Tatiana ILANG ARAW na akong walang maayos na tulog dahil ginugulo ni Chaos ang isipan ko. Simula nang gabi ng party ni Dmitry, hindi ako mapalagay sa tuwing nakikita si Chaos. Good thing, I’m good at pretending. Kapag nakakaharap ko si Chaos, nagagawa kong magpanggap na balewala siya sa akin at walang nagbabago sa malamig kong pakikitungo sa kanya, kahit ang totoo ay gusto kong umalis sa harapan niya. I can’t help but to remember how he looked at me when I told him I want to go home that night, na akala mo ay walang ibang mahalaga sa kanya kung hindi ang mga sasabihin ko o ang gusto ko. My heart that I thought no longer existing inside me is now functioning. Simula nang mapadpad ako rito sa Puerto Rivas, parati kong nararamdaman ang pagbilis ng t***k nito at nangyayari iyon kapag invol