HETO NA ANG ORAS NA AALIS KAMI. Hindi ko na talaga maitago sa aking mukha ang kasiyahan ko nang makitang binabaybayan na namin ang kahabaan ng SLEX. At, bukas ng madaling araw ay nasa pantalan na kami ng Marinduque. “Mag-drive thru na lang muna tayo sa malapit na fast-food, Godipher. 7 in the evening na rin naman, baka nagugutom na si Luna.” Narinig kong sabi ni daddy Luxus. Nakita ko ang tingin nila sa akin sa rear-view mirror – na nasa pagitan ng driver and passenger seat. Kaya tumango ako sa kanila. Tingin kasi nila parang nakadepende sa akin kung hihinto sila sa isang fast-food chain or hindi. “All right, 500 meter away, may isang fast-food chain na madadaanan tayo, Godipher.” sabi ni daddy Luxus na nakatingin sa may cellphone at tinitignan doon ang map na dinadaanan namin. Nap