AIRA POV
"I am sorry kung hindi mo planong ibigay sa akin ang vitginity mo. Pero wala naman akong planong takbuhan ka. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay pag bibigay sayo ng pera. At tsaka nasa 20's na tayo ngayon. Hindi na masyadong iniintindi ngayon ang virginity kasi masyado nang liberated ang mga tao."
"Wow? Talaga bang nang iinsulto ka ha?"
Naglakad na lamang siya papunta sa side ng kanyang kotse nito at binuksan niya ang pintuan.
"Get inside the car, idaan na lang natin sa pagkain ang problema mo. And this is not a favor to ask, it is an order coming from your boss."
Ang seryoso ng boses niya, kunwari seryoso pero ang totoo ay ayaw niya lang ulit masampal ko kasi babakat na naman ang kamay ko sa pisngi niya.
I gritted mg teeth in anger dahil sa napilitan akong sumakay sa magara niyang kotse.
Pag pasok ko sa loob, ang lamig lamig at ang bango bango ng kanyang kotse. Pinag saraduhan niya ako ng pintuan at sumakay na siya sa driver's seat.
Tinanggal niya ang kanyang coat at hinagis ito sa likuran. Napatulala na lamang ako ng makita ko naman ang kanyang biceps. At iniangat ko ang mga mata ko sa kanyang mukha. Ang gwapo niya pa rin kahit na naka side view ito.
Lumingon siya sa akin at ibinaling ko na lamang ang mga mata ko sa cellphone ko.
"What? Do you need anything?" tanong niya.
"Wala... mas maganda kung magda drive ka na lang..."
"By the way, I will assure you na masarap na restaurant ang kakainan nating dalawa. Kaya kailangan na damihan mo ang kakainin mo para sulit naman ang magiging bayad natin," sabi niya pa.
"Wag kang mag alala, marami naman akong kakainin eh. Hindi lang halata sa akin pero masiba din ako kumain. At tsaka sa laki ng atraso mo sa akin, dapat lang na ilibre mo ako no!"
Nag start na siya ng kanyang kotse at matulin itong pina andar.
"Okay Madam, siya nga pala, nawala yata yung singsing mo sa kamay? Do you mind me asking kung anong nangyari?"
"Ano bang pakialam mo? Eh buhay ko naman ito? Wag kang feeling entitled sa buhay ng ibang tao kasi wala ka naman ideya kung ano ang mga pinag daanan ko sa buhay," sagot ko habang nakatingin ako sa labas.
"Grabe namang hugot yan? Simple lang naman ang tinatanong ko eh. Kung naisangla mo naman yung engagement ring ninyo ng fiance mo, pwede naman kitang bigyan ng pera para matubos ito eh," sabi niya pa, yabang na yabang talaga ako sa boses ng lalaking ito.
But then, pwede naman akong mag sinungaling sa kanya at sabihin ko na naisangla ko ang singsing sa malaking halaga. Tutal, malaki naman talaga ang naging atraso niya sa akin kaya dapat lang na singilin ko siya ng paunti unti sa pagkuha niya sa virginity ko!
"50 thousand ang sangla ko sa singsing na yun kasi sobra talaga akong nasaktan sa ginawa mo sa akin. Kaya sobrang gumuho talaga ang mundo ko sa ginawa mo. So ano ha? Hindi ka man lang ba kukurutin ng konsensya mo jan kasi may tao kang nasaktan," pagda drama ko pa, kunwari ay sobrang malungkot ako sa nangyari pero ang totoo ay pawang kasinungalingan lang naman ang sinasabi ko.
"Ano? 50 thousand mong sinangla? Grabe naman, buti pumayag yung pawnshop sa ginawa mo?" tanong niya na may halong pag tataka.
"Oo kasi magaling akong makipag negotiate. Pero it does not mean na hindi ko na tutubusin ang engagement ring ko. Syempre gusto ko pa rin yun makuha kasi what if bigla na lamang bumalik ang fiance ko? Ano na lamang ang sasabihin ko sa kanya ha? Sinangla ko yung singsing kasi ibinigay ko na sa ibang lalaki ang virginity ko na dapat ay ibibigay ko sa kanya?"
Hininto niyang bigla ang kanyang sasakyan sa gitna ng kalsada at sabay kaming lumingon sa isa't isa.
"I will give you 50 thousand pero sa isang kondisyon," sabi niya pa, bumaba ang tingin niya sa boos ko na para bang gusto niya itong tikman dahil sa focus ns focus ang mga mata niya dito.
Tinakpan ko naman ang boobs ko sa mga malilibog niyang mga mata.
"Teka lang ha? Ano bang ginagawa mo ha? Kung may plano ka pang makipag s*x sa akin, itigil mo na ang kahibangan mo kasi never na yang mangyayari ulit. So mag drive ka ulit kasi baka mamaya niyan ay mayroong dumating na traffic enforcer at hulihin ka. Sige ka, ikaw din naman ang mati tiketan niyan."
"Are you sure na ayaw mong pumayag? Paano kung cash kong ibibigay sayo ang 50 thousand para lang masigurado ko na may mangyayarin sa atin ngayon? At least kahit papaano ay bayad naman ang bawat s*x nating dalawa. Kesa naman kung ibibigay mo lang yan sa fiance mo ng libre."
"Wow ha? Talaga namang niyayabangan mo ako ngayon kasi mapera ka?"
Pinag patuloy naman niya ang kanyang pagmamaneho ng kanyang sasakyan.
"Ikaw bahala ka? Ayaw naman kitang pilitin. Sa mundong ito, pera na ang mas mahalaga sa tao. Kaya nga ang iba, kumakapit sa patalim para lang maka survive lang sila sa buhay. Mahirap pa naman kumita ng pera ngayon. Sayang ang 50 thousand, baka mag bago pa ang isip ko," halata namang tinutukso niya ako sa sinasabi niyang ito sa akin
Pero I admit, mahirap naman talagang kumita ng pera sa panahon na ito. At sa taas ng bilihin, marami na ang mga praktikal na tao.
I hate to admit it but weakness ko naman talaga ang pera. At yung sahod ko sa call center ay walang sinabi sa instant cash na inaalok niya sa akin.
"Ano ha? Bakit parang natahimik ka na yata jan? Are you going to take it for granted? Sige ka, baka magbago na ang isipan ko at hindi na ako pumayag next time. Palagi pa namang nasa huli ang pag sisisi," pag papatuloy niya sa pag sasalita niya.
Napa buntong hininga ako ng malalim. Pero this time, mas magiging wais at sigurista na talaga ako!