Chapter Twenty One

1303 Words

KINABUKASAN ay tila wala pa rin ako sa sariling katinuan habang naglalakad papunta sa banyo. Muntik ko pa nga'ng masagi ang kape ni Pauline na nakapatong sa gilid ng mesa. "Hoy, friendship! Tulog ka pa ba?" Ani Pauline. Buong akala ko ay nakaligtas na sa kanyang paningin 'yon ngunit hindi pa rin pala. "Inaantok pa ako." Tinatamad na palusot ko sa kanya. "Sus, anong petsa ka na kasi inihatid ni Papi Jazz kagabi eh. Hayan tuloy, para kang lasing diyan!" "Oo nga eh." Tanging nasabi ko na lang. "Naku, bilisan mo na diyan at ipagtitimpla na kita ng kape para mawala 'yang antok mo!" Dagdag pa ni Pauline habang naroon ako sa loob ng banyo. Maya-maya pa ay magkaharap na kami sa hapag. Siya na rin ang nagluto at naghain ng almusal namin. Pati ang masarap na kape ko ay siya rin ang nagtimpla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD