Kabanata 2
Inilapag niya ang mga gamit niya sa mesa at sandali pang tumikhim na may kasama pang pag-ubo ng marahan.
“G-good morning class, I’m your new adviser and I’m Mrs. Smith,” panimula niya pa.
Halata namang gulat sila sa kanilang narinig at para bang hindi makapaniwala. Alanganin na lamang siyang napangiti at parang nabigla niya yata ang mga ito.
“Are you sure?” biglang tanong sa kanya niyong intsik niyang estudyante.
“Yes.”
Todo ngiti pa rin siya kahit na 'yong tuhod niya ay nagsisimula nang manginig sa kaba.
“God! She’s so young to be our class adviser,” sabi pa niyong isa niya pang estudyante na blond ang hair.
Ewan niya ba kung saang bansa 'to galing pero mistisa ito.
Nagsimula naman na silang magbulung-bulongan. God! What should she do? Tumikhim naman siya ng konti.
“I know, I’m too young to be your class adviser but I do have all the qualifications to be your class adviser,” paliwanag niya pa sa kanila.
Pero iyong kaba niya ay ayaw pa rin talagang mawala at hindi niya alam kung bakit. Hindi rin naman na sila umimik pa kaya nagsimula na rin siyang magturo sa unang subject nila.
When she started to teach, nawala na ang kabang nararamdaman niya kanina at kumportable na siyang magturo. Good thing, she managed not to collapse on her first day.
AFTER half an hour of their discussion ay nakaraos din naman siya at heto, nag-iiwan na lamang ng ilang detalye sa white board para sa gagawin nilang group activities.
"Pat you’re so late!"
Nagulat naman siya sa kanyang narinig kaya agad din naman siyang napaharap sa mga estudyante niya. At laking pamimilog ng kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang dumating.
“Patay!” halos pabulong niya nang bulalas sa kawalan. Agad siyang napaharap muli sa white board. Mariin siyang napalunok. Ito ba ang dahilan kung bakit siya kinakabahan kanina pa? Pakiramdam niya ay hindi siya makagalaw.
Lihim na siyang napapamura sa kanyang utak habang mahigpit na napahawak sa sandalan ng upuan. Iniisip niya ay kung bakit nasa loob ito ng kanyang classroom.
"Tsk!" Narinig niyang palatak nito.
Pasimple niyang nakamot ang kanyang kanang sintido. Pati rin pala rito sa school ay mainitin din ang ulo nito. At hanggang ngayon ay nakaharap pa rin siya sa pisara kahit na ang totoo’y kanina pa tapos ang isinusulat niyang guidelines.
Mariin na siyang napapikit.
"Paano ba 'to? Anong oras na ba!? Bakit ba kasi may natitira pang oras ang klase ko?" bulong niya sa sarili habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
"Who is she?" Napaigtad naman siya sa biglaan nitong pagtatanong.
Lagot na talaga! Gusto niya na tuloy umuwi! Kung bakit ba naman kasi tatanga-tanga siya! Hindi man lang niya kasi tsinek muna ang mga pangalan ng kanyang mga students.
"Who?" sagot naman niyong isa sa mga kaklase niya. Hindi niya makita kung sino ang kausap nito dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magawang humarap sa kanila.
"That?" he said again.
"Ah? She's our new adviser and guess what? She's too young for that role."
Agad na tumaas ang isang kilay niya dahil sa kanyang narinig.
Kahit naman sabihing bata pa siya ay pasado naman siya sa qualities at standard na hinahanap ng school para humawak siya ng isang section!
Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. Feels like these students were thinking that's she doesn't have a capabilities and credibilities to do her job.
Nakagat niya ng mariin ang kanyang ibabang labi. This is not good! Gusto niya na talagang humarap pero malaki ang pag-aalinlangan niya.
"Ma'am are you okay?" tanong naman niyong isa niyang student. Mukhang napansin yata nito na kanina pa siya nakaharap sa pisara.
What should she do? Tatakbo palabas? Face them and say hi? Or nothing? Ugh! She in trouble!
No choice.
