NASA café pa rin si RV at Heaven. Hindi pa rin makapaniwala si Heaven sa mga narinig mula kay RV. "Nakita kita noon sa isang fast food. Kumakain ka kasama ang mga kaibigan mo. Kasama ko rin noon ang dalawa kong kakambal. Unang tingin ko pa lang sa'yo, nakuha mo na ang atensiyon ko. Ang ganda mo kasi at ang ganda pa ng ngiti mo." Nginitian ni RV si Heaven, "kaya mula noon, inalam ko ang lahat tungkol sa'yo. Nalaman kong may fiancée ka na pero hinihiling ko na sana mag-break kayong dalawa. Wala e. Minahal na kita mula noong una pa lang kitang nakita. Hindi ka mawala sa isipan ko." Bumuntong-hininga si RV. "Naging ala-stalker ako sa'yo, I always make sure that you will go home safe. Hindi ako umaalis hangga't hindi ka nakakapasok sa bahay niyo o di kaya naman ay sa restaurant. I do it secre