02 – No One
Alexander’s Point of View
Putánginamerls!
Nahilot ko na lang ang sintido ko dahil sa pagsakit ng ulo ko—hindi dahil sa ginagawa kong trabaho kundi dahil sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwalang ni-reject ako ng gorilla’ng nakasalamin na ‘yon. Hindi niya raw ako gusto? Sa kanya pa talaga galing? Ano bang taste meron siya?
Napabuga na lang ako ng hangin bago siya sinilip sa table niya. Nakatitig lang siya sa screen ng computer niya habang abala sa pagtitipa. Sinipat ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Tangináng fashion ‘yan, pwede nang ilagay sa history book dahil sa kalumaan. Sana sinali na lang niyang tinakpan ang pagmumukha niya sa pagiging masyadong conservative niya.
Bwisit.
Hindi ko matanggap na sinabihan niya akong hindi niya ako type. Kung mala-diyosa ang ganda niya, siguro tatanggapin ko pa ‘yon. May karapatang mamili, eh. Pero siya? Hello, ako na ‘to, oh. Alexander na, oh, tapos ayaw pa? Napaka. Nakakaputángina. Hindi lang ‘yon sampal sa pride ko, kundi sipa at tadyak pa. Na-offend ako. Sobra!
All this time, akala ko talaga nagpapakipot lang siya; that she endured up to this day because she’s into me; dahil humuhugot siya ng lakas sa akin. Akala ko ako ang kumukompleto sa araw niya; na hindi niya kayang lumipas ang araw na hindi ako nakikita.
Pero baka nagpapakipot lang siya? Maybe she’s just trying to hide it from me?
Baka natatakot siyang ma-reject ko?
Possible. Baka nagpapanggap lang siya na hindi niya ako gusto pero deep inside ay gustong-gusto niya pala ako. She just can’t bring it up because she’s scared that things might get awkward between us or baka sesantehin ko siya.
I think that’s the reason. There’s no way in hell na wala siyang gusto sa akin. She’s just pretending. No one can resist Alexander the Great!
——
“Sir, you have a scheduled meeting tomorrow at 10:00 AM, 1:00 PM, & 4:00 PM,” paalala sa akin ni Heart habang naghahanda ako sa shoot.
“Ang dami naman. ‘Di pa pwedeng isa lang? Baka ma-stress ako,” pabirong sabi ko sa kanya at kinindatan siya.
Blangko siyang tumingin sa akin. “Baka nakakalimutan n’yo pong marami na kayong tinakbuhang appointments?”
Ngumuso ako. “Let’s talk about it after the shoot. Baka ma-stress ako at mabawasan ang kagwapuhan ko. Paano na lang ang future ng company natin?”
Tumaas ang kilay niya bago niya inayos ang suot na salamin. “Sa ginagawa n’yo ngayon, sir, baka mawalan talaga ng future ang kompanya,” matigas niyang sabi. “We will lose clients and investors.”
“Mamaya na nga!” nakangusong sabi ko. “Magkaka-wrinkles na ako, oh.”
“Mamaya,” malamig niyang sabi bago siya pumunta sa sulok.
“Parang siya pa ang boss, ah?” naibulong ko na lang sa hangin.
“Sir, ready na po kayo?” tanong sa akin ng staff.
Tumango lang ako bago hinubad ang bathrobe na suot ko. And I saw how everyone looked at me—at my body.
I am only wearing our latest underwear release. And yes, I am also the face of our company. Ako na lahat. Grabe ang talented ko talaga. I got the brains, especially the looks.
Kasama ko ang ibang models ng kompanya. All of them are girls. Ako lang ang male model dahil ‘yon ang gusto ko. Para ma-solo ko sila.
Pumwesto na kami para simulan ang shoot. And I can really feel the models’ eyes on me. Well, they will all have a taste of me later. I’ll take them all to heaven and be their salvation. I’ll make them kneel and worship me. I’ll bless them with my thick water.
After the shoot, handa na sana akong makipaglandian sa mga bagong models, pero biglang humarang si Heart.
Napangisi ako dahil ngayong na-realize ko na ang feelings niya sa akin, mas naiintindihan ko na ang mga ginagawa niya. She’s probably trying to stop me from flirting with those models dahil nasasaktan siya. She probably only wants me to focus on her.
“Heart, how long will you keep your feelings for me?” mahinang tanong ko sa kanya. “I’ll acknowledge them. Just tell me.”
She looked at me with a blank expression. “Hindi ko po alam kung anong nakain n’yo at kung ano-ano na naman ang naiisip n’yo, pero hindi ‘yon ang sadya ko. Baka nakakalimutan n’yong pag-uusapan natin ang appointments n’yo?”
“You’re such a killjoy!” nakangusong sabi ko sa kanya. “Pwedeng bukas na ‘yang work?”
“No,” mabilis niyang tugon. “Also, Mr. Cojuanco will be calling you later,” dagdag niya.
Natigilan ako sa narinig. Don’t tell me he’s at ‘it’ again?
“Can you tell my dad I’m busy?”
“Nasabi ko na po na wala kayong ibang gagawin,” walang emosyon niyang tugon habang nakatingin sa notepad niya. “He will call you in…” Tumingin siya sa relo niya. “About ten minutes from now.”
“Heart!” I couldn’t help but get frustrated. Alam ko na kung ano ang pakay ni Daddy sa akin. He has been doing this for quite a while now and it’s really getting into my nerves.
At kagaya nga ng sinabi ni Heart ay tumawag si Daddy just a few minutes later, “Dad, what is it this time?” walang gana kong sagot sa kanya.
“Son, I want you to meet this amazing woman this weekend,” panimula niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. I knew it.
“She’s from a prominent family. I am pretty sure you will like her,” pagpapatuloy niya. I can taste the excitement in his voice. “She will suit your taste.”
“Dad…” Huminga ako nang malalim. “Can you please stop? I’m so tired of this,” medyo frustrated kong sambit. “I already told you, hindi ako magpapakasal. I will never settle with any woman.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Just this once, son. I really think you will like her.”
“And if I don’t?”
“Fine. I’ll stop.”
“Okay. Deal,” tugon ko at ibinaba na ang tawag.
If it happens na tama nga siya na magugustuhan ko ang babaeng sinasabi niya, then I will make sure to taste her. I’ll fúck her ‘til she drop, pero hanggang doon lang.
WNo woman will ever put a leash on me. No one can ever make me fall in love. No one.