Chapter 19

1002 Words
"Para tumigil sila sa kakabully sa mga tao dito kinasasanayan na nila. Hindi na maganda dahil nanakit na sila kinukuha na nga nila ang pinaghihirapan ng mga tao dito nanakit pa sila." Sabi ni Kian. Tama siya dun hindi ako tutol. somosobra na ang mga tao na yun. "Tama naman si Seniorito Doña Amara somosobra na po talaga ang mga tao na yan. Ilang beses na namin kinausap nila Sir Frank ang amo nila na si Draco. Pero hindi niya parin sinasaway ang mga tauhan niya. Ang mas masaklap pa lumalala pa dahil nanakit na sila." Sabi ni mang Kanor. " Kita niyo na lola. Sabi ko sa inyo lola ipaubaya niyo muna sa akin ang Hacienda kahit isang buwan lang. Siguradong aayos ang mga tao na yan."Sabi ni Kian. Napapaisip ako. " Parang mali sa pagpapakilala sii lola kay Kian sa akin. Parang yung katangian na sinasabi niya na Xian ang nakikita ko na ugali ni Kian. Maiksi ang pasensiya. Masyadong Seryoso." Bulong ko sa isip ko. " Pero teka bakit narito ito? Diba nasa maynila ito inaasikaso ang problema ng company nila dun." Bulong ko saka napatingin ako dito. " Naku, tumigil ka nga. Baka magkaroon nga ng totoong gulo dito pag nagkataon. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni lola dito habang pabalik na kami sa sasakyan namin. Naka tricycle si lola at mang kanor. Naka kabayo naman sila Kian. " Ayos na lola. Sabi ko naman sa inyo kung ano ang hanap nila yun ang ibibigay ko." Sabi nito. Napakunot ang noo ni lola. " Ano na naman ang ginawa mo dun Kian? " Tanong ni lola dito. " Wag kayong magalala lola Patas sila lumaban kaya patas din ang ginawa ko." Sabi nito. Nagtataka din ako. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Tinitigan siya ni lola. Hinatid na niya si lola sa sasakyan. "Saan ka sasakay?" Tanong niya sa akin. "Dito na." Sabi ko saka tinuro ang kabayo ko. "diro na kami lola. Kayo na lang ni mang Kanor diyan." Sabi niya kay lola. Nakita namin na kinakausap ni mang Kanor ang mga tao. Tumitingin sila kay Kian. Nang lumapit si mang Kanor may kasama itong dalawang lalake na may Edad na. Ngpasalamat ang mga ito kay Kian. may dala ang mga ito na isang Kaing. Binigay nila sa akin. "Matatamos po yan seniorita." Sabi nila sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila. Natawa si lola. "Mukhang nagustuhan ka nila iha." Sabi ni lola sa akin. Ngumiti na lang ako. Pagdating namin sa bahay nagderetso na ako sa silid ko. Naligo ako at nagbihis ng pangtulog ko. Naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko napigilan na humanga sa ginawa niya kanina. "Parang sanay na sanay siya humawak ng baril." Bulong ko. Kung hindi siya dumating siguradong mapapalaban ako sa mga gagong yun. Dahil siguradong hindi ako papayag na hawakan ako ng gagong yun. Buti na lang dumating siya. Saka inisip ang itsura niya. "Hmm, napahanga niya ako dun sa ginawa niya." Bulong ko. Nakatuligan ko na ang kakaisip sa nangyari sa Hacienda. Kinabukasan maaga pa nagjugging ako sa labas. Ng pabalik na ako nagulat ako ng bigla na lang akong dambahin ni Kian. Natumba kami pero bago pa ako bumagsak sa lupa. Naibaliktad niya ang pwesto namin siya ang napunta sa ilalim ko.Dahil sa pagdamba niya sa ako siya ang binagsakan ng ulo ng Angel na nasa gitna ng fountain. Nabigla ako sa pangyayari. Natauhan lang ako ng daluhan kami ng mga tauhan niya. "Boss, ayos lang po kayo?" Tanong ng tauhan niya. Hindi siya umimik. Doon ko lang naalala na nasa ibabaw ko siya. Itinulak ko siya. Pero paghawak ko sa balikat niya napansin ko na basa ito. Inangat ko ang kamay ko. Nanlake ang mata ko ng makita na dugo ang nasa kamay ko. "Kian! Uy, Kian sumagot ka." Sabi ko. Umungol siya. Nakahinga ako ng maluwag. "Buti naman buhay pa siya." Bulong ko. Tumayo siya. Inalalayan niya akong tumayo. "s**t! Ang sakit ng ulo ko." Sabi niya. Saka tumingin sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Napatango na lang ako. Hindi pa ako kumakalma sa nangyari. "Boss nagdudugo ang ulo niyo." Sabi ng tauhan niya. Pinahid niya lang ng kamay niya ang dugo. "Mabuti pa pumasok tayo sa loob para magamot ko ang ulo mo." Sabi ko sa kanya. "Marunong ka ba maggamot?" Tanong niya. Doon ko lang naalala. Oo nga pala hindi ko nga pala alam maggamot. "Ah, basta lumasok tayo sa loob para malinis ang sugat mo." Sabi ko sa kanya. Hindi na siya nakipagtalo pa. Nataranta si lola ng makita si Kian. "Anong nangyari sa inyo? Bakit may sugat ka. Diyos ko. Manang tawagan mo ang family doctor namin papuntahin mo dito bilis. " Sabi nito sa mayordoma. Nilinisan ko ang sugat niya. Ang laki ng sugat niya. Wala siyang imik habang nililinis ko ang sugat niya. Maya maya dumating na ang doctor nila. Tinahi nito ang sugat saka nilagyan ng benda. "Kailangan mong pumunta sa clinic ko. Kailangan natin i xray ang ulo mo para malaman natin kung may na damage sa ulo mo." Sabi ng doctor. Tumango siya. Tiananong ni lola kung ano ang nangyari Kwenento ni Kian ang nangyari. Nakita niya daw na bali ang leeg ng Angel at babagsak na ito. Nagulat daw siya ng makita na dadaan ako. Kaya para mapigilan ako dinamba niya ako kaso nakadaan na ako at tuluyan ng bumagsak ang ulo ng Angel.. "Pano naputol ang ulo ng angel? E matibay ang pagkakagawa nito. Saka wala pa naman nakikita na lamat nito para maputol ito." Sabi ni lola Napaisip ako. Hindi umimik si Kian. Nagpasalamat ako sa kanya. "wala yun. Lahat naman gagawin yun." Sabi niya. Tumango na lang ako. Nagpaalam na ako sa kanya. Pagdating ko sa silid ko naligo ako. iniisip ko ang nangyari sa amin. "Ibig sabihin ba nun. Wala siyang alam sa nangyari sa akin." Bulong ko napapaisip ako sa nangyayari. Malinaw na may gustong pumatay sa akin. Pero sino " Tanong ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD