PANIBAGONG ARAW. PANIBAGONG KUNSUMISYON. Heto na naman tayo, tutungo na naman tayo sa room ni Master Godipher para maghatid ng kanyang breakfast. Gusto ko ngang tumakas sa paghatid ng breakfast niya ngayon pero baka magtaka sila Mama Tess sa akin. “Good morning, baby Luna.” bungad na bati sa akin ni Master Godipher pagkapasok ko sa room niya. Hinatid ko ang kanyang breakfast. Nandoon pa rin ang pagkakailang ko sa kanya. Napahinto ako at tinitigan si Master Godipher. Bakit nalaman niyang ako ang naghatid ng pagkain niya? Lumapit ako sa kanya, nasa veranda kasi siya ngayon. Tinitigan ko siya nang malapitan lalo na ang mata niya. Possible kayang nakaka-aninag na siya? “Luna?” patanong na sabi niya sa aking pangalan. “Na-nandito po ako, Master Godipher.” Kahit nagtataka man dahil s