01 – I Don't Like You
Nakatitig lang ako sa screen ng laptop ko habang kuyom-kuyom ang aking mga kamay. Ramdam kong anumang oras ay puputok na ang ugat sa ulo ko sa sobrang inis. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niyang ginawa ito—ang takasan ang trabaho niya.
Kalma, Summer. Kalma. Boss mo ‘yon.
Huminga ako nang malalim bago kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. As far as I know, noong nakaraang araw lang ang kasal ni Mr. Demetrioff. He should be back working by now, pero nasaan siya? He’s nowhere to be found! Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi ko siya ma-contact.
Sigurado naman akong hindi pa siya patay dahil paniguradong kung ‘yon ang nangyari ay nasa news na siya.
Maya-maya pa ay may tumawag na naman sa akin at tinanong kung bakit na-move ang scheduled meeting nila with Mr. Cojuanco. “I apologize for the sudden changes, ma’am. We weren’t able to inform you because we had to reschedule it due to unforeseen circumstances. To compensate with the inconvenience, we have sent something for Mr. Davids.”
Nang matapos ang call ay napabuga na lang ako ng hangin bago mariing pumikit. Bwisit. Bakit ba kasi siya pa ang naging boss ko? Isang taon na akong nagdurusa sa lalaking ‘yon.
I could still remember the first time I met him. Akala ko talaga ay swerte na ako sa kanya dahil mabait siya at magaling. He was a perfect boss. He was. Pero pakitang tao lang pala ‘yon. He was just trying to impress me by showing what he’s capable of. Dahil isang linggo matapos kong magsimulang magtrabaho sa kanya ay ipinakita na niya ang tunay niyang kulay.
He started to skip his work and leave all the works to me. Mula pagiging secretary ay naging all around ako sa opisina niya. No wonder walang tumagal na sekretarya sa kanya.
But what I can’t stand the most is the fact that he shamelessly brings women in his office to fúck them. Hindi lang isang beses ko siyang nahuli, kundi pang-ilan na. At sa bawat sandaling nahuhuli ko siya ay paliit nang paliit ang tingin at respeto ko sa kanya hanggang sa wala nang natira.
In my eyes, he’s nothing but a walking trash.
Gusto ko nang maghanap ng ibang trabaho, but I can’t just leave. Aside sa may loan pa ako sa kompanya, malaki rin ang utang na loob ko sa mga Cojuanco dahil sila ang bumuhay sa pamilya ko. My parents were their employees for years and I was their scholar since I was in elementary.
Sa totoo lang, wala akong problema sa kompanya. Sir Alex lang talaga ang problema. Kung bakit ba kasi siya pa ang naging boss ko. Pwede namang sila Ma’am Elisia or Ma’am Veronica.
Maya-maya pa ay natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita ko ang pangalan niya. Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago ako sumagot.
“Heart. My dear Summer Heart,” malambing niyang bungad sa akin dahilan para manayo ang balahibo ko. Pakiramdam ko’y ibang tao ang kausap ko.
“Sino ka?” walang emosyon kong tanong kahit na sa kaloob-looban ko ay nangingilabot ako sa kanya. “Bakit hawak mo ang cellphone ng boss ko?”
“That hurts, Heart. Hindi mo na ba nakikilala ang gwapong boses ng super gwapo mong boss?”
Pinatay ko na ang tawag bago pa man ako masuka sa mga naririnig ko sa kanya.
What’s with him?
Ilang beses pa siyang tumawag sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Nag-email na lang ako sa kanya na kung maaari at parang awa na niya ay bumalik na siya dahil nauubusan na ako ng mga posibleng dahilan na sasabihin sa mga kilyente namin.
And gladly, after almost an hour ay nagpakita na siya sa opisina. Kaylaki ng ngisi niya nang pumasok siya. At hindi ko maipaliwanag pero may kung ano talaga sa kanya. May mali talaga sa kanya.
