KABANATA 2

1095 Words
  KABANATA 2:     PIERRE is a good guy. He’s thoughtful and understanding. Wala akong matandaan na pinagawayan namin. Hindi din ako selosa kaya wala din siyang problema sakin. I understand his job. Kahit na ilang modelong babae na ang palaging kapartner niya sa mga fashion shows nito ay hindi ko iyon lahat pinagselosan.     Malawak ang aking pagunawa. Sa industriyang ginagalawan namin ay hindi maiiwasan ang mga ganoon pero nasa tao na lang kung bibigyan mo ng malisya o magpagpapaka praning ka. Natapos ang pagkain ay balik ulit kami sa trabaho ni Gellie. Tinignan ko pa ang buong team sa on-going production ng mga dinisenyo kong gowns. Malapit na din naman matapos dahil iyong huli kong sketch ay pinahabol ko talaga kaya sisimulan na din nila bukas.     I pay attention to every detail. Masyado akong perfectionist. Gusto kong walang sablay kaya maski sa tela napakatagal kong mamimili. Sa paglalagay ng swarovski ay napakadetalyado. Ayoko ng basta-basta lang ang trabaho. I put my heart into every dress I made.     Natapos kami ng alast otso na ng gabi. Pero nagpaiwan pa rin ako sa opisina. Umuwi na ang lahat pati si Gellie pero ako ay heto at nasa harap ng sketch book at nagsisimula na namang magsketch dahil may bigla akong naisip na disenyo ng dress. It’s just another formal dress na naiipon lang muna sa ngayon dahil busy ako sa tinatapos na bridal collection.     I stretched my arms after a long tiring day. Nagtunugan ang leeg at braso ko sa ginawa kong pagunat. I turned off my laptop. I grabbed my sling bag. Pinatay ko ang ilaw bago umalis sa opisina. Pagkatapos ng huling dress ay babawi ako ng pahinga. Kailangan ko ata ng matinong tulog dahil sa sunod-sunod na trabaho. Walang humpay ang nagpapagawa din sakin ng mga gowns. Ilang sikat na artista at politicians ang kumuha sakin para idisenyo ko ang susuotin nilang damit sa mga events na dadaluhan nila.     Sa sobrang dami ng kliyente ay hindi na namin kayang i-accommodate lahat. Fully booked kami buwan-buwan at sinabayan pa ng pagsali ko sa fashion week sa China. Tinodo ko na dahil hanggang ngayong taon ko na lang itong gagawin. Nakakalungkot na nakilala din ako ng mga tao bilang isang sikat na designer hindi na lang dahil anak ako ng may bank magnate.     Nagkaroon ako ng sarili kong pangalan at sa loob lang ng dalawang taon marami akong kliyenteng napasaya sa ginawa kong mga damit. Hindi pa alam ng buong team ang desisyon kong iyon kundi si Gellie lamang. She was close to my family. Kaya hindi na iyon lihim sa kanya. She even has a room in our mansion.     I am planning to tell them my decision after the fashion week. Alam kong tulad ko ay malulungkot din sila. Umuwi ako sa bahay namin. I have my condo pero hindi ko naman tinitirhan. My mom is always emotional every time we talked over the phone. Sa huli, hindi ko na kinaya ang page-emote niya at umuwi na lang sa mansion. Malungkot nga naman dahil si Daddy ay laging nasa trabaho at magisa na lang siya tuwing umaga sa mansion.     Pero ganun din naman kasi. Pareho kaming wala ng Daddy tuwing umaga kaya magisa pa rin naman siya. Sa gabi na kami nagkakasama-sama.       “Aiko, kadarating mo lang? Anong oras na, ah?”       Napakislot ako ng magsalita si Mommy. I was holding the doorknob when I looked at her. She was in her usual night gown at may sleep mask sa ulo niya na ginawa nitong headband. Binitawan ko ang doorknob at lumapit sa kanya. I kissed her cheeks. My mom is in his fifty’s, yet her beauty is timeless. She’s still elegant, even in casual clothes. Kahit nga bihisan mo ata ng pangmaid iyon effortless ang beauty niya. Mangingibabaw pa rin si Mommy which is iyon ang namana ko sa kanya. She’s full-blooded Japanese. Both my parents are. Kaya lang matatas managalog dahil matagal na kaming nakatira sa Pilipinas. Dito pinanganak at tumanda.     “Yes. As usual, trabaho kaya ginabi. Si Dad?” I looked at the door behind her.     “He’s asleep.”     Tumango ako at bumaling sa kanya. “What will you do?”       “I’m thirsty. Kukuha ako ng tubig sa baba.”       I snorted. “We have maids. Bakit kailangan mo pang bumaba. Sabi sayo bago ka umakyat magdala ka na ng tubig o di kaya magutos ka na lang.”     She rolled her eyes. “I want to do it on my own. Exercise ko din ito magpabalik-balik sa hagdan.”     “Whatever mom. Huwag mo kong da-dramahan bukas na masakit ang tuhod mo. I’m gonna sleep now. Maaga pa ang pasok ko bukas.”       “Okay, darling. Goodnight!” she kissed my cheeks at nilagpasan na ko. I opened the door of my room. Nilapag ko sa couch ang sling bag at hinubad ang coat. I went to the bathroom and took a warm bath. Ito iyong hindi mawawala sakin. Kahit anong pagod ko sa trabaho ay hindi ako nakakatulog ng hindi nakakaligo o hindi malinis ang katawan.       I did my usual night routine. Kahit namimigat na ang talukap ng aking mata ay hindi pa rin iyon naging dahilan para hindi maglagay ng night cream. Nakasanayan ko. Simula ng nagkamuang ay tinuruan na ko ni Mommy kung paano alagaan ang balat. Dahil likas sa aming lahi ang makinis at poreless ang balat ay talagang alaga namin iyon ni Mommy. Kung minsan ay sabay pa kaming nagpapa-clinic.     Hindi ko na nga kailangan ng kapatid, e. Kasi turingan namin ni Mommy parang ganon na din. Nakakasabay kasi siya sakin. She’s the best mom. Partner ko sa lahat. Kasama ko sa shopping. Simula pagkabata ay spoiled na ko sa lahat ng bagay. When I started to earn money, hindi ko na naranasan ang libre sa magulang. Every shopping ay ako na din nagbabayad. Now that I have a job and I’m earning a lot. I should know how to pay my own bills.     Masaya ako na naging independent akong tao in so many ways. Maliban sa pagtira ko sa bahay namin. Well, I couldn’t afford to see my mom cry. Kaya sige dito na muna. What I did is that I pay them my rent. Ma-feel ko lang na boarder ako. Ang kaso ayaw ni Mommy. Ayun nauuwi sa shopping at ako na lang nagbabayad ng pinamili niya. Masaya na si Mommy doon sa panlilibre ng nagiisang anak na babae niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD