Chapter 4
Evangeline's point of view
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil napagising ako bigla dahil sa napapaginipan ko at sa mga nalalaman ko kaya naman tumingin ako sa katabi ko at pag tingin ko si P katabi ko siya at hinawakan ko ang buong katawan ko at kinurot ko ang sarili ko kung totoo na ba 'to.
At totoo nga hindi na ako nanaginip at napahinga naman ako ng malalim dahil nag papasalamat ako na panaginip lang ang lahat at hindi nag sasalita si P talaga kaya naman napangiti ako at tumingin kay P na walang kumot kaya naman kinumutan ko siya at hinawi ko ang buhok niya.
"Akala ko talaga nag sasalita kana P"bulong ko at ngumiti ako ng pilit kahit na hindi siya makapag salita ayos lang saakin basta makasama ko siya, teka lang eva? makasama siya? hayss! ano ba 'tong pinagiisip ko nababaliw na 'yata ako dahil inaalagaan ko si P!
Tumingin ako sa orasan at mag 5:30am na pala kaya naman bumangon na ako at bumaba na ako para ako nalang mag luto ng makakain namin, at nang matapos ko nang lutuin ang breakfast namin sakto naman na ka bababa lang ni mama at nagulat siya.
"Ang aga mo naman yatang gumising?"tanong niya saakin at napangiti naman ako, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagising ng ganito kaaga dahil lang sa isang panaginip na 'yon na nag pagising saakin hayss.
"Naalimpungatan kasi ako mama kaya hindi ko na naisipan bumalik ulit matulog baka kasi ma late pa akong pumasok sa school"sabi ko sakanya at tumango naman ito at nilapag ko na ang sandwiches na niluto ko at nilagyan ko 'yon ng palaman na gulay alam kong magugustuhan ni P 'to.
"Ganoon ba? pag pasok ko kasi sa kwarto mo nakita ko si P hinawakan ang mukha mo hindi ko alam kung bakit, yiee! ikaw ah!"sabi niya saakin at binunggo niya pa ang bewang ko kaya naman napataas ang nguso ko at umakyat na ako sa taas para gisingin si P at kasabay niyon nakasalubong ko si papa.
"Matutulog ka ulit?"tanong niya saakin at umiling naman ako at tumango naman kaagad ito at sabay pumasok ako sa kwarto para gisingin si P, niyugyog ko siya at nagising naman kaagad siya at napatingin siya saakin.
"Umaga na P kakain na tayo"nakangiti kong sabi ko kay P at sabay bumangon naman siya at napakamot naman siya ng batok niya hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon pero hinayaan ko na lamang 'yon.
Habang kumakain kami napapatingin ako kay P dahil gutom na gutom talaga siya tuwing magigising siya simula ng tumira siya dito ganito na siya ka gutom na gutom sa tuwing gigisingin ko siya. At oo nga pala infairness marunong na siyang maligo mag isa dahil tinuruan ko siya at buti naman natuto siyang maligo mag isa.
Hindi ko na kasi makaya ang mga nakikita ko sa katawan niya baka matuluyan na akong mabaliw dahil palagi kong nakikita ang katawan ni P at lalo na ang ano niya kaya tinuruan ko nalang siya para naman may alam na siya.
"Tapos na po ako"sabi ko at sabay tumayo din si P kaya naman kumuno't ang noo ko at hinawakan niya ang kamay ko, iniisip nanaman niyang iiwan ko siya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.
"P hindi kita iiwan kaya kumalma ka lang diyan"sabi ko sakanya at kumuno't naman ang noo niya at tumango naman din kaagad at si papa ang itsura niya hulaan niyo, nakasimangot at mukhang selos na selos dahil nga ako lang ang nagiisa niyang anak kaya ganyan siya maka react.
Pumunta na ako sa may kusina at bigla akong kinalabit ni mama at nilapag na ang pinggan at sabay kaming nag huhugas at napaisip ako, kung tanongin ko kaya si mama tungkol sa napaginipan ko at tanongin ko sakanya kung totoo ba ang lahat.
"Mama pag kauwi ko ba galing school kahapon nag salita na ba si P?"tanong ko sakanya at kumuno't naman ang noo niya at umiling iling ito kaya nama napahawak ako ng baba ko at nag isip ako ibig sabihin ba nito hindi totoo 'yon?
"Sure ka ba diyan mama wala kang narinig? kasi napaginipan kong nag salita na si P at inamin niya na ang lahat?"sabi ko sakanya at kumuno't naman ang noo nito at napahawak sa noo ko at nag poker face nanaman ako.
"Wala naman anak ah? may sakit ka ba? bakit mo sinasabi 'yan? anong aaminin ng inaalagaan mo? si P? wala naman akong alam at nalaman sa mga 'yan"sabi niya kaya nama napatango tango ako at pinunasan ko na ang kamay ko at bumalik na ulit sa may lamesa at hinawakan ko ang kamay ni P.
"Tara na P sasama ka saakin ngayon sa school!"sabi ko sakanya at bigla naman napangiti siya at tumango tango siya at si papa ang sama nanaman ng tingin kaya naman tumawa ako ng mahina at nahalata niya 'yon.
"Ikaw talagang bata ka! pasaway ka! wag kayong mag papagabi ha?!"sabi niya saamin at tumango naman ako at kumuno't lamang ang noo ni P at umakyat na kami ng tuluyan at pumasok na sa kwarto ko at pinauna ko na siyang maligo.
Pagkatapos niyang maligo lumabas na siya sa may banyo at nakita ko ang abs niyang basa pa at nag pupunas siya ng buhok niya at bigla siyang lumapit saakin at tinitigan niya ako sa mga mata ko kaya naman bumilis ang t***k ng puso ko.
"P? may problema ba?"nanginginig ang labi ko nang sabihin ko 'yon.
Kumuno't lamang ang noo niya kaya naman napangisi ako at ngumiti ng kaonti at sabay kumuha ng masusuot niya at binigay sakanya 'yon, tinuruan ko din pala siyang mag suot ng damit at kung paano mag suklay ng buhok din niya.
"Mag ayos kana para pag katapos kong maligo ako nalang mag bibihis antayin mo nalang din ako sa baba okay ba?"sabi ko sakanya at ngumiti lamang siya saakin kaya naman napatawa ako ng mahina ang cute niyang ngumiti sa totoo lang.
Nang makaligo na ako nag punas ako ng katawan ko at pinunasan ko muna ang buhok ko bago ko ibalabal ang towel sa katawan ko at sabay lumabas na din ako, buti nalang wala na si P dito mukhang nakababa na siya at inaantay na ako doon.
Pag katapos kong mag bihis napahinto ako ng maisuot ko ang bag ko sa likod ko, para bang hinahatak ako ng loob ko na wag akong pumasok ngayon at mag sama kami ni P buong klase ko dapat at ibigay ko dapat ang oras ko kay P.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dali dali akong bumaba at hinawakan ko ang kamay kaagad ni P dahil nakatayo lamang siya malapit sa sofa at diretso kaming lumabas hindi ko na din nagawang mag paalam kay mama at papa.
"P wag na wag kang mag sasalita, oo nga pala hindi ka nakakapagsalita!, dahil pupunta tayo sa lugar kung saan tayo masaya!"sabi ko sakanya at sumakay kaagad kami ng bus at pinaupo ko kaagad siya at nag labas ako ng pang bayad namin.
Habang nasa biyahe kami nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya at ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko kaya naman napaiwas ako ng tingin at tumingin na lamang ako sa may bintana dito sa may bus at dinama ang hangin.
Nang makarating kami sa park ng mga puro nag dadate na mag couples agad kong hinatak si P at pumunta kami sa mauupan namin at pag kaupo ko tinitignan niya ang mga bata din na nag tatakbuhan kaya naman kumuno't ang noo ko.
"P may anak ka ba?"tanong ko sakanya at tumingin naman siya saakin at kumuno't lamang ang noo niya kaya naman napangiti ako ng pilit at umiwas ng tingin sakanya at natatawa ako na parang ewan hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng sakit sa dibdib ko.
Dahil ba hindi siya makapag salita at ang alam niya lamang ay ang manahimik? gusto kong malaman kung sino ba talaga ang tunay na mga kilala niya at kung sino ba talaga siya gusto kong malaman ang lahat.
"Tara kain tayo doon P!"tinuro ko sakanya ang nag titinda ng fishball,qwekqwek,kikiam at iba pang niluluto ni kuyang nag titinda at hinatak ko kaagad siya at sabay huminto kami doon at pumili naman ako ng makakain namin.
"Anong gusto mo diyan P pili ka lang!"sabi ko sakanya at ako naman kinuha ko ang maraming nakatuhog na fishball at pag tingin ko sakanya kinuha niya ang may tuhog na qwekqwek kaya nama napangiti ako so ito pala ang gusto niya?
"Kuya ito nga po"sabi ko sa nag titinda at binayaran ko na 'yon at sinawsaw ko siya sa sauce nila dito at siya naman kumuno't lamang ang noo niya at ginaya rin niya ako, sinawsaw din niya 'yon at ngumiti siya kaya naman napangiti din ako.
