Chapter Eight "Hindi ka sasabay sa amin sa pagkain?" Nagtatakang tanong niya rito nang makita niyang may dala na itong attache case. Kahit mala-late na kasi, at sumasabay pa rin ito sa pagkain sa kanilang dalawa nit Angelo. Ngayon lang ito hindi makakasali sa kanila. "Jezz. I forgot, tumawag kasi si Mama. May importante daw siyang sasabihin. Don't worry, uuwi ako nang maaga mamayang gabi kaya dapat na ipagluto mo kami ng masarap nitong Baby ko." Ginulo nito ang buhok ng anak. "Hindi ba, Baby?" "Opo. At tsaka Papa masarap naman po luto ni Mama lagi. Hindi po siya nagluluto ng panget."Natawa sila pareho sa sinabi ni Angelo. "Alam naman ni papa 'yun. Ang sinasabi ko ay lalo pa niyang sarapan." "Ganun po ba?" "Tapusin mo na yang pagkain mo, Angelo. Iinom ka pa ng gamot mo, diba?