Kabanata 20 Tumunog din naman agad ang bell at agad din naman na nagsitayuan ang kanyang mga students. Lumipat agad ang mga ito sa ibang room dahil sa susunod nilang subject. Nang siya na lang mag-isa ay bumalik siya sa likod kung saan naroon si Kei. Hinawi niya ang kurtina at marahan na niyugyog ang balikat nito. "Kei, gising," mahinang pukaw niya rito. Muli niyang niyugyog ang balikat nito at laking gulat niya dahil bigla siyang hinila ni Kei. Mabilis nitong isinira ang kurtina. "What the hell are you doing!? Let go of me Kei!" gulat niyang bulalas pero mabilis na tinakpan ni Kei ang kanyang bibig. "Ssh! Someone's coming!" he says. Agad naman siyang natahimik. Narinig naman niyang may ilang students ang pumasok. Tinapik niya ang kamay ni Kei. Tinanggal din naman nito ang p