Chapter 3
Evangeline's point of view
Dali dali akong bumaba dahil malalate na ako anong oras na ako nagising napasarap yata ang tulog ko dahil yakap yakap ko ba naman si P hindi ako makapaniwala na mayayakap ko ng ganoon si P alam niyo na, sabi niya kasi gusto niya ako makatabi matulog eh huhuhu.
"Mama papasok na po ako"sabi ko at kinuha ko ang baon kong pera na nakalapag sa may drawer dito kung saan ni mama iniiwan ang pera na baon ko at napatingin naman si mama saakin habang nag huhugas siya ng pinggan.
"Anak kumain ka na muna, at nga pala hindi mo isasama si P?"tanong niya saakin at umiling naman ako at agad akong kumuha ng sandwich na nakapatong lang doon sa may bowl ang dami pang sandwich na naiwan, nakaalis na din si papa at si P ayon tulog parin hanggang ngayon hindi man lang naramdaman na gising na ako.
"Mauna na ako mama, paki alagaan muna si P mama basta ako nang bahala mag paligo sakanya mamaya!"sabi ko sakanya at tumango naman ito at sabay lumabas na din ako ng bahay at saktong huminto ang bus sa harapan ko at sumakay naman kaagad ako at nag salpak ako ng earphone sa may tenga ko.
Malakas ang music ko at ang pinapatugtog ko ay Marry You by Bruno Mars search niyo nalang kung gusto niyon pakinggan sobrang ganda talaga ng kanta na ito, ito nga gusto kong kanta pag nag karoon ako ng boyfriend este asawa. Tahimik lamang ako at nakahalumbaba ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko at narinig ko lamang ay ang mahinang tili dahil nga malakas ang volume ng earphone ko.
Napatingin naman ako sa katabi ko na lalaki, ang buhok nito ay kulay yellow na light siya tapos ka uniform ko ang suot niya ibig sabihin sa school ko din siya nag aaral kaya naman napaiwas na ako ng tingin dahil baka mag reklamo siya na tinititigan ko siya. Huminto ang bus sa may tapat ng school at tumayo na ako nag takha ako kung bakit hindi pa din tumatayo ang lalaki na katabi ko, kaya pinawalang bahala ko na lamang 'yon.
Bumaba na ako at dali dali akong tumakbo para makapunta sa room kung saan ang una namin subject science pa naman ang subject namin ngayon hayss malalagot nanaman ako sa guro namin nito kaya pag kapasok ko buti nalang wala pa si ma'am kaya naman umupo na ako sa puwesto ko at bumungad saakin si Lia.
"Uy! girl parang ngayon ka lang yata na late ha?"tanong niya saakin, hindi ko nga alam kung bakit ako nalate ng ganito hayss bakit kasi nag paapekto ako sa yakap na 'yon eh! dapat pala hindi nalang ako pumayag! heler! isa lang naman akong menor de edad na nag kakagusto sa isang matiponong lalaki na inaalagaan ko ngayon.
"Hindi ko nga din alam girl eh! basta mahabang kwento mamaya ko nalang sasabihin pag vacant!"sabi ko sakanya at tumawa naman siya at saktong dumating na ang guro namin at nag attendance kaagad ito kaya naman nakinig ako sa buong klase.
Sawakas tapos na ang klase buti nalang ang sunod dito ay vacanta kaya makakapagkwentuhan kaagad kami ni Lia nito kaya naman pumunta na kami ng canteen kaunti palang ang tao kaya naman pumwesto kami sa may dulo.
"Ano girl sasabihin mo na ba ang nangyari?"tanong niya saakin at tumango ako habang umiinom ako ng shake, ito lang ang inorder namin dalawa dahil mamayang pag uwi ko naman kakain ako, kamusta na kaya si P sa bahay? iisipin nanaman ba niya na iniwan ko siya?
"Gosh! girl i can't take it anymore na yata pero nakakaawa siya eh hindi ko magawang maiwan sa isang lugar na pwede siyang maligaw talaga"sabi ko sakanya at tumawa naman ito ng mahina kaya naman hinampas ko siya ng mahina nakakapangasar pero naawa talaga ako kay P.
"So ano nang gagawin mo niyan?"tanong niya saakin.
"Aalagaan ko siya, kailangan ko din hanapin ang tunay na nag aalaga sakanya hindi pwedeng doon nalang siya habang buhay"napahawak ako sa sentido ko at nag iisip ako ng pwede kong magawa kung paano ko sisimulan hanapin ang pamilya niya.
"Tulungan ba kita diyan sa pag hahanap na 'yan?"tanong niya saakin kaya naman nabuhayan ako ng kaluluwa at tumango tango, napakabait talaga ng bestfriend kong ito kaya mahal ko 'to eh ayokong nasasaktan 'to kaya mag ingat kayo saakin mga boys dahil masasapak ko ang mananakit dito.
