Chapter 9 - Heartbeat

1321 Words
“I AM CRAVING for you, Grecela.” Vas' confessions made her speechless. Nakaawang ang labi at malalaki ang mga mata niyang nakatitig sa binata dahil sa gulat. She can feel and see the sincerity in his eyes but a part of her doesn't want to believe him. Nakatitig ito sa kanya at puno ng emosyon ang mga mata nito. For the past eight months that she's with him, this is the first time that she saw him very vocal and transparent. Pero habang nakatitig siya rito ay muli niyang nakita sa mga mata nito ang mga larawan na ipinakita ng ama niya. Kaya nabalik siya sa katinuan at agad na umiwas ng tingin. Hindi ko kilala ang lalaking ito. Hindi ko alam ang totoong pagkatao niya. I shouldn't trust him. I shouldn't believe in his words. Nagtatalo ang isip niya kung ano ba dapat ang gawin niya. He saved her. At sobrang laki ng pasasalamat niya sa pagligtas nito noon sa kanya at sa pagkupkop nito ng walong buwan. Pero ngayon, dahil sa mga nalaman niya ay naguguluhan na siya. Tama ba itong nararamdaman niya? Sa loob ng walong buwang kasama niya ito ay wala siyang nakitang mali rito o masamang ginawa. Kung masama siyang tao ay sana matagal na akong pinaglamayan. At saka, sinagip niya ang matandang babae. "Baby—." Muli siyang nabalik sa katinuan nang tinawag siya nito. "I-I want to sleep," mabilis niyang sabi. Sinalubong niya ang mga mata nito at napalunok siya nang makitang mabilis na nagbago ang emosyon sa mukha nito. Kunot-noo itong napatitig sa kanya. Pain and disappointment are visible in his eyes but it suddenly vanished. Bigla siyang nakaramdam ng guilt. "Can we talk, Grecela?" walang emosyong sabi nito. "I'm tired. Gusto ko ng magpahinga," mahinang sabi niya pero sa loob-loob niya ay kinakabahan na siya. Hindi ito sumagot pero nakatitig lamang ito sa kanya. Ilang sandali lang ay nagbuntong-hininga ito at hinalikan siya sa noo na ikinagulat naman niya. Akala niya galit ito sa kanya. "Alright, baby. Let's sleep now." Napatingin siya rito nang mapansin niyang may bahid ng lungkot ang boses nito. Tumabi ito sa kanya at saka niyakap siya ng mahigpit. Bigla siyang nakaramdam ulit ng guilt. Why would I be guilty!? Naramdaman niyang nagulat ito nang bigla niya itong tinalikuran pero mas nabigla siya nang yumakap ito mula sa likuran niya at dumikit ang mainit nitong katawan sa kanya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman niya ang matigas nitong junior sa likuran niya. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalis ang malaswang alaala na pinagsaluhan nila noon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at saka pinilit na makatulog. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa kasi nagwawala ang puso sa dibdib niya. Idinilat niya ang mga mata at tumingin sa nakasaradong bintana. Napansin niyang umuulan pa rin sa labas. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata niya nang biglang gumalaw sa likuran niya si Vas. Mas lalo itong dumikit sa hubad niyang katawan at mas lalong humigpit ang braso nitong nakapalibot sa bewang niya. Bigla siyang kinabahan. Hindi pa ba siya natutulog? tanong niya sa sarili. Kunot-noo niyang idinilat ang mga mata nang maramdamang bumangon ang ito sa tabi niya. Naramdaman niya ang halik nito sa balikat niya at saka umalis sa kama. Nagtatakang pinakinggan niya ang bawat kilos nito. Ilang sandali lang ay narinig niya ang lagaslas ng tubig. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinto ng bathroom at nakabukas ito at nakita niyang naliligo ito. Napabuntong-hininga siya. Iba na ang nararamdaman niya ngayon simula nung nalaman niya ang tungkol sa binata. Noon ay tumitibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kilig at saya, ngayon naman ay kinakabahan siya at hindi mapakali. Pero aaminin niya, masaya pa rin siyang kasama ito. She wanted to ask him personally if those pictures are true. But she couldn't trust him now. Natatakot siya na baka magalit ito at patayin pa siya kapag nalaman nito na alam niya ang totoong pagkatao nito. