Tatiana
NANATILI AKONG nakatingin kay Russell. I can’t believe I am seeing my brother’s bodyguard here—no, ex-bodyguard. I heard he resigned.
I can also see the surprise and confusion in his eyes.
“Miss—”
“Sir Chaos…” May kumatok sa pinto kaya’t hindi niya naituloy ang pagtawag sa akin.
It was an opening for me to school my expression and put on the emotionless face I always have.
“Come in,” sabi ni Russell.
Chaos? Is that him? Pero ang pagpapakilala niya sa amin ay Russell all this time. Paano siya magiging si Chaos? Alam ba ni Zeke ang tungkol dito?
Naalala ko ang pagpunta ni Zeke rito sa Puerto Rivas at ang madalas nitong pakikipagkita kay Chaos Van Aalsburg. If Chaos and Russell are really one person, it does make sense.
“There are documents you need to sign.”
Tumingin sandali si Russell—Chaos sa akin. Now that I have a gist of the situation, it’s weird to call him Russell. Lalo na at kitang-kita ko ang plate kung saan nakaukit ang buong pangalan niya.
“Miss Benavidez,” pagtawag niya sa akin sa pormal na pamamaraan. “Why don’t you sit for a while? I need to sign some documents, and we’ll talk.”
Naglakad ako sa sofa na nasa loob ng opisina niya. Naupo ako roon at palihim na pinagmasdan ang buong opisina.
I still can’t believe they may be the same person. Bata pa lamang ay nasa pamilya na namin si Russell. Hindi ko alam kung saan siya napulot ni Dad pero natatandaan ko na bata pa lamang ay ipinakilala na nito si Russell sa amin. Sa tagal nito sa pamilya namin, nagawa niyang makuha ang tiwala ng kapatid ko.
All this time, I thought he was an orphan. Now, you’re telling me he’s the CEO of the biggest airline not just in the Philippines.
I heard that V.A. Airways originated in the Netherlands.
Is he a Dutch, then?
I mentally rolled my eyes. Anong pakealam ko?
“Sorry about that.” Naglagay ng baso si Chaos sa harapan ko. Tiningnan ko ito at nakakita ng orange juice.
Napalagok ako at hindi mapigilang magtiim bagang.
Ilang beses na rin akong pinagsilbihan ni Russell—Chaos noon dahil utos ng kapatid ko, kaya alam niya na when it comes to juices, I prefer orange juice. I just didn’t know he would give attention to a trivial information about me.
“So, where are we? Right!” Tumingin sa akin si Chaos at kagaya ng parati niyang ginagawa noong kilala ko pa siya bilang Russell, he gave me that happy-go-lucky smile I despised a lot. He was greeted by my cold expression, though. “Anong ginagawa mo rito, Miss Tatiana?”
Sumandal siya sa backrest. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na akala mo ay naguguluhan siya sa mga nangyayari.
“And you even used Zeke’s name to see me.”
Bumalik sa akin ang dahilan kung bakit ako naririto. At first, I was confident to tell this Chaos Van Aalsburg about my pregnancy. I even brought every documents that he needed to see. Ngunit ngayong nalaman ko na siya rin si Russell, bigla akong nagdalawang isip.
Why am I having hesitations now?
“Miss Tatiana…”
Huminga ako nang malalim at ikinalma ang aking sarili.
I observed Chaos Van Aalsburg. Bakit hindi ko maramdaman na siya ang lalaking nakasama ko nang gabing iyon?
“I have something to ask,” panimula ko. I need to get answer from him before talking about the baby inside me and the possibility that he’s the father. “Matapos kitang mailigaw noong araw na sinusundan mo ako dahil sa pagtatalo namin ng kapatid ko, where were you?”
Tumaas ang isang kilay ni Chaos sa akin pero halatang nag-iisip din ng isasagot.
“I was with an acquaintance. Tinangka kong hanapin ka ng gabing iyon, but I bumped with someone I know that night. Why?”
