KADARATING LANG namin dito sa Isla Mabato, sa southern part ito ng Philippines. Halos limang na oras din ang naging byahe namin kasama na ang bangkang papunta sa Isla. Halos mga kasabayan namin ay mga mag-jo-jowa. Pakiramdam ko jowa day ngayon. Sumunod kami sa manager ng Isla Mabato na ito hanggang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin. Iba nga pala ang Islang pinuntahan namin, hindi ito ang pagmamay-ari nila Master Godipher pero pagmamay-ari naman ito ng kanyang grandpa sa side nila tita Susana. Maganda ang interior ng lobby nila at maging ang buong sulok nito ay maaliwalas at cozy tignan. “Mr. Smith and Ms. Ford, here's your keys.” Napalingon ako sa manager na sumundo sa amin at inabot kay Master Godipher ang susi ng k'warto. Ngumiti ako sa kanya. “304...” buka ng aking