Kabanata 15 Nang nasa tapat na siya ng study room ay huminga muna siya nang malalim bago siya kumatok sa pinto. "Kei, si Kristina ito. Puwede ba akong pumasok?" paalam niya. Hindi ito sumagot pero nang sinubukan niya namang pihitin ang doorknob ay hindi naman ito naka-lock. Itinulak niya ang pinto. Nakita niyang nakahiga si Kei sa sofa. Ang isang braso naman nito ay nakapatong sa noo. Nang humakbang siya ay sinilip niya ito. He was sleeping. Inusisa niya kung nasaan ang sugat nito at agad niya namang nakita sa may kaliwang binti nito ang sugat na natamo. She sighs. Umupo siya sa center table at inilapag ang dala niya sa lamesa. Dahan-dahan niyang binuhat ang kaliwang binti nito at ipinatong sa kanyang mga hita. Pagkatapos niyon ay sinimulan niya na itong gamutin. Napaigtad si K