Nagsalubong ang aking kilay. “Nasa bar ka ba?”
Ikiniling niya ang kanyang ulo at mukhang inalala ang mga nangyari.
“No, the last time I remember, I was in a restaurant, Miss Tatiana.” Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na parati niyang sinusuot kapag nakikita niya ako. “Why are you asking?”
So, hindi siya iyon? Pero bakit nasa loob ng hotel room na iyon ang business card niya?
Hindi ko sinagot si Chaos. Nag-iisip ako sa kung sino ang maaaring naka-one night stand ko. Kung hindi si Russell—Chaos, sino?
Is it possible na kakilala niya o taong malapit sa kanya, and he just accidentally dropped Chaos’ business card and I concluded everything just because of that?
Dahil sa totoo lang, hindi ko maalalang si Chaos ang kasama ko nang gabing iyon.
“May problema ba, Miss Tatiana?”
Something’s off here. I need to find out what happened that night.
Malamig kong tinapunan si Chaos ng tingin. Or maybe…
“I am pregnant.”
Pinagmasdan ko ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. Noong una ay nakangiti siya, ngunit habang tumatagal ay nawawala ang ngiti niya.
Nanlaki ang mga mata ni Chaos at napatayo.
“Anong sinabi mo? Nabingi ata ako, Miss.” Umakto pa siyang nililinis ang kanyang tainga.
Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya at patuloy pa rin sa pag-obserba.
“I said, I am pregnant.”
Lalo lamang nagulat si Chaos. Kung maaari lamang na literal na lumuwa ang mata niya ay lumuwa na ang mga ito.
“Seryoso ka ba, Miss? Akala ko mali lamang ang pagkakarinig ko kanina!”
Or maybe he was acting like he didn’t know what happened to us because he was afraid to face the wrath of my family. That is a possibility.
Are you trying to avoid your responsibility in this pregnancy, Chaos, o sadyang wala ka talagang alam?
Either way, I will find out.
Sa kakaisip ko ng mga bagay-bagay, hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Chaos sa akin. He crouched down to me and his face is now inches away from mine.
“Who’s the father?”
O baka mali ako sa iniisip ko dahil mukha talagang wala siyang ideya sa nangyari sa akin.
Huminga ako nang malalim. I can’t tell him that I thought he was the father of this baby.
“I don’t know.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Why is he so close? “I am here to find who.”
Malamig kong tiningnan si Chaos at tinaasan ng isang kilay.
“Aren’t you too close to me?”
Napansin siguro ni Chaos na ang lapit nga niya sa akin at halos kainin niya ang distansya na mayroon sa pagitan naming dalawa. Mabilis siyang tumayo nang tuwid at umatras. Napakamot si Chaos sa kanyang batok.
Huminga siya nang malalim bago maupo sa sofa na katapat ng akin.
“Do you believe that the man who…got you pregnant is here in Puerto Rivas?”
Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya and I guess he got the answer to his questions.
“May ideya ka ba kung sino?”
Why are you curious now?
Nagdadalawang-isip pa rin ako kung konektado nga ba si Chaos sa akin sa gabing nabuo ang batang nasa sinapupunan ko ngayon. Because other than the business card that was left on the floor, nothing else connected him to the incident.
“I don’t…know.” Ngayon lang ako tila walang plano o hindi alam kung saan magsisimula sa mga dapat kong gawin.
Bumuntong-hininga si Chaos at tumango. “Are you staying here in Puerto Rivas? If that’s the case, I will prepare your room, Miss Tatiana.”
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Hindi ko talaga gusto na nagpapakita ng emosyon o reaksyon, pero may kung ano sa mga sinasabi o ginagawa ni Chaos, kahit noong kilala ko pa siya bilang Russell, na nagpapakawala ng mga emosyon ko. And to think I’ve known him since we were kids.
“What for?” Humalukipkip ako.
