"GUSTO ka pa lang makilala ng mga kaibigan ko." Sabi ni Heaven kay RV habang humaharurot ang sasakyan. "Oo naman." Sabi ni RV. "I also want to meet your friends," aniya at ngumiti. Napangiti na rin si Heaven, "Jackie will surely like you." She said while chuckling. "Ah?" Nagtaka si RV. "Basta. Malalaman mo rin mamaya," natatawa pa ring sabi ni Heaven. Napatango na lang si RV kahit nagtataka siya. "Where can we meet them?" "Sa isang café. Nandoon daw silang dalawa. Naku. Noong isang linggo pa nila akong kinukulit. Gusto ka talaga nilang makilala." Heaven said. Hinawakan ni RV ang kamay ni Heaven habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa manibela ng kotse. Nang makarating sila sa café na sinasabi ni Heaven, ipinarada niya ang kotse sa parking space. Una siyang lumabas ng kotse