MATAPOS i-check ng doctor ang kondisyon ko ay pinakiusapan ko itong huwag ipaalam kay Jazz ang totoo kong kalagayan. Ikinuwento ko rin sa doctor ang totoo kong dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap na may amnesia kaya't agad naman itong pumayag. Ngayon ay nasa labas na ng silid ang doctor at masinsinan na silang nag-uusap ni Jazz. Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto ng ward. "Friendship! Diyos ko po, salamat naman at nagising ka na! Tatlong araw kong hinintay na dumilat ka!" Kaagad na naibulalas ni Pauline pagkakita niya sa'kin. Subalit agad rin siyang inawat ni Jazz. "Ano ba? Kukumustahin ko lang 'yong kaibigan ko!" Pagprotesta nito habang pilit siyang hinahawakan ni Jazz sa braso. "Sandali! Makinig ka nga muna." Ani Jazz na puno ng iritasyon sa tinig. "Baki