Tatiana
I WAS quiet the whole journey from V.A Airways’ building to Van Aalsburg’s mansion. The huge mansion sits at the top of a cliff, overlooking the ocean. Malayo pa man kami sa bahay ay natatanaw ko na ito.
“Welcome to our humble home,” sabi ni Chaos nang makapasok kami sa loob ng bahay.
Kinausap ni Chaos ang mga kasambahay niya at pinakuha ang mga gamit ko. Mabilis kumilos ang mga tauhan ni Chaos dahil nauna pa ang mga luggage ko rito kaysa sa akin.
Naglakad-lakad ako sa living room. Tiningnan ko ang bawat muwebles na makikita ng aking mga mata.
Ang bawat sulok ng bahay at nagsusumigaw ng karangyaan sa buhay. Marbles, golds, and crystals. Ilan lamang iyan sa mga makikita mo sa bahay.
Napatigil ako sa isang malaking painting. Nakita ko na isa ito sa last piece ng isang sikat na artist at pinakamahal din. Hindi ko akalain na makikita ko ito sa bahay mismo ni Chaos.
How wealthy is he?
Nakuha rin ng family symbol nila ang aking atensyon. I don’t know if I am familiar with it at nakita ko na ito o hindi pa. Siguro ay kilala rin naman talaga ang pamilya ni Chaos pero sadyang wala lang akong pakealam. Hindi ko lang talaga inaasahan na nagtatago siya sa katauhan ni Russell, ganoon ganito kaganda ang buhay nila.
“Miss Tatiana…”
Nilingon ko si Chaos nang tawagin niya ako. Good thing, I am learning how to call him Chaos instead of his other persona.
“This is Elin, she will assist you to your room. Naandoon na rin ang mga gamit mo.”
Ngumiti sa akin si Elin nang ipakilala siya ni Chaos sa akin.
“Nice meeting you, Miss Tatiana. If you need anything in the future, you can call me anytime po.”
Tipid lang akong tumango bago tumingin kay Chaos.
“I will pay my stay here. Sabihin mo lang kung magkano ang kailangan kong bayaran.”
Nanlaki ang mga mata ni Chaos sa akin bago tumawa. “Miss Tatiana, hindi kita pinatira rito para magbayad ka sa akin. You can stay here for free. Hindi ko kailangan ng pera—”
I immediately cut him off. “No, thanks. I will pay, kahit hindi pera ang kapalit. I don’t want to be a freeloader here lalo na’t kaya ko namang magbayad sa isang hotel. Kung hindi ka papayag sa gusto ko, aalis ako ngayon mismo at babalik sa hotel ko.”
Sa pagbagsak ng balikat ni Chaos, alam ko na hindi niya ako lalabanan dito.
“Just tell me what you want.”
Tumaas ang noo ni Chaos at bumalik ang nakakalokong ngiti sa labi niya bago siya magsalita.
“My want?”
Tumango ako. “Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mo kapalit ng pagtira ko rito, and I will grant it for you.”
Dahil sinabi niya na hindi niya kailangan ng pera, maaaring may iba siyang gusto. Ako na ang magbibigay nito sa kanya.
Umawang ang labi ni Chaos habang ako ay hinihintay ang sasabihin niya.
Ngumiti si Chaos sa akin pero may kakaiba sa ngiti niya.
“Next time na lang, Miss. Baka hindi pa handa ang gusto ko—I mean, hindi pa ako sigurado sa kung anong gusto ko. Pag-iisipan ko munang mabuti.”
Tumango na lamang ako at tumingin kay Elin. Sumunod ako sa kanya sa magiging kuwarto ko. Naisip ko rin na kailangan ko nang magpahinga.
Napatingin ako sa unang palapag at nakita ko si Chaos na nakikipag-usap sa iilang lalaki. Nagtaas siya ng tingin sa akin. Hindi ako nag-iwas at nakipagtitigan din sa kanya. Ngumiti si Chaos sa akin at kumaway.
Nakapasok na ako sa loob ng kuwarto. Malawak at maganda rin ang guest room na ibinigay sa akin. May sariling banyo, closet, at halos lahat ng kakailanganin ko sa isang kuwarto ay naririto na.
“Kung may kailangan po kayo, you can ring the bell, Miss.” At itinuro niya sa akin ang bell na sinasabi niya. “Or you can use the intercom.”
Nagpaalam na si Elin sa akin at iniwan akong mag-isa. Naglakad ako sa aking mga bagahe at napansin na wala na ang mga gamit ko roon. Nagtungo ako sa loob ng closet at nakita ko na nakaayos na ang mga gamit ko.
Hindi ako sigurado kung ilang araw o linggo, maaaring buwan pa akong mananatili rito. Either way, my clothes aren’t enough. I need to buy more.
But for now, these clothes will do.
Nilapitan ko ang isang black shirt at isang pants upang makapagpalit. Wala naman ibang makikitang kulay sa aking closet kung hindi black, white, gray, and red. I rarely use white, though.
Pumasok ako sa banyo, naglinis ng katawan, at nagbihis.
Nahiga ako sa kama at tumulala sa kisame. I hate having favors. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa gusto ni Chaos at manatili rito sa bahay niya…or maybe because I need to watch and observe him. Kaya sinabi ko na magbabayad ako sa pagtira ko rito.
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya na wala siyang alam sa nangyari sa aming dalawa o nagpapanggap lang siya dahil ayaw niya sa maaaring obligasyong ibigay sa kanya. Maaari rin na hindi naman talaga siya ang nakabuntis sa akin.
I need to find out soon. May mga pangyayari sa gabing iyon that is giving me an oddly feeling.
Ipinikit ko ang aking mga mata at doon ko naramdaman ang pagod ko. I shouldn’t push myself too hard now, hindi lang sarili ko ang inaalagaan ko ngayon.
Nang magising ako, nakakaramdam ako ng gutom. I am hungry but at the same time I want to throw up.
Lumabas ako ng kuwarto. Should I go to the kitchen and ask if I can cook for my food? Marunong naman akong magluto. Dahil wala ako sa sariling bahay, I shouldn’t ask other people to serve me, kahit na iyon pa ang inutos ni Chaos sa kanila.
Pababa pa lamang ako ng hagdanan nang may makakita na sa aking kasambahay. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na kinuha ang isang bell at pinatunog ito.
Nakita ko rin si Elin at magalang niyang iniyuko ang ulo niya sa akin.
“Hello, Miss Tatiana,” pagbati nila sa akin.
Humarap si Elin sa akin, and a sweet smile is still plastered on her lips.
“I was thinking of going to the kitchen.”
Tumango si Elin sa akin. “You can directly go to the dining hall, Miss Tatiana. We prepared everything that you might need.”
Iginaya nila ako papunta roon at sinalubong ako ng maraming pagkain. Iba’t iba iyon na akala mo ay maraming katao ang kakain nito.
It’s like a feast.
“Sir Chaos instructed us to prepare everything for you, Miss. Baka raw po magutom kayo kapag nagising na. You can tell us if there’s something that is not to your liking.”
Pinaupo nila ako sa dining chair. I am still flustered by the food they made for me.
“Where’s Chaos?” Nakita ko ang cheesecake at sa hindi malamang dahilan ay naglaway ako.
Napalagok ako at gusto ko iyong kainin.
Napansin siguro ni Elin ang paninitig ko sa cheesecake kaya’t sinenyasan niya ang isang kasambahay para bigyan ako ng slice nito.
“Our chef prepared this cheesecake that is suitable for pregnant woman, Miss. Kaya wala kayong dapat ikabahala. Lahat ng nakahain dito ay pwede ninyo pong kainin.” Sandaling tumigil si Elin. “As for Sir Chaos, may inaasikaso lang po siya. Babalik din po ito mamaya.”
Nilingon ko si Elin pero nanatili ang ngiti niya sa akin. How did she know I am pregnant? Hindi na siguro ako dapat magtaka, lalo na’t maaaring sinabi ni Chaos sa kanila.
