CHAPTER 4

1021 Words
AIRA POV Nang matapos ang klase namin, parang dedma lang talaga ako sa kanya. Nagpa quiz lamang ang mokong na ito at nag bigay ng assignment. Sinundan ko siya sa hallway hanggang sa bigla na lamang siyang lumiko patungo sa parking lot. Still, sinundan ko siya hanggang sa huminto ito sa harapan ng isang puting kotse. Sa gigil ko talaga ay hinubad ko ang engagement ring na binigay niya sa akin. Tinamaan ang ulo niya, wala akong pakialam kahit na halagang 20 thousand ang engagement ring na ito. Ipinaaalala nito sa akin ang paglaho niya na para na lamang bula! "Yang binato ko sayo, that is our engagement ring na binigay mo sa akin! Paluhod luhod ka pa sa harapan ng mga magulang ko na handa mo akong pakasalan pero anong nangyari ha? Bigla ka na lamang nag laho ng parang bula!" galit na sabi ko, nako talaga kapag hindi pa siya lumingon sa akin, sapatos o itong libro ko na ang ibabato ko sa kanya! Lumingon siya at pinulot ang engagement ring na binato ko sa kanya, tapos ay timingin siya sa akin. But this time, he is giving me a cold stare. Para bang hindi na siya nasasabik na makita ako and it hurts even more. "You want a closure? Then fine, I will give you the closure that you want," sabi niya pa sa akin. Seryoso ang tono ng kanyang pananalita. Kasabay ng kanyang pagsasalita ang pagyakap ng malamig na hangin sa aking katawan. Kasing lamig ng tingin niya sa girlfriend niyang pinakilig niya ng tatlong taon, pinangakuan niyang pakakasalan niya subalit iniwan niya sa ere ng wala man lang paalam. "Closure? Bakit, wag mong sabihin sa akin na may mahal ka nang iba?" tanong ko, pero deep inside ito ang pinaka ayaw kong marinig sa kanyang mga labi. Sana naman ay mag sorry na lang siya sa akin, maging tanga man ako pero handa ko talaga siyang patawarin sa lahat ng mga kasalanan niya sa akin. "Hindi... I just realized that I made a huge mistake that time. I was not ready to be engage let alone marry you. At ayaw kitang saktan kapag sinabi ko na wala pa akong planong magpakasal sayo. Marami pa akong mga responsibilities sa family ko at kailangan ko silang unahin. Kaya nga ngayon pinasok ko ang pagpa part time job ko. Sorry, I know dapat sinabi ko na ito sayo six months earlier pero wala akong lakas ng loob. Break na tayong dalawa, tuldukan na lang natin ang relasyon natin." Halos mahulog ang puso ko sa sinabi niyang ito sa akin. Ang sakit lamang na marinig ang mga salitang ito galing sa kanya. Para akong pinag sakluban ng langit at lupa sa aking narinig. Pero siya, para bang wala lang sa kanya ang pagsasalita niya ng ganito sa akin. Labas sa ilong at para bang sinabi niya ito para lang matahimik ako! Lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya sa kanyang pisngi, wala na akong pakialam pa kung may makakitang ibang tao sa amin o kumalat ito sa school. Basta ngayon, galit muna ang paiiralin ko. "Bawiin mo ang sinabi mo sa akin, Peter! Kung wala namang involve na third party sa relasyon nating dalawa at ayaw mo lang na balikan ako-" Sa isang iglap lang, naramdaman ko na lamang ang labi niyang dumikit sa labi ko. Ito ang matagal ko nang hinihintay sa loob ng anim na buwan, ang halik ni Peter na sobra kong na miss. Umabot ng ilang minuto bago siya muling nagsalita sa harapan ko. Hindi ko lang napigilang maluha pagkatapos ng aming halikan. Pinawi naman niya ito gamit ang kanyang kamay. "Alright! Meet me again sa Saturday sa dati nating tagpuan. Aayusin natin ang lahat ng ito, basta ang gusto ko lang ay i ready mo rin ang sarili mo. Aasahan kita babe," bago siya sumakay sa kanyang kotse ay hinalikan niya muna ako sa aking noo. Teka lang? Ibig sabihin ba nito ay magbabalikan na kaming dalawa? Na mayroon na ulit part two ang romance namin? Right after kong pumasok sa dalawa ko pang subject ay umuwi na ako. 2 pm na ako naka uwi at may ilang oras pa naman ako para matulog bago ang 7 pm shift ko sa work. Dalawang araw lang naman ang off ko sa work which is Saturday at Sunday. So kung makikipag kita sa akin si Peter ng sabado, I will make sure na sobra ko itong paghahandaan. And the fact na nasa kanya ang engagement ring, sana naman ay mag propose siya ulit sa akin sa ikalawang pagkakataon. Pag dating ko sa bahay, kumain lang ako ng kaunti at natulog akong muli. Gumising na lamang ako ng 5:30 upang makapag handa sa pagpasok sa aking trabaho na walking distance lang naman dito sa aking condo unit. I am now such in a good mood para mag work. Pagpasok ko naman sa aming office, nagulat na lang ako na wala rito sa loob ang mga office mates ko. Lahat sila ay naglahong parang bula. Nagtaka naman ako, saan sila nag punta? Bukod sa guard, ako na lamang ang tao rito ngayon! Nagbukas naman ang office ni sir Gabby at lumabas si Sheena, ang isa kong ka work. "Sis halika ka, mayroon tayong urgent meeting ngayong araw," sabi niya pa, para nga siyang nagmadadali eh. Kaya naman, nilapag ko na ang gamit ko at pumasok ako kaagad sa office ni sir Gabbie. 20 kaming lahat ng agents at para kaming siksikan sa loob ng office ni sir Gabby subalit wala naman siya sa loob. "Anong meron?" pabulong na tanong ko kay Sheena, ayaw ko naman na lakasan ang boses ko kasi para na kaming nasa palengke dito sa loob. "Eh si sir Gabby, may issue kasi yung isa nating agent na inescalate sa kanya tapos hindi naman niya nagawan ng paraan. So he filed for an immediate resignation. At ngayon, may papalit na kaagad sa pwesto niya kaya naman may urgent meeting tayo." Ano ba to? Pati ba naman dito sa trabaho ko ay may ganito pang nangyayari? At sino naman kaya itong ipapalit nila kay Sir Gabby?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD