" Kung sino ka man. Nagkakamali ka kung iniisip mo na natatakot ako sayo. Kung inaakala mo na mapapaalis mo ako sa ganyang pananakot dun ka mali dahil nais din kitang makilala dahil alam ko na ikaw lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan na gumugulo sa isipan ko. " Sabi ko.
Saka nagisip. Maaga pa gising na ako. Nagbihis ako. Ng jugging pants at crop top na kulay itim. Tinirintas ko ang buhok ko. Saka nagsuot ng sneakers. Lumabas na ako. Nagjugging ako paikot ikot sa buong Rancho. Hindi ako tumigil hangat hindi ako napapagod. Gusto kong makabisado ang palogid. Bumalik na ako sa malaking bahay.
" Iha naisip kong pumunta ng bayan samahan mo ako. " Sabi ni lola sa akin. Tumango ako dito.
"Si EJ ang magmamaneho sa atin ngayon kasi wala si Kian lumuwas ng maynila. May kailangan siyang asikasuhin sa opisina kaya ilang araw siyang wala. " Sabi ni lola sa akin. Nakahinga ako ng malalim.
" Sa wakas hindi ko makikita ang pagmumukha nun. Wala akong tiwala dun. " Bulong ko sa isip ko.
Tumango na lang ako kay lola. Ewan ko ba parang wala na akong tiwala sa lahat ng tao dito. Dahil may kutob ako na nasa paligid ko lang ang gustong pumatay sa akin.
Dinala ako ni lola sa mall. Natuwa ako. Dahil sa wakas na iba naman ang nakikita ko. Pinamili niya ako ng mga personal na gamit ko. Kahit ayaw ko hindi siya pumayag na hindi ako mamimili. Pagkatapos namin mamili nagpa spa naman kami. Takang taka ako sa mga pinag gagawa nila sa akin. Yung medyo kulot na buhok ko. Tinuwid nila saka kinulayan ng kulay dark brown. Saka nilagyan ng high lights na kulay loght brown sa mga gilid. Kinulayan din nila ang mga kuko ko.
Nagulat ako sa kinalabasan ng ginawa nila sa akin. Tuwang tuwa si lola Amor ng makita ako.
Gabi na kami umuwi kasama namin ang tita at tito ni Kian pati ang pinsan niyang si Rey. Pinamili din ito nila lola. Kasama din namin na nagpa spa ang tita niya.
"Nakakahiya naman po Doña Amor." Sabi ng Tita ni Kian.
"Wala yan. Maglibang libang din kayo paminsan minsan. Hindi yung puro trabaho kayo sa bahay." Sabi ni lola Amor sa mga ito. Binayaran na ni lola Amor ang bakla na may ari ng spa.
"W... Wow... M... Miss.... Alona...A .. Ang.. ganda. Niyo.. po." Sabi ni Rey na may hawak na malaking pop corn. Sabay ngiti nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Kumain na muna kami bago kami umuwi.
Ilang araw ng wala si Kian. Naisip kong lumangoy ng lumangoy sa swimming pool. Habang pinakikiramdaman ko ang mga tao sa paligid.
"Parang wala naman ako nakikitang mali sa kanila. Kung ganun sino sa kanila?" Tanong ko sa isip ko. Habang umiinom ng juice.
Pagkatapos kong maligo sa pool naisipan ko naman mangabayo. Ang kabayo ni Kian ang naisipan kong sakyan. Dahil sabi ni lola ito daw ang pinaka maamo sa lahat. Umikot ako sa paligi. Pinagmamasdan ko kung saan tumakbo ang nakaitim na lalake. Habang nasa malayo pinagmamasdan ko ang bintan ng silid ko. Ng makita ko ang tubo ng alulud malapit sa bintana.
"Doon siya dumaan. Nung araw na yun." Sabi ko saka pinaandar na ang kabayo. Lingid sa akin may nakamasid sa akin na dalawang pares na mga mata.
