Tatiana WALA akong nasabi kay Chaos matapos niyang umamin sa akin. Sinasabi niya ba talaga na gusto niya ako? Ginusto niya ang isang katulad ko? How is that possible? I am not likable, heck, I am hard to f*****g love. Kaya paano akong nagawang gustuhin ni Chaos? Pumungay ang mga mata niya, na akala mo ay kinukumbinsi niya ako na totoo ang sinasabi niya, and that I have nothing to doubt him. “I like you so much, Tatiana.” Umawang ang aking labi. I am contemplating whether to talk or just…keep quiet. Huminga ako nang malalim at sa huli ay naisipan ko na magsalita. Sanay naman ako sa confession. Marami ring nagsasabi sa akin na gusto nila ako, pero alam ko na napwersa lamang silang sabihin iyon sa akin, dahil sa mga rason nila. Maaaring iyon ang way nila upang makuha ang loob ko dahil