“Mabuti naman po at pumasok na kayo,” bungad kong sabi sa kanya bago ko kinuha ang envelope kung saan ko inilagay ang lahat ng mga trabahong kailangan niyang gawin. “Tambak na po ang paperworks n’yo, sir, and marami na rin pong documents na kailangang i-review,” dire-diretsong sabi ko at ipinakita ko sa kanya kung paano ko ibagsak sa mesa niya ang hawak ko.
Napangiwi siya at ngumuso. “That much already?” aniya na para bang gulat na gulat siya. Ang sarap sapakin.
“Nabawasan na nga po ‘yan dahil ginawa ko na po ang iba,” pagtatapat ko sa kanya.
“Sana isinagad mo na lang, Summer Heart,” nakanguso niyang tugon bago lumapit sa akin. “Sana tinapos mo na lang lahat para wala na akong iisipin.”
This man!
“Kung pwede lang po, sir, ginawa ko na,” sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng inis. “Kaso hindi po, eh. Hindi po kasi ako ang CEO. Kayo po.”
“Well, nobody’s gonna know na ikaw ang gumawa ng trabaho ko. How about I pay you extra para tapusin ang lahat nang ‘yan? I have a shoot this afternoon pa kasi,” aniya at ngumisi sabay kindat sa akin, dahilan para manayo ang lahat ng buhok sa katawan ko.
“Sir...” Pasimple kong ikinuyom ang kamay ko. “Hindi ko na po trabaho ‘yon. At isa pa, may mga mahahalagang information po diyan na kayo lang ang dapat makaalam,” paliwanag ko sa kanya. “Kasalanan n’yo rin naman po kung bakit kayo natambakan ng trabaho.”
“I attended a wedding, Heart. At hindi lang basta-basta wedding—kasal ‘yon ng close friend ko,” pagdepensa niya sa sarili niya.
“As far as I know, noong nakaraang araw pa po ang kasal ni Mr. Demetrioff.”
“Well, there’s an after party.”
Tumaas ang kilay ko. “For two days?”
Ngumisi siya sa akin. “Rest day ko ‘yong isa siyempre.”
Nakagat ko ang labi ko at huminga na lang nang malalim dahil baka masakal ko na talaga ‘tong lalaking ‘to. Inayos ko ang suot kong salamin saka marahang tumango. “Gano’n po ba?”
“Yes. We all deserve a break from corporate slavery.”
Corporate s*****y, eh, ako nga ‘tong inaalila. Ako nga ‘tong walang leave and vacation!
“Okay, back to the main topic,” aniya at ngumiti nang pagkalapad-lapad sa akin. “Please finish those tasks. Alam kong alam mo na kung paano gagawin ‘yang mga ‘yan. I have to get ready for my shoot,” dagdag niya.
“Sir, I am sorry, pero hindi ko po talaga pwedeng gawin ang gusto n’yo,” pinal kong sambit. “Well, you can choose not to do it. Pero mas dadami lang po ang gagawin n’yo bukas.”
Mas lumapit siya sa akin. He looked at me and did a puppy-eyes look. “Please?”
“Hindi po ako madadala sa ganyan, sir. Mukha kayong chihuahua,” malamig kong tugon sa kanya bago siya nilayuan.
“C-Chihuahua?” hindi makapaniwalang tugon niya bago siya mabilis na lumapit sa akin. “I dare you to look at me one more time and say that to my face!” aniya at hinarang ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin nang diretso sa mga mata ko.
Tumitig sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Kumukurap-kurap pa siya dahilan para makita ko kung gaano kahaba at kaalon ang mga pilikmata niya. “Sige po, binabawi ko na. Hindi ka na mukhang chihuahua.”
Napangiti siya sa narinig. “See? I told you. Ikaw k—”
“Pug. Mukha ka na pong pug,” malamig kong sabi at hinawi siya sa harapan ko.
“P-Pug?! That’s...That’s an insult!” aniya at lumapit sa akin. “Sa gwapo kong ‘to sasabihan mo akong mukha akong aso? Coming from you?”
“I am just telling you what I see, sir. At bakit, anong coming from me?” diretsong tanong ko. “Anong meron sa akin?”
