CHAPTER 18

1016 Words
AIRA POV Nag pahinga na lamang ako at nang imulat ko ang aking mga mata, maliwanag na sa labas. Sumisilip na ang araw sa kalangitan kaya naman napa bangon na rin ako. Nang i check ko ang cellphone ko, 5:30 na pala ng umaga. May amats pa ako dulot ng alak na ininom ko pero kailangan ko na talagang umattend ng aking klase, sayang naman ang lesson namin for today. Hala, mayroon pa naman akong klase ngayon at si Peter pa ang professor ko. Kailangan ay di ako ma late sa school kahit na siya pa ang professor ko. Hinanap ko sa loob si sir Jordan subalit kahit na anino nito ay di ko makita kaya naman umalis na ako. Bahala siya sa buhay niya, di man lang niya ako hinintay na gumising o ginising man lang ako para sabay na kaming umalis. Nasa bahay pa naman ang uniform ko. Bahala na siya sa buhay niya. Kapag nagkita kaming dalawa ulit, lagot talaga siya sa akin. Naiinis ako sa ginawa niya. Nang lumabas na ako, nagulat naman ako ng nakasalubong ko siya. Mayroon siyang dalang paper bag sa kanyang dalawang kamay. Naka suot lamang siya ng sando at nang shorts. In short, naka pang bahay lamang ito. "Oh bakit ka kaagad lumabas?" tanong niya sa akin, nagulat naman ako, "Saan ka pupunta? Kakain pa tayo ng sabay eh," dugtong niya sabay ngiti. Nawala naman ang galit ko sa kanya at napa ngiti na rin ako, na appreciate ko ang effort niyang mag dala ng pagkain para sa aming dalawa. "Sorry sir, salamat na lang pero kailangan ko na kasing umuwi ngayon. Mayroon pa akong klase sa school kaya hindi ko na kayo masasaluhan sa pagkain. Next time na lang po siguro." "Wag ka nang pumasok sa school, samahan mo muna ako rito sa condo unit ko. Ayaw ko lang din kasing mag isa, araw araw na lang akong malungkot. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng bisita rito pagkatapos naming mag hiwalay ng asawa ko. Inom tayo ulit tapos pwede rin tayong manood ng movie kung gusto mo?" Gusto ko sanang tanggapin ang kanyang alok kaya lang ay mas importante sa akin ang pag aaral ko at di ko ito pwedeng pabayaan. "No sir, di na siguro ako pupunta rito ulit next time. Kasi magkakabalikan na ulit kaming dalawa ni Peter. At ayaw ko naman po na magkaroon pa ng hadlang sa aming dalawa. So ititigil ko na po ito, magta trabaho na lang po ako ng mangaral," sabi ko pa sa kanya. Napatitig siya sa akin ng ilang sandali bago ito muling nagsalita, "Sayang naman, pero mukhang mahal mo talaga yang fiance mo na iniwan ka sa ere. Sige na, pwede ka nang umuwi ngayon kung gusto mo." Parang labag ito sa kalooban niya pero wala naman akong magagawa. Isang beses ko lang itong dapat na gawin, mukhang pera na kung mukhang pera ako kaya lang ay kailangan ko lang talaga nito sa ngayon. Pagkarating ko naman sa aking condo unit, nagulat na lang ako ng makita ko si Peter. "Teka lang? Bakit nandito ka?" gulat na tanong ko sa kanya, "Di ba may klase ka pa?" "Oo, may pasok tayo pero gusto ko sanang sabay na tayong pumunta ng school. Kanina pa nga ako kumakatok sa pintuan mo, akala ko nasa loob ka. I was about to go to school alone. Talk about perfect timing?" Nako po! Kinakabahan ako, napaka wrong timing naman na bigla na lamang siyang darating dito sa condo unit ko tapos amoy alak pa ako. Dapat pala ay naligo na ako sa bahay ni sir Jordan at nag pabango ng matindi para di niya ito maamoy. "What? Bakit para yatang naka kita ka ng multo?" tanong niya pa sabay abante. Lumayo naman ako sa kanya, "Saglit lang..." "Ano bakit?" pagtataka niya. "Saan ka ba kasi galing... at tsaka bakit feeling ko ay lasing ka?" "A... anong lasing? Hindi ahhhh..." kabadong sabi ko pa. Lumapit na siya sa akin at nabuking ako kaagad, "Kita mo na? Nag lasing na eh! Bakit ganun, parang nagbago yata ang ugali mo? Noong tayo pa naman, di ka naman ganyan. Sinong kainuman mo ha?" Nag taas na siya ng boses, di ko talaga alam kung paano ko haharapin ang galit nitong si Peter ngayon. Napaka wrong timing lang talaga ng lahat, at di ko handa sa mga nangyayari ngayon. "Ano ba? May birthday party lang ang ka trabaho ko kaya naki inom ako-" "Nang walang paalam sa fiance mo? Akala ko ba gusto mong makipag balikan sa akin?" pag puputol niya pa sa sinabi ko. "Ehhh... basta... biglaan lang naman kasi yun at tsaka stress na talaga kaming lahat..." "Wag na tayong pumasok sa school. Lasing ka pa naman, baka mamaya niyan ay may maka amoy pa sayo tapos isumbong ka sa dean." "Ha? Never naman nangyayari ang ganyan eh! At tsaka mag kakape lang ako saglit tapos aalis na ako. Wait mo ako dito sa labas, mabilis lang ako pramis." Papasok na sana ako kaya lamang ay bigla na lang niya akong hinatak. Masakit ang pagkakahila ni Peter sa braso ko. "No! Wag na tayong pumasok sa school. Tutal ako naman ang professor mo, di mo na kailangan mag worry pa! So please, makinig ka na lang sa akin." Sa mga matang seryoso niya talaga ako pinaka natatakot. Alam ko kung paano magalit si Peter, minsan na nga niya akong sinakal sa tindi ng galit niya dati pero nagawa ko itong palampasin kasi mahal ko siya at sinabi niya na di na ito mauulit pa. "Okay fine... sige pumasok ka sa loob... ipagtitimpla na rin kita ng kape..." Kinuha ko ang susi sa bag ko at sumilip naman siyang bigla sa laman nito, medyo sinara ko ulit ang bag ko kasi nandito nakalagay ang magulong pera ko ngayon. "Wow ang dami mong pera ha? Bagong sahod ka pa," pag uusyoso niya pa. "Di ah... ipon ko yan..." pag sisinungaling ko pa. "Ipon? We? Di ba dapat ang ipon ay nilalagay sa bangko at di sa bag?" tanong niya na parang pinag dududahan ang sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD