TAHIMIK lang kami ni Jazz buong biyahe. Kaya naman nang dumating na kami sa kanyang office ay hindi ako nakatiis at ako na ang unang kumausap sa kanya. "Okay ka lang ba?" "Yeah." Tipid niyang tugon. "Kanina mo pa akong hindi kinakausap eh. May nagawa ba akong mali?" Muli kong tanong sa kanya. "Wala. May iniisip lang ako. By the way, ano nga pala ng gusto mong almusal? Magapapa-deliver na lang ako." "Huh? Kumain na ako bago umalis ng bahay Di'ba't naabutan mo pa nga ako na kumakain? Okay ka lang ba talaga Jazz?" Naguguluhan'g usisa ko pa sa kanya. "Oh, sorry i forgot!" Napahawak pa ito sa kanyang sentido. Kukulitin ko pa sana siya kaya lang ay naunahan ako ng pagtunog ng kanyang cellphone. Bahagya ko itong sinulyapan at nahagip ng tingin ko ang pangalan ni Lea sa screen. D