Emerald Hindi man natuloy ang pangako ni halimaw na pupunta kami ng mall pero bumaha naman ang buong mansyon nang inutusan nito ang mga tauhan na bumili ng mga kailangan ko. At kung hindi ako nagkakamali, ito pa rin ang pinagkunan niya ng mga damit at lingerie ko noon. Sayang lang dahil hindi pa rin ako nakapunta sa sinasabi niyang De Luxe Luna. Maliban sa mga pinamili nitong mga gamit para sa akin, umawang pa ang mga labi namin ni mama nang makita ang tatlong malalaki at sealed boxes na nakahanda sa sala na ayon sa kanya ay mga damit at groceries daw para sa aking pamilya. Hindi naman ba magmumukhang balik bayan ang mama ko bukas dahil sa pinaggagawa niya? Nakakaloka! Daig ko pa ang nagkaroon ng sugar daddy sa katauhan ni halimaw. Ang pinagkaibahan lang namin, kasal kaming dalawa kaya