Tatiana
MY DOCTOR confirmed my pregnancy. Tinitingnan ko ang mga resulta ng test na isinagawa sa akin.
Kinakalkula ko rin ang araw ng pagbubuntis ko at naalala ko na nang magbati kami ng kapatid ko, nag-inom kaming dalawa ng alak.
“Makakaapekto ba sa pagbubuntis ko if I drink alcohol? I wasn’t aware that time that I am pregnant, kaya nakainom ako…” Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung mababahala ba ako.
I don’t really know what to feel. I may look like I easily accepted this pregnancy, but I am still shocked. Hindi ko pinangarap maging ina, because I lack the ability to be a mother. I don’t want to get married because I am not a wife material.
Kaya ang lahat ng ito ay ikinabibigla ko.
“The baby is healthy, so I don’t think it would cause any harm. Huwag mo na lang gawin ulit.”
Naupo ang doktor sa harapan ko. I am agitated. Hindi ko alam kung handa ba ako sa responsibilidad na ito, but I am also not someone that will just run away.
I may be heartless, as how other people described me, but I am not going to end a baby’s life, kahit sabihin nating hindi ko ito ginusto.
“Alam na ba ng pamilya mo?”
Matagal na naming doktor si Dra. Corcuera. Monthly kami nagpapa-check up sa kanya ni Mommy. Bata pa lamang ako, doktor na namin siya.
“Don’t tell anyone.” I looked at her, icily. Nakuha niya ang gusto kong iparating sa kanya. Hindi na rin siya natakot dahil sanay na siya sa ugali ko.
“I won’t. I have a non-disclosure agreement with you, Tatiana.” Huminga siya nang malalim. “Pero bakit ayaw mong sabihin sa kanila? And who’s the father?”
Tiningnan ko lamang ang doktor at hindi sumagot. I am not obligated to answer her questions.
Nakuha niya ulit ang ibig sabihin ng pagtingin ko sa kanya. Tumango siya at hindi na nagsalita.
May ilan siyang paalala sa akin at binigyan na rin ako ng vitamins. Umalis ako sa clinic niya matapos iyon.
Sinalubong ako ng liwanag ng araw at malamig na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at nang imulat iyon, tinitigan ko ang maaliwalas na kaulapan.
I can’t believe I am pregnant.
Hinawakan ko ang aking tiyan. I can’t feel anything. I mean, I can’t feel any emotions. Manhid pa rin ako at para bang tinanggap ko na lang ang bata dahil naandito na.
I wonder, magbabago kaya ang pananaw ko kapag…narinig ko na ang unang pag-iyak niya? Kapag nakita ko na siya?
I don’t know what to expect. Hindi ko rin maikumpara ang sarili kay Mommy because my mother loved us kahit hindi pa kami pinapanganak. My father didn’t witness our first cry as he was not present when we were born.
Hindi pa man kami pinapanganak ni Zeke, komplikado na ang buhay namin. Kaya siguro lumaki kaming ganito ng kapatid ko. Ang kaibahan lang namin ngayon, dahan-dahan nang natututunan ni Zeke ang makaramdam ng emosyon dahil sa asawa niya. Me, on the other hand, is a lost cause.
Sumakay ako sa kotse ko. I am not someone who keeps a bodyguard. Madalas naman ay hindi ako kilala ng ibang tao. Some may think that I am just an ordinary woman. Hindi ako madalas ma-target ng mga kalaban dahil bukod sa kaya ko silang labanan, hindi nila alam na ako si Tatiana Benavidez.
Unlike my brother, who is the mafia boss and the head of the family, I am not someone who is exactly essential to the family. Kung mawala ako, wala naman masyadong mangyayari sa organisasyon. So, I don’t really need a bodyguard.
Bago ako umalis ng lugar na iyon, tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ko kaagad ang pangalan ng pinsan ko.
“Briana,” I greeted her.
“My goodness, ang init ng panahon ay nilalamig ako sa boses mo. Wala man lang buhay, ‘te? Hindi ka masayang tumawag ako?”
Inilayo ko ang cellphone sa may tainga ko dahil sumasakit ito sa lakas ng boses ni Briana.
“What do you want?”
She groaned. Alam niya na wala siyang mapapala sa akin kahit anong drama ang sabihin niya.
“Let’s meet. Naandito si Maxine. Minsan lang magparamdam ang bruha. Magkita-kita naman tayo. Also, bago ako umalis ng Manila.”