Huminga siya ng malalim.
"Yes, I'm fine," sagot niya kasabay nang biglaan niyang pagharap sa mga ito.
Napagawi naman ang tingin niya sa lalaki and she should know by now. He is not really in his mood!
Anak ng tipaklong naman oh!
Gusto tuloy niyang kutusan ang kanyang sarili dahil hindi niya man lang inusisa kung dito ba naka-enroll ang asawa niya. And worst, she didn’t even bother to check her students name for Pete’s sake!
Napatayo naman itong bigla nang makita siya.
"Pat, why?" tanong ng kaklase nito na ‘di niya pa kilala.
Tinabig nito 'ang kamay niyong babae, nakahawak kasi ito sa braso ng lalaki. Humakbang ito palapit sa puwesto niya. Mariin siyang napalunok dahil sa sama ng mga titig ng lalaki sa kanya.
Nagulat na lamang siya, not just her, sila pala lahat. Bigla kasi nitong ibinagsak ang kamao nito sa gitna ng kanyang mesa. Mariin siyang napalunok muli. She can't even bat her eyelashes. Hindi siya nakagalaw dahil sa sobrang nerbyos niya sa lalaki.
Namalayan niya na lang na kinakaladkad na pala siya nito palabas ng kanyang classroom. Napahinto silang dalawa malapit sa may restroom. Bigla siya nitong isinalampak sa pader habang ang dalawang mga braso nito ay nakaharang sa magkabila niyang balikat.
"Hmm," konti niya pang ungol dahil may kalakasan din ang biglaan nitong pagtulak sa kanya.
“What do you think you’re doing?”
Muli siyang napalunok. He is now using his powerful voice and her knees trembles for that. He’s angry! Nahigit niya ang kanyang hininga.
"Ah… Eh…" Napalunok siya ulit. Bigla na lamang siyang pinagpapawisan ng malamig.
"Stop stuttering," utos nito na may kasama pang matalim na pagtitig sa kanya.
Mariin siyang napapikit at muling napadilat.
"Sorry... Kasi ano…" She can't answer him properly.
She cannot even avoid herself having this nervous attack every time he talks to her. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. She shouldn't feel this way. She shouldn’t let him overruled her life.
"Teka nga…" marahan niya itong itinulak.
"Anong ginagawa mo rito?" ulit pa nito.
"Obvious ba? Nagtatrabaho ako rito," matapang niyang sagot dito kahit na ang totoo ay nanginginig pa rin ang mga tuhod niya.
"Are you stalking me?" he said while smirking.
Napaawang naman ang bibig niya dahil sa sinabi nito.
"Hoy! Kapal mo ha! Anong masama kung dito ako magtatrabaho," inis niyang sagot sa rito. What a bossy jerk!
"Resign!" Agad na nagsalubong ang dalawa niyang mga kilay.
"Ayoko nga!" mariing tanggi niya rin naman dito.
"Baka nakakalimutan mo kung ano ako sa ‘yo?"
Bigla namang nabahag ang buntot niya dahil sa sinabi nito. She clenches her jaw.
"Hindi ko nakakalimutan na... Ano... Na asawa kita," mahina niya sagot at agad na nag-iwas ng kanyang mga tingin.
"So? Resign!" galit nitong utos sa kanya.
"Kei naman..." angal niya.
"Don't you dare call me by that name!” matigas nitong ani.
Natameme naman siya sabay napalunok ng mariin. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. Her fault. Ayaw nitong tinatawag sa ganoong palayaw dahil para sa kanya, his mom was only the right person to call him that way.
"Fine! But please intindihin mo naman ako, mahal ko itong profession ko," nakayuko niya pang pakiusap dito.
"I don't care! Go home early and we will talk about this later,” he said and left her.
Laglag ang kanyang magkabilang balikat. She really love her job! At kahit pa asawa niya ito ay hindi naman dapat na sundin niya na lang lahat ang mga gusto nito. Paano naman ang mga ayaw niya? Damn it! Inis siyang napapadyak at walang nagawa kundi ang bumalik na lamang sa faculty room.