Kita ko kung paano siya tumingin sa akin mula ulo hanggang paa bago bumuga ng hangin. “Never mind,” aniya at umupo na lang sa mesa niya.
Kung ang ibig niyang sabihin ay ang pananamit ko, well, mas komportable ako sa suot ko kahit pa ilang beses akong sabihang manang. Dito ako nasanay, eh. Tingin ko’y mas pormal at hindi ako mababastos.
“Hindi mo ba talaga ako tutulungan, Heart?” mahinang tanong niya bago ngumuso. “I’ll do whatever you want. Kahit pa makipag-one night stand sa ‘yo,?” dagdag niya at kumindat pa sa akin.
Para akong tinamaan ng kidlat sa narinig. Kung pwede lang sumuka sa harapan niya ay ginawa ko na. “Naririnig n’yo po ba ang sinasabi n’yo, sir? Ang bastos n’yo,” prangkang sabi ko sa kanya. “That’s not how a CEO should act.”
“Ayan na naman siya sa pangangaral niya. Nanay ba kita?” tugon niya at umiling.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko. Pero ang loko, hindi pa talaga tapos. Lumapit pa sa akin at biglang hinaplos ang pisngi ko saka ako tiningnan nang diretso sa mga mata dahilan para manginig ako sa pandidiri.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang naitulak. “Sir, nagda-drúgs ba kayo?” naibulalas ko na lang dahil hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya. Hindi naman siya ganito, eh.
Siguro baka napasukan ng buhangin ang utak.
“Bakit ba ang arte mo?” aniya at kunot-noong tumingin sa akin. “Ako na nga ang nagpapahiwatig, oh. Ako na ang lumalapit. Tutukain mo na lang.”
Napaawang na lang ang bibig ko sa labis na kayabangan niya. “A-Ano?”
“I know you like me, Heart. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Troy Alexander Cojuanco, ‘di ba? I’m hot, freaking hot, handsome, rich, and most especially, really good in bed.”
“Ako,” diretsong sabi ko sa kanya. “Ako ang hindi magkakagusto sa inyo, sir,” diretsong sabi ko sa kanya. “Kaya kung type n’yo ako, p’wes, tumigil na kayo dahil hindi ako kagaya ng mga babaeng nakilala mo.”
“Ikaw, type ko? You?!” Mahina siyang natawa. “Look...Heart, I...”
“I am not and will never be interested in you, sir. Nandito lang ako para magtrabaho,” diretsong sabi ko sa kanya. “Find another woman to toy with.”
“Are you really not attracted to me? Like kahit very slight lang?” pagpupumilit niya.
Diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata. “Hindi. Hindi po kayo ang type ko,” prangkang sabi ko at nang maitatak na niya sa malaki niyang ulo. “Kaya please lang po, ‘wag kayong gumawa ng bagay na ikakasanhi ng pagkasira ng corporate relationship natin. Ayoko pong maapektuhan ang trabaho natin.”
“Are you really sure, Heart? Hindi mo talaga ako gusto?”
“Bakit po, hindi n’yo po ba matanggap, sir? At isa pa, hindi n’yo po ba napagtanto sa loob ng mahigit isang taon na nagtatrabaho ako sa inyo?” kunot-noong tanong ko.
“Well...H-Hindi ka ba tumagal ng isang taon because you like me?” aniya. Bakas sa mga mata niya ang pagkalito at pagtataka.
Natampal ko na lang ang noo ko sa pagka-assuming ng lalaking ‘to. Ito na ba ang epekto ng pagiging babaero niya na kung ano-ano na lang ang mga naiisip niya?
“I have bills to pay, sir. Nagtatrabaho ako para sa sarili at sa responsibilidad ko, hindi dahil para sa inyo," mariin kong sabi.
Natutop niya ang kanyang bibig at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. “Oh my God...” naibulalas na lang niya bago siya tahimik na bumalik sa upuan niya at napatitig na lang sa kawalan.
Anong problema niya?
Sabog ba siya?