AIRA POV
"Sana mabait ang maging bago nating boss no?" bulong ni Sheena sa akin.
"Sana nga ay mag dilang anghel ka kasi need talaga natin ng mabait na team leader dahil na rin sa sobrang nakaka stress itong trabaho natin. Imagine that, kapag nag escalate tayo ng issue tapos bigla tayong sinigawan. Nako, sure ako na kukulo talaga ang dugo ko just in case na mangyari ito. At kapag tinopak ako ay magreresign na ako kaagad."
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "wow? Talaga lang ha? Ang layo naman kaagad ng narating ng sinabi mo. What if mabait itong bago nating team leader. Yung tipong malalapitan natin at ngingiti lang sa atin kahit na problema ang sasabihin natin sa kanya? Yung leader na papayagan tayong mag leave kaagad lalo na kapag may international artist na magco concert dito sa Pilipinas."
"Nako not sure ako sa sinabi mo lalo na kung lalaki yan. Basta ang hiling ko lang ay ang mabait na team leader," sagot ko pa sa kanya.
"Teka? Kamusta na nga pala yung boyfriend mo... I mean yung fiance mo na naglaho na parang bula? Nasaan na siya ngayon?"
Bigla akong napa ngiti at parang maiihi sa kilig. Siyempre sobrang nakaka good mood talaga lalo na't muli kaming nagkitang dalawa.
"Heto, pinag tagpo kaming muli ng tadhana. Angn sabi nga nila, love is sweeter the second time around. At masaya naman ako na muli kaming pinagbigyan ng pagkakataon para ayusin ang dapat ayusin namin," kinikilig na sabi ko pa sa kanya.
"We? Ganun ganun na lang ba? Papatawarin mo na lang yung lalaki na iniwan ka pagkatapos mag propose? Ung lalaki na iniwan ka na lamang sa ere?"
"Ano ka ba? He has a valid reason naman kung bakit niya ito ginawa eh. Ang sabi niya sa akin, may family problems lang siya kaya niya ako iniwan. Although nag sorry naman siya sa akin so pinapatawad ko na siya kasi mahal ko siya."
"Wow naman talaga! Mukhang patay na patay ka talaga sa lalaking ito ha? Sabagay fiance mo na kasi siya. Pero ang galing naman, saan ba kayo nagkitang dalawa?"
"Nagkita? Well, nagkita lang naman kaming dalawa ulit sa school. Temporary professor namin siya at masasabi ko na mas minahal ko na siya ngayon."
"Ngek? Eh di ba bawal naman magka relasyon ang student at professor?"
"I know! Pero kaya lang, siyempre itatago na lang namin ang relationship naming dalawa sa school para tuloy ang ligaya. At sana sa pagkikita namin ulit, isuot na niyang muli sa akin ang engagement ring ko-"
Bago pa man ako matapos sa aking pag sasalita, nag bukas ang pintuan at napunta ang aming atensyon sa isang matangkad na lalaking nakasuot ng forma attire.
At halos matulala na lamang ako ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking ito!
Sino ba ang hindi makakalimot sa mukha ng lalaki na kinuha ang virginity ko? Ang lalaki na napag kamalan akong isang babaeng bayaran? Tandang tanda ko pa ang hitsura niya!
Nakakaloka lang din, siya ba ang magiging bagong boss namin dito?
Wala sa hitsura niya ang pagiging isang team leader. Hindi bagay sa kanya ang ganitong klase ng propesyon. Samantala, kinilig ang lahat ng mga babae dito sa loob maliban sa akin.
"Hello everyone, my name is Jordan and starting today onwards, I will be your new team leader. Siguro naman ay alam ninyo kung ano ang nangyari sa inyong former team leader, I am not going to elaborate it pero pinapangako ko sa inyong lahat that we are going to be the best team."
Napa buntong hininga na lamang ako ng malalim. Wala na, nawalan na ako ng gana na pumasok rito ngayon. Pero bago ako mag file ng resignation, titiyakin ko muna na makaka tikim siya ng malutong na sampal galing sa akin sa ginawa niyang pananamantala nitong nakaraang araw.
Porket lasing ako that night, sinamantala niya ang weakness ko.
"By the way, nakita ko na pala ang sales track ninyo at napansin ko na ang mayroong pinaka the best na sales so far ay si Miss Aira. Where is she?"
Lahat ng mga ka work ko ay lumingon sa akin, dahilan upang mapa lingon na rin sa akin ang bago naming hinayupak na boss!
Nang tingnan niya ako, ngumiti lamang ito ka para bang wala siyang atraso. Pinuwersa ko ang sarili ko na mapangiti pero ikinuyom ko ang kamay ko sa tindi ng galit ko sa kanya.
"Wow! I look forward sa mas marami pang sales galing sayo Miss Aira. And as your new boss, I am going to make sure that your efforts will not go to waste. Once na na reach natin ang ating target sales for this month at naging top agent ka, malaki ang magiging incentives mo."
Nagpalakpakan ang lahat ng mga ka trabaho ko. Pero ako naman, nakangising pilit pa rin. Tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya kapag hainan ko siya ng resignation letter.
Natapos ang meeting namin na puro lamang siya pangako at kayabangan. At siya na siguro ang pinaka mahangin na taong nakilala ko ngayon and that makes me more insulted.
Mamaya, isasampal ko rin ang sampong libo na binigay niya sa akin kapag nagkita kami. Sure ako na mayroon siyang dalang sasakyan at aabangan ko talaga siya sa parking lot.
During our duty, I suddenly receive an email chat coming from him.
"Sabay na tayong mag lunch mamaya? Don't worrt, treat ko naman ito. And by the way, I am just so happy to meet you again. It has been three days matapos ng maligayang gabi nating dalawa pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang maiinit nating mga sandali."
Mas lalo akong namutla sa galit dahil sa sinabi niyang ito. Naiinis ako, gusto ko siyang sugurin sa office niya at sampalin na ito kaagad.
Pero mas maigi na rin na pumayag ako sa gusto niyang mangyari. May kahihiyan pa rin naman ako kahit papaano at ayaw ko naman na mag iskandalo sa harapan ng mga katrabaho ko.
"Sige sir, magkita na lang tayo sa parking lot," reply ko sa kanya.