Chapter 45 Sakto na bukas iyon kaya pumasok ako sa loob. Nilapitan ko iyong babae na nakahiga sa sahig. May kapatid ba ako? Kakambal? Iyon ang mga tanong na pumasok sa isip ko noong makita ko ang nilalang na nakahiga sa sahig. Hindi ito humihinga. Napatigil ako at napaangat ng tingin matapos may napakalaking rehas ang bumagsak mula sa itaas. "Ano ito!" Sinubukan ko hawakan ang rehas ngunit agad ako napaso 'non at nasugatan. Nakarinig ako ng tawa mula sa kabilang bahagi ng kwarto. Napatingin ako at nakita ko si— Hakken. "Wala ka pa din pagbabago— napakatigas pa din ng ulo mo." Nagdilim ang paningin ko. Naiyukom ko ang kamao ko. Si Hakken ang pasimuno ng lahat ng ito. Ano na naman ang kademonyohan na gagawin nito para makuha ang reyna. "I just wondering kung anong iniisip ng