Kabanata 12 Habang nakasunod siya kay Kei ay nagulat naman siya nang bigla itong tumigil sa paglakad. Sumubsob ang mukha niya sa likod nito. "Bakit ka ba huminto!?" inis niyang ani habang sapo ang kanyang ilong. "Why are you in my back? Ang laki ng space," galit din naman nitong sagot sa kanya. Sinimangutan niya lamang ito. Namilog naman ang kanyang mga mata sa sunod nitong ginawa. Bigla siyang niyakap ni Kei. "Don't you dare move! Sally was walking towards us," bulong ni Kei sa kanya. Para naman siyang tuod at steady lang. She even hold her breath for a seconds. "Hi! Ma'am Kristina!" bati ni Sally sa kanya nang makita siya nito. She awkwardly smile to Sally and wave her hand. Pagkatapos ang isang kamay naman niya ay yumakap sa baywang ni Kei. "Is that Patrick?" naririnig pa ni