Umupo kami ulit sa bench at at kinain ko na ang fishball at pag tingin ko sa katabi ko laking gulat ko ng naanghangang siya dahil sinasaw ba naman niya sa may sili eh kaya naman tawa ako ng tawa at napahawak pa ako sa tiyan.
"Hahahaha gagi ka kasi P! bakit mo sinawsaw sa may sili! ayan tuloy!"sabi ko sakanya at kumuha ako ng tissues sa bag ko at pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil nag kalay doon ang pugo na nadurog dahil sa pag kagat niya.
Yumuko lamang siya at nahihiyang humarap saakin kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap ko siya saakin at nahihiya siyang tumingin saakin, may mahiyain side din pala itong lalaking 'to kaya naman napangiti ako.
"Wag kang mag alala P! ako lang nakakita at wala nang iba hindi ko sasabihin kila mama at papa 'yan"sabi ko sakanya at kumuno't lamang ang noo niya at sabay hawak sa kamay ko habang pinupunasan ko ang damit niyang natapunan ng balat ng pugo na kinain niya.
"P sayo nalang 'tong fishball"sabi ko sakanya at naramdaman kong nag init ang pisngi ko at pag katapon ko ng tissue na madumi sa basurahan napatingin ako sa harapan at sa hindi kalayuan may isang kotse ng pulis doon na nakaparada sa kabilang kalsada at may lumabas doon na isang nakasumbrero na pulis, teka hindi ba siya 'yong nakita ko kailan lang? na tinignan ni P?
Kaya naman dali dali kong hinawakan ang kamay ni P at tumakbo kami papalayo doon, hindi pa ako handa, lalong hindi pa ako handang bitawan si P ngayon gusto ko pa siyang makasama ng matagal gusto ko pang mahawakan ang kamay niya.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero ramdam kong may gusto ako kay P at hindi ko pwedeng sabihin kila mama at papa ito dahil alam kong magagalit lamang sila, ako ang hahanap sa tunay na nag aalaga sakanya hindi 'yong ako mismo ang mahahanap na kasama si P.
"P uuwi na tayo"sabi ko sakanya dahil pag tingin ko sa orasan mag gagabi na din kaya naman tuluyan na kaming umuwi at pag pasok namin sa loob ay walang mama at papa na nadatnan mukhang nag tratrabaho pa sila sa pag titinda kaya naman nag lakad ako na parang zombie at kumuha ng tubig sa may ref.
Bakit nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang bote na maliit ay naibagsak ko 'to at laking gulat ko ng dumating sa harapan ko kaagad si P at pinulot niya ang bote na naibagsak ko at binigay niya kaagad saakin ito.
"Okay lang ako P umakyat kana mauna kana din matulog"sabi ko sakanya at hinawakan naman niya bigla ang kamay ko at bigla niya akong niyakap hindi ko alam kung bakit niya ako niyakap bumilis lalo tuloy ang t***k ng puso ko at nakapalas kaagad ako sakanya.
"Kailangan ba kasama ako pag matutulog na?"tanong ko sakanya at tumango tango kaagad ito kaya naman natawa ako ng kaunti at ngumiti din ako pero isang ngiti 'yon na peke at tuluyan na kaming umakyat papuntang kwarto ko at humiga kaagad siya at hinihintay niya ako.
Humiga na din ako sa kama at pinikit ko na ang mga mata ko at hindi ako makatulog dahil sa sobrang lapit ng mukha niya saakin kaya naman napabangon ulit ako at biglang nag vibrate ang phone ko kaya naman sinagot ko kaagad 'yon sino naman kaya tatawag?
"Hello"bungad ko kaagad.
[Hello? ikaw ba si Evangeline Marasigan?]boses lalaki ang nasa linya sino naman kaya ang tatawag ng gabi na? nababaliw na 'yata ang isang 'to wala akong maalalang may nilanding lalaki sino kaya 'to.
"Oo ako nga sino po sila?"ginalang ko pa siya at hinihintay ko ang sagot nito at hindi naman nakaimik ang nasa kabilang linya at narinig ko ang salitang 'andyan kaya si paul sa bahay niya' kaya naman kinabahan na ako.
[May kilala ka bang P--]hindi ko na kaagad siya pinatapos dahil kaagad kong binaba ang tawag at inoff ko kaagad ang phone ko at tinago ko ito sa may drawer at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Gaya nga ng iniisip ko, hindi pa ako handang ibigay sakanila si P gusto ko pa siyang makasama ng matagal gusto ko pang makita ang itsura niya gusto ko pa siyang maturuan ng mga bagay na hindi niya alam.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa luhang pumatak galing sa mata ko at tuluyan na akong umiyak ng patago at hindi nag ingay dahil baka magising si P.
**