“Kung mananatili ka rito sa Puerto Rivas, hindi ba at tama lamang na patuluyin kita sa bahay ko?”
Muntikan nang manlaki ang mga mata ko, pero mabilis kong napigilan ang sarili.
“Why would you do that? And who mentioned that? I am staying at a hotel. You don’t need to accompany me.”
Ikiniling niya ang ulo niya. “Hindi ka ba lumapit sa akin at pumunta rito dahil magpapatulong ka sa akin? I thought you knew who I was kaya sa akin ka lumapit ngayong may kailangan kang gawin sa Puerto Rivas.”
Iyon pala ang iniisip niya?
“No,” tipid kong sagot.
“Nevertheless, I will accompany you, Miss Tatiana. Kapag nalaman ni Zeke na naandito ka at pinabayaan kita—”
“Gugulong ang ulo mo sa sahig.” Itinuloy ko ang sasabihin niya. Nginitian niya lamang ako na naging dahilan para mairita ako. “You’re no longer our employee, Chaos. I am not your obligation. Kaya kong manatili sa hotel. And no, hindi malalaman ni Zeke na naandito ako at ang rason kung bakit ako naandito.”
“I insist, Miss Tatiana. Malaki rin ang utang na loob ko sa pamilya mo. This is the least I could do for you.”
So, he’s doing this because of that reason? Of course, ano pa bang rason ang mayroon siya para pasilbihan ka, Tatiana?
“Bukod pa roon, mas maaalagaan ka if you’re living under my roof. I will make sure you and your pregnancy needs will be duly accommodated. It’ll be safer.”
Chaos excused himself and made several calls. Matapos niyang may mga kausapin ay binalikan niya ako.
“Saang hotel ka nag-stay, Miss Tatiana.”
I wanted to correct him and make him stop addressing me with so much formality, as he’s no longer part of my brother’s elite guards. But whatever. I already wasted enough energy talking today, ayoko nang makipag-usap pa.
Matapos kong sabihin kay Chaos ang pangalan ng hotel, sinabi niya na magpapapunta siya roon ng tauhan upang kunin ang aking mga gamit.
“Any important meetings today, Lucinda?” tanong ni Chaos sa babaeng pinatawag niya. Sa tingin ko ay sekretarya niya ito.
“Aside from Mr. Castro, who requested to have a meeting with you at 3 pm—”
“Cancel it.” Kinuha ni Chaos ang coat niya at walang kahirap-hirap na isinuot iyon.
Minsan ay hindi ko naisip na masasaksihan ko si Russell—Chaos na namamahala ng isang malaking kompanya.
Don’t get me wrong. I know he finished college, but I always see him as someone barbaric and always dealing with guns and his fists.
“Noted, Sir Chaos.”
“I will be out today. If there are papers I need to sign or review, leave them on my table. Unless it’s urgent, don’t disturb me for today.”
He’s uptight and strict. Sobrang ibang-iba siya sa Russell na kilala ko.
“Yes, Sir.”
Nang tumingin sa akin si Chaos, agad nag-iba ang ere sa paligid niya. Kung kanina ay para siyang handa nang mamilipit ng leeg kung maling salita ang sasabihin mo sa kanya, ngayon naman ay para siyang golden retriever na sobrang amo.
What’s his deal? Anong tunay na personalidad niya?
I always thought he was easy to read, pero mukhang may mas malalim na katauhan ang isang kagaya niya.
“Shall we go, Miss Tatiana?”
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi na rin ako aangal sa gusto niyang mangyari. Mas maganda na rin na malapit ako sa kanya. Dahil malakas ang pakiramdam ko, kung mali ako at hindi nga si Chaos ang nakasama ko sa gabing iyon, ang sino mang lalaking naka-one night stand ko ay taong malapit kay Chaos Van Aalsburg.
Little did I know, I will start to unfold secrets na hindi ko na dapat nalaman pa.