“Orange juice for you, Miss.”
Napatitig din ako sa orange juice. Naalala kong alam na alam ni Chaos na gusto ko ang orange juice.
Nakabantay silang lahat sa akin. They are all beaming at me, hindi ko masabi ang rason bakit sila ganito. Hindi sila mukhang napag-utusan lang.
I maintained my neutral and cold expression while I ate the cheesecake.
Natigilan ako nang matikman ang cheesecake. Sinilip ako ni Elin at doon lamang naglaho ang kanyang ngiti.
“Miss, hindi ninyo po nagustuhan ang cheesecake?”
Napalagok ako at umiling. “No, it’s actually very good. I like it.”
Nagsimula na akong kumain ng cheesecake. Nakita ko rin iyong pasta at para bang gusto ko ring kumain nito.
Para bang nababasa nila ang iniisip ko dahil inilapit nila sa akin ang pasta at tinanong kung gusto ko nito. Nang tumango ako ay nilagyan nila ang pinggan ko.
Busog na ako kaya’t tumigil na sa pagkain. Kahit pakiramdam ko ay gusto ko pang kumain, hindi ko hinayaan ang aking sarili. Baka humantong sa punto na isusuka ko na lamang ang mga kakainin ko.
Nang matapos akong kumain, lumapit muli si Elin sa akin.
“The chef wants to personally ask about your experience eating his food, Miss.” Tumingin lang ako kay Elin kaya agad niyang sinundan ang sinabi niya. “If you don’t mind po.”
I don’t really mind. Sinabi ko sa chef na nagustuhan ko ang mga kinain ko.
May chef din kami sa bahay, lalo na kapag may okasyon. Pero may kasamabahay na pinagkakatiwalaan sina Mommy at Daddy para magluto sa bahay kaya’t hindi namin madalas pinapatawag ang chef.
Chaos has this luxurious life, bakit siya pumasok sa buhay namin at nagpanggap na tila walang pamilya at pera? That remains a mystery to me.
They offered me if I want to walk, hindi ako tumanggi. Naisip ko na mas makakabuti sa akin ang maglakad-lakad matapos kong kumain.
They tour me around the house. Wala pa sa kalahati ng bahay ang naituturo sa akin nina Elin ay napapagod na ako.
Isa iyan sa napansin ko ngayon. I easily feel tired. Malakas ang endurance at stamina ko noon, kaya naninibago ako na mabilis akong mapagod. Siguro dahil din sa pagbubuntis ko?
Wala pa akong masyadong alam sa kung anong dapat gawin dahil buntis ako. I think, I should buy books regarding this at pag-aralan ang mga bagay-bagay.
“Pagod na po kayo, Miss? Gusto ninyo munang magpahinga?”
Iginaya nila ako sa isang silya upang makaupo na pero umiling ako.
“Hindi na. Magpatuloy na tayo sa paglalakad. Sa kuwarto na lang ako magpapahinga.”
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, nakaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa aking ulo. My vision is starting to get blurry.
“Miss Tatiana?”
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatayo habang pilit na itinutuwid ang aking paningin.
“Miss Tatiana!”
Ang alam ko lang, unti-unti na akong bumabagsak sa sahig. I was waiting for the thud or the pain that will explode throughout my body because of my fall, but there’s none.
“Call Dra. Alviar!”
Nakarinig ako ng pamilyar na boses ng lalaki. Iminulat ko ang aking mga mata at kahit na nanlalabo pa rin ito, naaninag ko siya.
Chaos…
“Hang in there, Tatiana.”
Tatiana. He called me by my name alone.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Wala akong ideya kung ilang oras akong walang malay. Pagkagising ko, may iilang tao sa loob ng silid ko. Naririnig ko ang boses ng isang lalaki na nag-uutos sa mga kasambahay na nasa loob ng aking silid.
Umalis ang mga kasambahay at naiwan mag-isa ang lalaki sa loob ng silid.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko siyang nakatingin sa akin.
“Miss Tatiana!” Lumapit sa akin si Chaos. Nakahinga siya nang maluwag nang makita na may malay na ako.
