"DATE TAYO, Mi Reina?" Aya ni RV kay Heaven. Sana lang naman pumayag ito. Tumaas ang kilay ng dalaga. "Saan naman?" Tanong nito na ikinangiti ni RV. Pumayag na. Yes! "Ahmm...saan ba ang maganda?" Tanong ni RV. Heaven can't helped but to rolled her eyes. "Nagyayaya ka tapos magtatanong ka naman kung saan?" Napailing ang dalaga. RV pouted. "Sa totoo lang, this is all new to me." Aniya. Tumaas ang kilay ni Heaven. "Anong new?" She transferred the fried bacon in the plate. RV slept again here last night. Ito na ang pangalawang gabi na natulog dito sa hotel si RV. Well, wala namang nangyayari sa kanila. Bakit gusto mo ba na may mangyari sa inyo? Anang isip niya. Napakagat tuloy ng labi si Heaven. Hindi rin naman niya maintindihan ang sarili. Ayaw niyang mapalapit kay RV pero gusto ng ka