PETER POV
Hinantay ko muna bago siya ulit magsalita. Alam ko naman na yes ang magiging sagot niya sa akin subalit gusto ko na talaga itong marinig sa kanyang mapupulang labi.
"Yes, sorry, hindi lang kasi ako makapaniwala na nangyayari na ito," wika niya matapos ang ilang minuto nitong katahimikan.
She offered her right hand to me at masaya naman ako ng ilagay ko rito ang engagement ring. Finally, wala na talagang makakapigil sa pagmahahalan naming dalawa. Lalong lalo na't bigla na lamang akong yayaman pagkatapos nito.
Pagkatapos kong isuot ang singsing sa kanya, tumayo na ako at humarap sa kanya.
Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata kagaya ng pag punas ko ng luha sa mga mata ni Aira kahapon.
"Pramis ko sayo, ibibigay ko ang kasal na gustong gusto mo. Di ba mas importante naman talaga ang kasal sa babae dahil sa once in a lifetime event ito?"
"Oo naman, I will inform my parents on states about this. Natitiyak ko na matutuwa sila lalo na't pinangarap nila na maikasal ako sa lalaking mahal ko."
"That is really good thing to know. Lalo na ngayon na maraming mga manloloko. Di ba sa bibig mo na rin naman nanggaling na bihira na ang lalaki na kagaya ko?"
She started wrapping her arms around my neck and I just give her a sweet smile.
"Don't worry, I know naman na isa ka talagang mabuting lalaki na handang gawin ang lahat para sa akin. And I really trust you na magiging faithful ka sa akin."
The demon inside my head is laughing right now. Talaga namang naging talento ko na rin talaga ang manloko ng mga babae. Depende na rin siguro sa sitwasyon namin kung magtatagal kami. Uubusin ko muna ang yaman niya at kapag naubos ko na ito at napagtanto na hindi ko na siya mahal, iiwan ko na lang din siya sa ere kagaya ng pag iwan ko kay Aira noon.
Alam ko na sobra siyang masasaktan pero wala naman akong pakialam eh. Ang gusto ko lang naman ay makuha kung ano ang pakay ko sa kanya. At mas magagawa ko lamang ito kapag naikasal na kaming dalawa.
Pero sa ngayon, mas lalo akong magiging mabait sa kanya para naman mas lalo pa siyang mahulog sa akin.
"Bukas, gusto ml mayroon tayong puntahang lugar? Like date? Ano?" tanong ko.
"Hmmpp... date? Pwede punta na lang tayo sa bar?" tanong na sagot niya.
"Pwede naman, pero sana tayong dalawa na lang. Ayaw ko nang may iba tayong kasama kasi date nga ito di ba?"
Madaming kaibigan si Lea at ayaw ko naman na sasama sila sa magiging date naming dalawa. Ang hirap naman kung mayroon kaming asungot na kasama. Mahirap maka bwelo sa kanya.
"Sure, wala namang problema sa akin, mas gusto ko nga na wala tayong ibang kasama eh."
-----------------------------------
-----------------------------------
AIRA POV
Five minutes before lunch break, muli na namang nag chat sa akin ang mokong na si sir Jordan.
"Tama na ang trabaho mo, wag ka nang masyadong masipag jan. Halika na at pumunta ka na sa parking lot. Ako ang bahala sa lunch natin."
Habang binabasa ko ito ay naririnig ko ang nakaka iritang boses niya. Kung nang gabing nagkakilala kami ay naaakit ako sa boses niya, ngayon naman ay sobra na akong naiirita dito.
Tinatamad na rin naman akong magtrabaho ngayon kaya naman ay nagpasya na akong tumayo at pumunta sa parking lot.
Hinanap ko si Jordan hanggang sa marinig ko na lang ang busina ng isang sasakyan.
Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko siya na lumabas ng kanyang sasakyan.
Naka sando na lamang siya at mayroon siyang yosing dala sa kanyang kamay. Malakas man ang dating niya pero never na akong maaakit pa sa kanya.
Napangiti siya sa akin, mabilis naman akong lumapit sa kanya. This is the best opportunity para naman makatikim siya ng isang malutong na sampal sa akin.
Nang makarating naman ako sa harapan niya, dito ay hindi na ako nag dalawang isip na sampalin siya sa pisngi.
Sa sobrang lakas nga ng sampal ko ay narinig kong lumagatok ang kanyang pisngi.
Never ko itong pag sisisihan. Right after ng ginawa niya sa akin, deserve na deserve niyang masaktan.
Humarap naman siya sa akin nang nakangiti.
"Ano ha? Sobrang kapal naman pala talaga ng pagmumukha mo no? Nagagawa mo pa talagang ngumiti sa akin kahit na malakas ang sampal ko sayo!" gigil na sabi ko pa sa kanya.
Nako talaga, nanginginig ang buo kong katawan sa galit na nararamdaman ko sa kanya.
"Oh bakit naman? Wala naman akong natatandaan na kasalanang ginawa ko sayo ha?"
"Wala ha? Sigurado ka ba? Oh talaga namang manhid ka kaya hindi mo alam kung ano ang kahayupang ginawa mo sa akin?" taas kilay na sabi ko pa sa kanya.
Isang sampal pa sana ang bibitawan ko sa kanyang pisngi kaya lamang ay pinigilan na ito ng kanyang kamay.
"Sa lahat ng parte ng aking katawan, ang mukha ko talaga ang pinaka iniingatan ko sa lahat. Kaya mag dahan dahan ka sana sa ginagawa mo sa akin. And besides, sa pagkaka alala ko ay ikaw ang nag first move sa ating dalawa. Tinawag mo pa nga akong Peter. And I assume na siya yung lalaking ex mo. Sinunod ko lang naman ang gusto mo na kuhain ko ang vitginity mo."
Binitawan na niya ang kamay ko at wala na akong lakas ng loob pa na muli siyang sampalin.
"Ibalik mo ang virginity ko na kinuha mo sa akin, wala kang karapatan na kuhain ang isang bagay na hindi naman sayo. Sinamantala mo na lasing ako at that time, sa tingin ko ay ikaw si Peter."
"Hahahah!" ang malakas na halakhak niya pa sa akin. "Grabe, sobrang comedy mo rin pala no? Ngayon lang ako nakarinig ng joke na ganyan."
"Anong joke ha? Totoo ang sinasabi ko sayo, ibalik mo ang virginity ko sapagkat sa ibang lalaki ko ito ilalaan. At hindi sa kagaya mo na saksan ng kayabangan," kahit na seryoso ako ay ayaw naman niya akong seryosohin.