Iginala ko ang aking paningin at napansin nga ang pamilyar na silid na tinutuluyan ko.
“How are you feeling?”
Bumangon ako. Mabilis akong inalalayan ni Chaos at pinasandal sa headboard ng kama.
“I’m fine.”
Why did I collapse? Bakit kailangan mangyari iyon sa harap ng maraming tao?
Nagtangis ang aking bagang. Hindi ko akalain na hinayaan kong masaksihan ng iba ang pagkawala ko ng malay.
“You shouldn’t overexert yourself, Miss Tatiana. Ang sabi ng doktor, dahil sa pagbubuntis mo ay maaaring mabilis kang mapagod. Magpahinga ka muna.”
Tumingin ako kay Chaos. Hindi ko mapigilan na titigan at obserbahan siya habang tila pinagsisilbihan niya ako.
Pinanliitan ko siya ng mata. “You should stop doing this.”
Napatingin si Chaos sa akin. Halata sa kanyang mukha na tunay na nagtataka siya sa sinabi ko.
“Stop doing what?” Ikiniling niya ang kanyang ulo na akala mo ay hindi niya nakuha ang pinupunto ko.
“You’re in no obligation to look after me, Chaos. You’re no longer Russell, my brother’s bodyguard. It’s not your job to look after me.”
And I hate leaning on other people. In the first place, hindi ko nga dapat tinanggap ang pagtira ko rito.
Hindi kaagad nagsalita si Chaos. Kinuha niya iyong wet towel at inilapat sa mukha ko. Ikinabigla ko iyon at huli na bago ko pa man maalis ang reaksyon ko sa ginawa niya.
“Didn’t I promise you I will help you search for the man who got you pregnant?” panimula niya. Nagsalubong ang kilay ko pero hindi ako nagsalita. “Kaya habang wala pa siya, let me take care of you and your baby, Tatiana. Hayaan mong ako muna ang mag-alaga sa ‘yo.”
Napalagok ako sa sinabi niya. Normally, I will said something para tumigil ito sa mga sinasabi niya o sasabihin ko na hindi ko kailangan ng tulong niya. I have the list of cold and ruthless remarks to rebut at him, pero wala akong nasabi. Nakatitig lang ako kay Chaos habang siya ay ngumiti sa akin.
Hinawakan ni Chaos ang baba ko. Mabilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa paghawak niya sa akin.
Nakita ko si Chaos na dahan-dahang inilalapit ang mukha sa akin. Pinapagalaw ko ang aking kamay para itulak siya papalayo ngunit ayaw ng mga itong gumalaw.
What now? Is he going to…
“Nakanganga po kayo, Miss. Alam ko pong gwapo ako pero huwag ninyo pong masyadong ipahalata na nabibighani kayo sa akin.”
Mabilis kong itinikom ang aking bibig. Hindi ko man lang napansin na bahagyang nakabuka ang bibiig ko! Masama kong tiningnan si Chaos dahil sa sinabi niya.
“Out!” I said with warning.
“Pero aalagaan pa kita, Miss Tatiana—”
“I said, get out!”
Ngumuso si Chaos pero nakikita ko ang pagpipigil niya sa pagtawa. Tumayo siya at nag-inarte.
“Ganito pala ang pakiramdam na palabasin ka at utusan sa sarili mong bahay. Pero okay lang, basta ikaw, Miss Tatiana. Malakas ka sa akin, eh”
Nang kunin ko ang holster ko na nasa side table at ilabas ang maliit kong knife, mabilis na kumaripas ng takbo si Chaos.
“At mararamdaman mo ring mamatay sa sarili mong bahay kung hindi ka pa aalis,” saad ko.
“Iba talaga kayo ng kakambal mo, pareho kayong hindi mabiro. Sige, Miss! Take care because I care!” Kinindatan niya ako bago tuluyang lumabas at isara ang pinto.
Ibinaba ko ang hawak kong kutsilyo at napahawak sa dibdib ko na ngayon ay kay bilis ng pagtibok.