Emerald NAPATIKHIM na lamang ako dahil sa sinabi ni Sage. Hanggang ngayon masyado pa rin talagang honest ang foot long na ito sa nararamdaman niya kahit malinaw naman dito na mayroon ng nagmamay-ari ng puso ko. "Salamat sa tulong mo kanina, Sage. Promise, babawi ako sa'yo," mahina kong sambit habang hindi tumitingin dito. Pakiramdam ko tuloy may namuong sama ng panahon sa pagitan naming dalawa dala na din nang sinabi nito kanina. "Everything for you, Emerald." Ilang minuto ang lumipas, humugot na lamang ako ng malalim na hininga at sinubukang basagin ang matinding pagkailang na nararamdaman namin para sa isa't isa. "Hmm. Wala ka bang nagustuhan kahit isa sa mga babaeng nakilala mo, Sage?" Ewan kung saan ko napulot ang tanong na iyon basta bigla na lang itong lumabas sa bibig ko. Ki