"Sino ka bang babae ka? Hindi ka lang magaling makipaglaban magaling karin mangabayo. Talagang napapahanga mo ako habang tumatagal. Mukhang nageenjoy na ako sayo makipaglaro." Bulong niya habang pinagmamasdan niya ako sa malayo.
Bumalik na ako sa bahay. Sinalubong ako ni lola.
"Hindi ko alam na magaling ka palang mangabayo iha." Sabi niya sa akin.
"Hindi ko din po alam lola." Sabi ko sa kanya saka tumawa sa matanda. Natawa ito sa akin. Niyaya ako nito sa hardin para magmeryenda.
"Nakakatuwa ka talagang bata ka. Sana kahit hindi kayo magkatuluyan ni Kian. Magustuhan mo ang kuya niya na si Xian. Bagay kasi kayo nun." Sabi ni lola.Namula ako.
"Si lola talaga hindi nga po kami magkasundo ni Kian si Xian pa kaya." Sabi ko dito. Natawa siya.
"Alam ko na magkakasundo kayo ni Xian oras na makilala mo siya." Sabi nito saka hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti na lang ako sa kanya.
Kinabukasan nagyaya si lola na pumunta sa Hacienda tuwang tuwa ako kasi makikita ko na naman ang Hacienda. Tuwang tuwa ako sa mga tao dun.
"Mukhang nagustuhan mo sa Hacienda nung pumunta tayo dun iha?" Tanong ni lola sa akin.
"Opo lola. Hindi lang sariwa ang hangin dun nakakatuwa po dun kasi marami po akong nakakausap." Sabi ko sa kanya. Natawa siya.
"Kung nandun lang ang anak ni Kanor sigurado akong magkakasundo kayo nun. " Sabi ni lola. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit po nasaan na po siya?" Tanong ko kay lola.
"Sumama sa mama niya para magaral sa maynila." Sabi ni lola sa akin. Tumango ako.
"Mabait din ang batang iyon. Masarap ding kausap. Kagaya mo hindi rin nagpapatalo." Sabi ni lola Amor.
"Mukhang gustong gusto niya nga yun." Bulong ko sa isip ko. Huminga ng malalim si lola. Tumingin ako sa labas natuwa ako ng makita ang mga puno na dinadaanan namin. Palatandaan na malapit na kami.
Pagdating namin dun nagpaalam ako kay lola na mamasyal lang ako sa taniman. Tumango siya.
Pinakuha niya ang isang kabayo. Tuwang tuwa ako na sumakay dito. Pumunta muna ako sa ubasan. Bumaba ako dun saka pinanood ang mga tauhan na nangunguha ng ubas. Tuwang tuwa akong tumulong sa kanila.
"Kaya pala ako niyaya dito ni lola. Anihan pala ngayon dito." Bulong ko. Ng mapuno ko ang tray binigay ko ito sa tauhan. Saka ako pumitas ng kakainin ko lang. Habang nangangabayo kumakain ako ng ubas. Pumunta ako ng hanganan .Pagdating ko nakita ko na busy ang mga tao dito. Anihan din ng mga piña. Bumaba ako sa kabayo ko. Kinawayan ako ng isang bata. Naglingunan ang mga matatanda sa akin. Ng makita nila ako kinawayan nila ako. Ngumiti ako sa kanila binati nila ako ng lumapit ako sa kanila.
Tumulong din ako sa kanila tuwang tuwa ako sa pagpipigas ng piña. Ng biglang may dumating na mga lalake. Mga armado ang mga ito. Marami sila. Kinuha nila ang mga kaing ng piña. Na hawak ng isang matandang lalake.
"Kunin mo yan saka yan pati yun at iyon pa." Sabi ng isang lalake na malake. Napatingin ako dito.
"Nandito na naman sila." Sabi ng matandang babae.
