Tatiana PINAKIRAMDAMAN ko ang aking sarili kung masusuka ako bago ako bumangon sa kama. Mukha namang nakikisama ang bata sa sinapupunan ko at hindi ako pinapahirapan ngayong araw. Ilang araw simula nang lumabas ako papunta ng mall, ilang araw na hindi ko rin masyadong nakikita o nakakausap si Chaos. Kapag may pinapasabi siya, si Elin ang naghahatid sa akin. Ngayon nga ay mag-isa na naman akong kumakain. “Nasaan si Chaos?” Inaasikaso pa rin ako nina Elin at hindi nila ako pinababayaan. Dumating ang doktor na ipinakilala sa akin ni Chaos kahapon para i-check ang pagbubuntis ko. Ang sabi niya ay maganda raw ang development ng anak ko. Anak ko. That sounded so foreign to me. “Sa pagkakaalam ko po ay may itatayong bagong business sina Sir Chaos, Miss. Nasa site po ata siya ng nasabing bu