CHAPTER 23 NATIGILAN si Russ sa sasabihin niya. Iyon na yata ang pinakamahabang salitang nasabi niya sa tanang buhay. “Yes, it’s for my sister you thin woman,” walang kalatoy-latoy niyang sagot dito nang ipaliwanag niyang ibibigay niya iyon sa kapatid. Why I'm wasting my saliva? Tanong niya naman sa sarili. "My book, Mr. Chimpanzee!" natawa bigla ang babae. "Sa ate mo ba talaga? Niloloko mo ba ako—hoy!" tinakpan niya ang bibig nito. Nakalapit na kase nang tuluyan ang hinihintay niya ngunit hindi pa rin tumitigil ang babae. Natanggal din naman nito ang kanyang kamay malakas ang babae. Hindi niya iyon ikakaila. "Hindi nga kita kilala—" hindi na naman natapos nito ang sasabihin nang may magsalita sa ibabang bahagi. "Russ! Magtatago ka na lang ba?" nasisigurado ni R