Hindi man ako approachable, may mga taong nakakasundo pa naman ako. Briana Benavidez and Maxine Montecalvo are my second cousins, at kahit iba’t iba kami ng ugali, nagkakasundo naman kami. I can tolerate Briana’s loud voice and Maxine superiority complex. In exchange, they can tolerate my cold personality.
Briana texted me the place where we’re going to meet. Mabilis akong pumunta roon.
Madalang kaming magkita-kita. Maxine stays in Italy and she rarely go here, si Briana naman ay nasa isang isla, habang ako ay abala rin pagpunta sa iba’t ibang bansa.
“Tati!” Tumalon si Briana sa akin at niyakap ako. I automatically rolled my eyes because I am not too fond of any sign of affection.
Tinawanan ako ni Briana nang makita niya ang naging reaksyon ko.
“Napakaarte mo! Wala ka man lang ka-sweet-sweet sa katawan.”
Naupo na kami sa silya at katabi ko si Maxine. Tiningnan lang ako ni Maxine at pinag-aralan ang mukha ko.
“You seem different,” sabi ni Maxine sa akin matapos niya akong pagmasdan.
“What?”
Pinaningkitan ako ng tingin ni Maxine at mayamaya pa ay ngumisi rin.
“You’re glowing.”
Hinawakn niya ang pulso ko at itinaas ang braso ko.
“Look at your skin!”
Binitawan ako ni Maxine at humalukipkip. Para bang may iniisip siya pero isinantabi niya iyon.
“If I didn’t know any better, iisipin ko na buntis ka.”
Tumawa si Maxine. Tiningnan siya ni Briana bago rin matawa ito. Umiling sila sa sarili.
“Para namang imposible iyan. Si Tatiana? Eh halos bugawin niya na parang langaw ang mga lalaki. Ilang marriage proposals na ba ang tinanggihan niya?
Hindi na lang ako nagsalita.
I ordered fresh fruit juice habang ang mga kasama ko ay wine. Sinabi ko na lamang na hindi ko gustong uminom ng wine ngayon.
Panay ang pagbibigay ni Maxine sa akin ng makahulugang tingin, and even though she might have an idea of what’s going on, I will not give her the answer. Bahala siyang mag-isip.
Umuwi ako sa bahay matapos kong makasama ang mga pinsan ko. I am not really the most sociable person, kaya’t hangga’t maaari, mas gusto ko na magkulong na lamang sa kuwarto ko.
I don’t have anything to do. No missions for me at the moment and I can manage our company even though I am not present personally. Hindi ko lang talaga gustong makihalubilo. Kung tutuusin, even when I was a kid, mas makakausap mo pa si Zeke kaysa sa akin. Iyon nga lamang, kapag nakikita niya na nagtatago ako sa isang sulok, mas pipiliin ng kakambal ko na puntahan ako kaysa ang makihalubilo sa mga pinsan.
So, why did he leave me now?
I sounded like someone who has a brother complex, I don’t. Inaasahan ko lang na kaming dalawa lang ni Zeke ang nagkakaintindihan kaya ngayong malayo siya sa akin, pakiramdam ko ay wala nang ibang makakaintindi pa sa akin.
I shook my head. I shouldn’t think of the past. Hindi rin ako laging nakaasa na kapag kailangan ko ang kakambal ko, parati siyang naandiyan. We’re walking on two different paths now.
“Tatiana, is that you, sweetie?”
Napatigil ako sa paglalakad ko. Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mommy. Napangiti ito nang makumpirma niyang naandito nga ako.
“Mom,” pagbati ko sa ina. Lumapit ako sa kanya at inalalayan siya. I heard from the servants that she’s not doing well—her legs, that is.
When we were kids, my mom got into an accident, and we almost lost her.
It was my fault.
Parati man na sinasabi nina Dad at Zeke na hindi ko kasalanan, I just know that it was all my fault.
“Why are you walking without your nurse? Baka kung mapaano ka, Mom.” Inalalayan ko siya hanggang makaupo sa sofa.
“I can still walk. Nanakit lang ang legs ko kapag matagal na nakatayo at naglalakad but I can manage.” Ngumiti si Mommy sa akin. “I am just happy to see you. Kailan ka pa nakabalik?”
“Yesterday.”
Nanlaki ang mga mata ni Mommy sa sinabi ko. “Yesterday? Ang you didn’t find the time to visit your mother?”
Nang sabihin ni Mommy iyon, gusto ko na lang umalis. Sa pamilya ko, si Mommy lang ang expressive at marunong ng salitang emosyon. From my father down to me and Zeke, pare-pareho kaming kinulang nito. Well, right now, I am the most defective.
Naupo rin ako sa tabi ni Mommy. Itinaas ko ang binti niya sa aking hita at hinilot ko iyon. There are some scars here. Kung hindi mo titingnan nang mabuti, hindi mo mapapansin. And those scars reminded me that it was all my fault.
I clenched my jaw, not giving any hint of emotions to my mother.
“You don’t have to do that, anak,” sabi ni Mommy sa akin. “I’m fine.”
Hindi ako nagsalita. Mommy may say that she’s fine, but I know she’s not. Kung hindi dahil sa akin, hindi siya maaaksidente. Kung sana ay hinayaan niya na lang ako noon.
Habang abala ako sa paghilot ng binti ni Mommy, so her muscles and nerves will relax, hinawakan niya ang kamay ko.
Napatingin ako kay Mommy, and she gave me yet another warm smile.
“What’s wrong, Tati?”
Umigting muli ang panga ko dahil sa pagtatanong niya.
“Nothing,” tipid kong sagot.
Ang ngiti ni Mommy ay nadungisan ng lungkot. “I know something’s bothering you. Anak kita, kaya alam ko kapag may iniisip ka o malungkot ka. I hope there’ll be a time you let me enter your life, Tatiana.”
Kumunot ang noo ko. “Okay lang ako, Mom. Nothing’s bothering me. Ganito naman po talaga lagi ang ekspresyon ko.”
I know my mother isn’t buying that. Nababasa niya ako kahit ayokong ipabasa ang pagkatao ko sa kanya.
Kung mailuluwal ko nang maayos ang batang nasa sinapupunan ko, will I be able to be a great mother like my mom? I am not sure.
Nang dumating ang nurse ni Mommy, nagpasiya na akong umalis. Sinabi ko na lang na may gagawin pa ako.
Papaakyat na ako sa hagdanan nang makasalubong ko si Dad. Nanlaki ang mga mata ko, hindi inaasahan na makita siya. Subalit mabilis kong itinago ang pagkagulat ko. I schooled my emotion and wear my usual grim and cold expression.
“Tati, you’re here. I heard you arrived yesterday pero hindi kita nakita.”
Atty. Zavian Magnus Benavidez is the name of my father. He was the brain of our organization when he was still in his prime and before my brother succeeded it.
“Dad…” Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Kung may isang tao man na kayang-kaya kaming basahing magkapatid, si Dad iyon. Even my mother has her limits. “Yes, yesterday. Hindi na po ako nakapagpakita sa inyo dahil naging abala ako.”
Lumapit ako kay Dad at hinalikan siya sa pisngi. Iniiwasan ko na tumingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko ay tinitingnan ko ang sariling mata. Isa pa, ayokong pati siya ay magtanong sa akin kung may problema ako.
“Magpapahinga na po ako.”
Nalagpasan ko na si Dad nang muli niya akong tawagin.
“Tatiana…” Nilingon ko ang aking ama, who looks so much just like us. “I’m glad you’re here. I hope you’ll stay a little longer this time.”
May kakaiba akong naramdaman matapos kong marinig ang mga salitang iyon sa aking ama. Para akong gulat na gulat makatanggap ng ganoon mula sa kanya.
Napahawak ako sa dibdib ko. “It feels warm.”
Suminghap ako at umalis na roon para pumasok sa kuwarto ko. Too bad, I can’t stay any longer.
Nag-ayos ako ng gamit ko dahil aalis ako papunta Puerto Rivas.
Matapos kong ayusin sa maletang dadalhin ko ang aking mga gamit, humarap naman ako sa laptop ko. Ginawa ko ang trabaho at balak kong tapusin ang mahahalagang kailangan dito.
I was busy doing all my works when I suddenly open a file na hindi ko inaasahang mapapasama sa mga emails na ipinadala sa akin ng opisina ni Zeke.
Schedule niya ito sa nagdaang taon. Not that I am stalking my own brother, but I found something that pique my interest.
Puerto Rivas.
Bakit pumupunta ang kapatid ko sa Puerto Rivas?
Wala rito ang detalye kaya agad kong tinawagan ang sekretarya ko. Magaling kumuha ng impormasyon ito kaya’t siya talaga ang inilagay ko sa posisyong ito.
“Miss Tatiana…”
“Margaret, can you look for any information kung bakit pumupunta ang kapatid ko sa Puerto Rivas? I want to know if he was visiting someone or purely business.”
Naghintay lang ako sandali at mayamaya lamang nga ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa aking sekretarya. Siguro ay nakausap niya ang sekretarya ng kapatid ko at dahil ako naman ang nagpapatanong ay ibinigay nito rito.
Binuksan ko ang email at napataas ang noo ko sa nasaksihan
My brother is meeting Chaos Van Aalsburg whenever he went to Puerto Rivas. Anong dahilan at nag-uusap sila? Magkakilala silang dalawa ng kapatid ko, but I never met him.
Lalo lamang akong na-curious kung sino ang Chaos Van Aalsburg na iyon. Bukod pa roon, I can’t help but imagine how my brother will react that there’s a possibility that this man is my baby’s father.
Hindi pa ako sigurado kung siya nga ang ama ng anak ko. All I have right now is his business card. Hindi ko nga maalala ang mukha ng naka-one-night stand ko. So, I need to confirm it.
Natulog ako nang gabing iyon at kinabukasan ay walang sinayang na oras at nagpunta sa Puerto Rivas.
My mother was sad na aalis ako, pero sinabi ko sa kanya na sandali lang akong mawawala. Pagkatapos nito, magbabakasyon ako nang matagal para makasama sila.
Habang nasa byahe papunta Puerto Rivas, iniisip ko kung paano ko makakausap si Chaos Van Aalsburg. Maybe I should use my brother’s name, tutal ay lagi naman silang nagkakausap.
Nag-check in ako sa isang hotel at doon ko muna iniwan ang mga gamit ko. Hindi naman sobrang dami nito dahil ilang araw lang naman siguro ako rito or maybe isang araw lang.
Hindi ako nagsayang ng oras, pagka-check in ko sa hotel ay umalis na ako roon upang magtungo sa kompanya ng mga Van Aalsburg.
Pagdating ko sa kompany ng V.A Airways, nagpunta ako ng front desk. They asked me if I have an appointment.
“I don’t, but can you please tell them that a representative of Tatius Zechariah Benavidez is here? This is urgent.”
Nang marinig nila ang apelyidong Benavidez, agad silang tumawag sa sekretarya ng kanilang boss.
The company is huge. Hindi na ako magtataka na isa pala sa pinakamagandang airlines ang V.A Airways. Sadyang hindi lang ako nagbo-book ng flight dito.
“You can now enter, Miss. 15th floor po.”
Tumango ako sa kanila at pumasok na sa loob. Binigyan din nila ako ng visitor’s pass pero hindi na kinuha ang ID ko.
May sumalubong sa akin sa 15th floor at sinabi na may meeting lamang si Chaos Van Aalsburg kaya’t kailangan ko pang maghintay ng ilang sandali.
“It’s okay, I don’t mind.”
Naupo ako sa waiting lounge. Binigyan ako ng maiinom at makakain but I didn’t touch them.
“Miss, pwede na po kayong pumasok.”
Tumayo ako at sumunod sa babae. Dinala ako nito papasok sa isang malaking opisina na sa tingin ko ay pagmamay-ari ni Chaos Van Aalsburg.
Pagpasok ko, nakatalikod pa ito. May kausap siya sa telepono kaya’t hindi pa ako napapansin. Nakita ko sa plate niya ang pangalan niya at posisyon dito.
Chaos Van Aalsburg, CEO.
Nang matapos ang pakikipag-usap niya sa telepono, lumapit na sa kanya ang kanyang sekretarya at sinabi ang tungkol sa akin.
“Benavidez, huh?”
Dahan-dahan siyang humarap at nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko si Chaos Van Aalsburg.
What the f**k?
“Russell?!”
Kagaya ko, halatang nagulat din si Russell. “Miss Tatiana?”
Tiningnan ko ulit ang plate kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. There’s no way! How is it possible that Russell, my brother’s ex bodyguard, is the same Chaos Van Aalsburg I was looking for?
Ibig bang sabihin, my brother’s ex-bodyguard got me pregnant?!