mga prank nito para makaalis ng palasyo at makatakas.
"Gusto ko matuto magbasa, magsulat at makipaglaban— tanggalin mo na din itong kadena sa leeg ko at ibigay mo sa akin ang pang— ikalawa na marka na mahal na reyna," ani ni Valkyrie. Mas lalong gumusot ang mukha ng reyna dahil doon.
"Wala ka bang idea na nagdududa na ako sa iyo ngayon, Valkyrie?" tanong ng reyna. Umiwas ng tingin si Valkyrie dahil doon.
"Sinabi ko na— ayoko ng tumakas. Tanggap ko na hindi na ako makakaalis dito. Ngunit alam ko din na hindi ako mabuhay ng matagal dito— kailangan ko ng kapangyarihan."
"Ikaw lang makikipagbigay sa akin 'non," sagot ni Valkyrie. Isa sa dahilan kung bakit gusto doon umalis ni Valkyrie ay dahil ilang beses siya tinangka na patayin doon.
In some reason pinapaburan siya palagi ng reyna kumpara sa ibang lalaki na nasa palasyo na iyon kaya maraming nagagalit sa kaniya.
Kung hindi dahil sa proteksyon ng reyna sigurado na hindi siya magtatagal ng ilang libong taon sa palasyo na iyon. Ngunit ayaw niya ng laging umasa sa reyna— lalo na at sa mga susunod pa na taon ay mangyayari na ang kinakatakutan niya.
Kulang ang kaalaman niya, hindi siya marunong humawak ng espada at protektahan ang sarili niya. Madali siyang napailalim sa mahika at napatay niya ang reyna.
Pinagmasdan ng reyna ang expression ni Valkyrie. Nabasa ng reyna ang pinagsamang pangungulila at paghihirap sa mukha nito na hindi alam ng reyna kung saan galing.
Sa pagkakaalam niya ay hindi naging mahirap ang buhay ng half blood vampire doon na to the point na gumawa ito ng ganoon na expression.
Iyong expression kung saan nakasalalay ang buhay at kamatayan nito in some reason. Bumuga ng hangin ang reyna at sumandal sa upuan.
"Bigyan mo ako ako ng dahilan para pumayag ako sa gusto mo mangyari— Valkyrie," ani ng reyna bago tinungkod ang siko sa arm chair at hinilig doon ang ulo.
Tiningnan siya ni Valkyrie sa mga mata. Bubuka ang bibig nito— agad iyon naitikom at napayuko.
"Gusto ko maging kapaki-pakinabang. Ayoko manatili sa pagiging half blood lang mahal na reyna."