"Sino po ba ang mga yan tauhan po ba yan ng Hacienda?" Tanong ko dito.
"Hindi po seniorita. Tauhan po yan sa kabilang Hacienda." Sagot nito sa akin. Nagtaka ako.
"Kung ganun bakit sila nandito." Tanong ko sa kanila.
" Para manggulo ganyan sila kapag araw ng ani. Pag hindi naman sinisira nila ang mga tanim namin. Pag ganitong ani naman kinukuha nila ang mga prutas na naani namin. Kanila daw kasi ang lupa nato. " Sabi ng matanda. Napakunot ang noo ko. Nang aktong kukunin ng isang lalake ang kaing na nilagyan ko ng piña hinawakan ko ito.
"Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan para kunin ang mga inani namin?" Tanong ko dito.
Tumingin ito sa akin.
"Sino daw boss ang nagbigay ng karapatan sa atin para kunin ang ani nila? Tanong ng magandang binibini dito." Sabi ng lalake na nasa harap ko. Nagtawanan sila. Lumapit sa akin ang malaking lalake.
"Ako bakit may angal ka?" Tanong nito sa akin.
"Oo kasi pinagpaguran ng mga tao rito yan. Ang kakapal naman ng mga apog niyo para angkinin ang pinagpaguran ng iba. Mga batugan ba kayo?" Sabi ko dito. Inis na tiningnan ako nito.
"Kahit anong gusto kong gawin gagawin ko. Gusto mo halikan pa kita e?" Sabi nito. Nagtawanan ang mga tauhan niya.
*E di subukan mo kung kaya mo? " Sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay. Lalong nagtawanan ang mga kasama niya. Kaya inis na linapitan ako nito humanda ako. Ng aktong hahawakan ako nito bigla na lang may pumilipit sa kamay nito. Nagulat ako napatingin ako kung sino ang may hawak sa kamay nito. Si Kian kunot na kunot ang noo nito.
" Ang ayaw ko sa lahat ang hindi nakakakilala ng teretoryo nila at lalo na ang makiala ng bagay na may pagmamayari na. " Sabi nito aktong bubunot ng baril ang mga kasama niya biglang tinutukan ng mga tauhan ni Kian ang mga ito. Kinuha ni Kian ang baril nito saka kinalabit sabay pinutok sa paahan nito.
" Bumalik kayo kung saan kayo nagmula at sabihin mo sa amo niyo. Ayoko ng malalaman na nanggugulo kayo dito. Oras na malaman ko na ginulo niyo pa ang mga tauhan namin dito. Ibibigay ko ang hinahanap niya at sisiguraduhin ko na hindi na kayo makakablik pa sa lugar niyo. Sabihin niyo sabi ng blackship ng Villa real. Naiintindihan niyo? " Sabi ni Kian sabay paputok sa ere ng tatlong beses. Kumaripas ng takbo ang mga ito. Nagbulungan ang mga matatanda.
Nagpasalamat naman ang pinaka matanda sa kanila. Mukhang kilala nito si Kian.
" Sabi ko na nga ba ikaw yan seniorito. Buti naman po bumalik kayo dito. Ngayon po na nadito na kayo matatahimik na kami dito kagaya ng dati. " Sabi ng matanda. Hindi umimik si Kian. Tiningnan ako nito.
" Nasaktan ka ba? " Tanong niya sa akin. Saka tiningnan ako. Sasagot palang ako ng makarinig kami ng sasakyan. Paghinto nito. Nagmamadaling bumaba si lola at si mang Kanor.
" Sabi ko na nga ba ikaw ang may gawa nun. " Sabi ni lola ng lumapit sa amin.
" Umiral na naman ang init ng ulo mong bata ka. " Sabi uli nito.
" Malas nila at eto palang si seniorito ang nandito. Nagkataon pang wala si Primo na pipigil sa init ng ulo nito. " Sabi ni mang Kanor sabay tawa.