Chapter 46 "Anong pangalan mo?" Nagsalita ang paru-paro. Napatigil ang babae dahil iyon ang unang pagkakataon na may nagtanong sa kaniya. Sinabi ng babae na wala siyang pangalan. Patuloy ang paglalakbay nila patungo sa isla. Dumapo ang paru-paro sa mga palad ng babae. Katulad ng palaging ginagawa ng babae ina-absorb niya ang negative energy sa katawan ng mga nilalang na inihahatid niya. "Anong ginagawa mo?" tanong ng paru-paro. Nagtaka ang babae dahil wala siyang na-absorb na negative energy. "Ina-absorb ko ang negative energy mo at mga ala-ala sa gayon ay makatawid ka ng payapa at makapagsimula ulit," medyo naguguluhan na sambit ng babae. Wala siyang negatibo na enerhiya na makuha mula sa paru-paro. Binawi ng babae ang kamay at matamang tiningnan ang purple na paru-paro. "An