"Salamat talaga Lia! ikaw talaga ang the best!"sabi ko sakanya at niyakap ko pa siya ng mahigpit habang nasa bibig ko ang straw ng shake at ngumiti naman siya, buti nalang nandiyan siya para saakin dahil kung hindi mag isa akong mag hahanap sa gurdian ni P.
"Pero girl may clue ka na ba kung bakit hindi siya nag sasalita?"tanong niya saakin at napaisip naman ako at bigla kong naalala ang nasa batok niya ang tahi na nakita ko ng pinapaliguan ko siya kaya naman huminga ako ng malalim at sinabi ko sakanya 'yon.
"Oo may nakita ako sa batok niya may tawi siya sa may taas ng batok niya malapit na yata sa ulo 'yon siguro 'yon ang dahilan kung bakit nakalimutan niya ang lahat at hindi din siya makapagsalita!"sabi ko sakanya at gulat na gulat din siya sa sinabi ko.
"Jusko naman girl! baka nag kaamnesia 'yang fafang inaalagaan mo! paano pag naalala niya ang lahat at magalit siya sayo dahil hindi ka man lang gumagalaw diyan para hanapin ang totoong nag aalaga sakanya!"sabi niya saakin kaya naman napahawak ako sa pisngi ko dahil kinabahan ako doon sa sinabi ni Lia.
"Waaaa oo nga Lia! buti na isip mo 'yan bukas na bukas sisimulan ko nang hanapin ang pamilya niya kung meron pa pero sana kahit nagaalaga man lang meron!"sabi ko sakanya at tumango tango naman ito at saktong nag bell na kaya niyaya na niya akong bumalik sa classroom.
Sa wakas tapos na ang klase sa lahat, nag paalam na din ako kay Lia na mauuna na ko dahil baka hanapin na ako ni P baka umiiyak na 'yon doon char! baby lang ang peg eh nuh? pero iniisip ko totoo kayang may amnesia si P kaya ba wala siyang alam at hindi din siya makapagsalita dahil baka trauma siya?!
Sumakay na ako sa bus at umupo sa may harapan at nag salpak ulit ng earphone sa tenga ko pero bago ko mapatugtog ang kantang gusto ko ay may nag tanggal nito at napatingin naman ako sa katabi ko at ito 'yong lalaking yellow ang buhok na light masyado.
"Hindi mo man lang ba ako papansinin miss?"sabi niya saakin kaya naman napataas ako ng kilay ko sino ba ang lalaking 'to at ang lakas ng loob na kausapin ako akala mo naman napakagwapo niya mukha naman siyang ewan.
"Excuse me, do i know you?"tanong ko sakanya at bigla naman nag tawanan ang mga barkada niya siguro sa likuran niya na nakatayo may mga bakanteng upuan naman bakit hindi sila umupo mga may saltik ba sila sa ulo?
"I just wan to know you miss can i?"sabi niya saakin at nilapad niya ang kamay niya at sakto naman na huminto ang bus sa may tapat ng condo namin kaya naman tumayo ako at deretsahan ko siyang sinagot ng 'no'
"I'm sorry but no"mataray kong sabi, ganito kasi ako sa mga lalaki mukhang makabasag ulo pag dating sa away kaya ang dapat gawin sakanila ay 'yong binabasag din ang pag mumukha para tumigil na sila sa pang lalandi nila sa mga babae.
Pagkababa ko palang nakita ko siyang nakasimangot at umiwas ng tingin kaya naman napangisi ako at humalakhak ako ng malakas dahil nakakatawa ang itsura niya ano na kaya ang year niya mukha kasing 4th year na din pero ang tangkad niya infairness.
Pagkapasok ko palang sa loob ng room ng condo namin ay nakita ko na kaagad si P na nag lilinis at may nakalagay sa ulo nito na panyo at ang dumi na nang pisngi nito kaya naman napatingin ako kay mama na ngumiti ng pilit.
"Mama anong ginawa niyo kay P anong tinuro mo sakanya?"tanong ko sakanya at agad naman lumapit si P saakin at niyakap ako hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko, namiss ba ako ni P?
"Tinuruan ko siya nak, madali naman pala siyang maturuan eh!"sabi niya saakin at tumango tango naman ako at ng makakalas si P ay hinawakan niya ang kamay ko at pinakyat ako sa taas kung saan ang room ko at pinapasok ako at pinakita ang kwarto ko na dati maduming dumi ngayon malinis na.
"Wow! nilinis mo 'to P?!"tanong ko sakanya at napatingin ako sa mga libro ko na nakadisplay lang sa isang tabi ngayon maayos na nakalagas sa lalagyanan at ang mga damit kong nakakalat ngayon nakasampay na kaya naman napangiti ako at napatingin kay P.