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay ang tapusin ang ugnayan niya sa binata ng mahinahon. Mas kailangan siya ng ama niya ngayon kaya gusto na rin niyang umuwi sa bahay nila. Gusto niyang makasama ang ama niya at alagaan ito. I should try telling him that I need to go home because my father is sick. I'm sure he will understand. I'm sure he won't suspect that I already know everything about him. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Gusto niyang umalis para makasama ang ama niya. Pero may parte sa kanya na ayaw maniwalang masama ang binata at gusto niya pa rin itong makasama. She gave her virginity to him and it meant a lot to her. Siguradong kapag umalis na siya at hindi na niya ito makita ay siguradong hindi pa rin ito mawawala sa isip niya. Biglang gumalaw ang kama sa likuran niya kaya mabilis niyang ipinikit ang mga mata niya. Hindi man lang niya namalayan na tapos na pala itong maligo. “Goodnight, Grecela,” bulong nito sa tenga niya at saka muli siyang niyakap ng mahigpit. Pinilit niya ulit ang sarili na makatulog pero dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya inaantok. At mahimbing na natutulog si Vas na nakayakap mula sa likuran niya. Nang bigla siyang nakaramdam ng uhaw ay dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa bewang niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis siya sa kama na hindi ito nagigising. Kinuha niya ang itim na robe na nasa upuan at saka walang ingay na lumabas ng silid. Nang makarating siya sa kusina ay agad niyang binuksan ang refrigerator pero nanlumo siya nang wala siyang makitang tubig. "Haysss. Nakalimutan kong bumili kanina," nanglulumong sabi niya sa sarili. Ilang bote ng beer at isang karton ng fresh milk ang nakita niya. Kinuha niya ang fresh milk at mas lalo siyang nanlumo nang malamang wala na itong laman. Hindi ko napansin na wala na din palang fresh milk. Wala na siyang ibang pagpipilian kaya kumuha siya ng isang bote ng beer at binuksan ito. Pikit-matang tinungga niya ito at akailang lagok pa lang siya ng bigla siyang masamid at umubo ng ilang beses. Napatingin siya sa robe na suot niya sa may dibdib niya nang bigla itong lumamig. Nabasa din pala ito ng beer. “Hayssss.” Muli niyang tinungga ang natitirang alak pero bigla siyang nabilaukan nang makita niya si Vas na nakatayo sa may pinto at nakatitig sa kanya. At mas lalo siyang nagulat dahil wala itong saplot sa katawan. “f**k!” Mabilis itong nakalapit sa kanya at saka hinagod ang likuran niya. “Did I scare you?” tanong nito. Umiling naman siya ng paulit-ulit habang umuubo. At mas lalo siyang naubo nang makita ang matigas nitong sandata na nakatayo at parang nakatingin sa kanya. Mabilis siyang napaatras ng ilang hakbang. Umubo siya at dahan-dahan na umatras palayo rito pero hinila siya nito at patuloy na hinahagod ang likuran niya gamit ang malapad nitong kamay. Itinaas niya ang kamay na nagpapahiwatig na ayos lang siya at pwede na itong huminto sa paghagod sa likuran niya. “I-I'm fine,” sabi niya at saka muling lumayo ng kaunti rito pero hinawakan nito ang wrist niya at hinagod ng tingin ang katawan niya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa klase ng titig na ibinibigay nito sa kanya. “I forgot to buy bottled water," seryoso nitong sabi sa kanya. “T-The beer is f-fine,” nauutal niyang sagot at agad na umiwas ng tingin. “I got thirsty too.” Napatingin siya rito at matiim itong nakatitig sa kanya. Kumikislap at nangungusap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Mas lalong domoble ang pagtibok ng puso niya nang bumaba ang paningin nito sa dibdib niya at kinagat ang sariling labi. Muling nagsimulang magwala ang puso niya. He looks so hot. He looks so sexy. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD