"Dude, are you sure about all these?" May pag-aalinlangang tanong sa akin ni Jayson habang tinititigan namin ang mga members ng 7 Demons na ginagawa ang kakailanganin ko bukas para sa kahilingan ni Zeke. Narito kami ngayon sa rooftop ng 7 Demons building. Alas kuwatro na ng umaga. Lahat kami ay walang tulog para lang matapos ang kakailanganin ko. "Jay, paano ko mapapatunayan na gagawin ko ang lahat kung yung simpleng kahilingan niya ay di ko pa magawa?" "Simple? Dude, hindi simpleng bagay lang yung pinapagawa niya sayo! You're Jarius Martenei, for cryin' out loud! Former leader ng 7 Demons, anak at tagapagmana ng Martenei University! Dude, wag mo namang ipahiya ang sarili mo sa harap ng lahat ng estudyante ng school!" Nanggigil na saad ni Jayson. "Jay, tingin mo gusto kong ipahiya ang s