"Salamat P! akala ko hindi mo masusuklian ang mga pinaggagawa ko eh! aalagaan talaga kita at iingatan kita!"sabi ko sakanya halos maiyak na ako at niyakap naman niya ulit ako at hindi ako makaimik dahil hindi ko alam kung bakit panay yakap itong si P -_- tinuruan nanaman siguro ni mama 'to ng kung ano ano.
Pag kababa namin nadatnan namin ni P si papa na kakauwi lamang at tumingin siya saakin at tinawag niya ako gamit ang senyas niya kaya naman napalapit ako sakanya at pinaupo niya ako sa may silya at nakita kong pinaakyat ni mama si P ulit kaya naman hinayaan ko na lang.
"Papa bakit mo ako tinawag?"tanong ko sakanya at may pinakita siyang isang document na nag lalaman ng puro galing sa police station kaya naman napatingin kaagad ako doon at kitang kita ko ang pangalan ni P doon. So ang totoong pangalan niya ay Paul Nicolas at ang pictura na nakalagay sa gilid ay nakapang pulis siya na kulay blue kaya naman napalulon ako, pulis si P....
"Papa paano mo nalaman na may trabaho si P?"
"Hindi ba naikwento mo saamin ng mama mo kahapon na napatingin si P sa isang police station at may isang lalaking napatingin din sakanya, 'yon pala ay si Sebastian kaibigan 'yon ni P kaya nag takha siya kung bakit may kasama si P na menor de edad kaya nag takha siya at hindi niya maialis ang tingin niya sainyo kahapon."sabi niya kaya naman hindi ako makagalaw dahil patuloy parin akong nakatitig sa papel na hawak ko kung saan nandoon lahat ng inpormasyon ni P.
"May pamilya ba siya papa? para naman madala na natin siya doon sa tunay niyang bahay at kung saan dapat siya"sabi niya saakin at napaupo na din siya at biglang nag bago ang expression naging malungkot ang kalooban ko at napatap naman si papa sa balikad ko.
"Patay na ang pamilya niya dahil sa aksidente, ang tatay niya ay isang pulis din, pero ang dahilan nito ay si Paul dahil niligtas niya si Paul sa kriminal na may hawak na baril kaya ang nabaril ay ang tatay ni Paul"sabi niya saakin at napatango tango naman ako at ngayon ko lang napag tanto na kakaiba ang apelyido niya siguro isa siyang foreigner.
"Paano natin malalaman ang bahay ni P?"tanong ko sakanya at bigla naman siyang ngumiti hindi ko alam kung bakit pero hindi niya binanggit saakin na kung may sakit ba si P o wala kaya lalo akong naguluhan.
"Mayaman siya anak, hindi ko pa nalalaman ang address niya but i think he can speak parang na trauma lang daw siya sabi ng kaibigan niya dahil 'yong last work daw nila ay nag karoon ng trahedya na hindi makalimutan ni Paul"sabi niya kaya naman pinigilan kong huwag pumatak ang mga luha ko, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi ni papa dahil ayokong maniwala na nakakapag salita si P alam kong nakakaawa siya pero paano niya magagawa saakin 'to?
"Anong gagawin natin papa?"tanong ko sakanya at napahawak naman siya sakanyang baba at hindi makapag isip ng maigi at nakarinig ako ng nabasag kaya naman alerto kami ni papa at pumunta kaagad kung saan ang nabasag na kung ano at pag tingin ko si mama pala nakasagi ng vase sa gilid nakikinig silang dalawa ni P.
Napayuko ako dahil sobrang naguguluhan na ako, nag sasalita ba talaga si P? talaga bang kaya niyang alagaan ang sarili niya, bakit niya ako hinayaan na paliguan siya at bihis bihisan siya?! paano niya magagawa saakin 'to?! paano?! hindi ko namalayan ang sarili ko na nakalapit na pala ako kay P at katapat ko na siya.
"P! alam kong nag sasalita ka kaya ibuka mo na 'yang bibig mo at sabihin mo na saakin ang totoo!"sabi ko sakanya at nakatingala ako sakanya at hindi ko na naiwasan ang mga luhang papatak sa mga mata ko.
"Okay i know! i'm sorry eva, i will explain everything"nanlaki ang mga mata ko ng magsalita siya kaya naman matagal kaming nag katitigan at kitang kita ko na nag spark ang mga mata niya, sobrang gwapo niya talaga pero hindi ako pwedeng mainlove sa isang kagaya niya dahil mag kaiba kami, i'm a student and he is a policeman!
"Nakakainis ka P...."bulong ko sa sarili ko at hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon dahil bigla niya akong niyakap at nagulat naman sina mama at papa kaya naman pilit kong nilalabas ang sarili ko sakanya at hindi ako makakawala.
"This is what my family want, they want me to marry a younger, they want me to marry the name of Evangeline Marasigan, please take care of me eva!"sabi niya saakin kaya naman nanlaki ang mga mata ko, lord kung nanaginip lang ako sana gisingin niyo na ako sa bangungot na 'to.
**