Emerald Nagawa ko pa ring bumalik sa kwartong tinutuluyan ni mama at nakitang mahimbing na siyang natutulog habang nakapatong sa side table ang tasang pinag-inuman nito ng kape. Mabuti na lang at umalis siya kanina sa pantry kung kailan ayaw nang magpaawat ni halimaw sa kalandian nito. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kwarto naming dalawa pero naaaninag ko na mula sa malayo ang nakakunot niyang noo habang nakahiga siya sa kama. Umirap ako sa kawalan saka bumuga ng marahas na hangin. Hindi ako umimik, basta tumabi lang ako sa kanya at mabilis na ibinalandra ang isang unan sa pagitan namin. Hinugot ko pa ang comforter para takpan ang katawan naming dalawa. "Are you mad at me?" Aba! At tinatanong pa talaga ng halimaw na ito kung galit ako? Dapat nga alam niya na ang sagot kanina