SIMULA

2584 Words
“EVERYONE in their position?” I whispered on my earpiece. I am looking at all the monitor screens in front of me, which will show me any movements of our enemies. May nakita akong paggalaw. Mabilis akong nag-utos. “Ready.” Naghanda ang walong tauhan ko na nasa loob ng warehouse kung saan i-a-ambush namin ang mga kalaban. “Ready, Miss.” May ilang button akong pinindot as I talked to my earpiece. “Attack.” Sunod-sunod na putok ng baril ang aking narinig sa earpiece ko habang pinapanood ko naman kung paano ubusin ng aking mga tauhan ang mga kalaban. “Miss Tatiana…” Nagsalita si Xiana sa earpiece. “We got the item.” “Good.” I clicked my earpiece para makausap ko pa ang isang tauhan ko. “On your side, Gladerious?” “Clear!” Nakahinga ako nang malalim. Pinabalik ko na sila upang makaalis na kami rito. Ibinigay sa akin nina Xiana ang items na na-retrieve namin. I heard someone was stealing important items in the organization, and I am here to get them back. I have two squads—all girls. The Femme Fatale and the Wildflowers squad. Please, don’t judge me with their names. I wasn’t the one who named them. Wala akong oras na magbigay ng panagalan sa grupo na hawak ko kaya’t hinayaan ko sila. If only I knew na pahihirapan nila ako sa pagbigkas ng pangalan nila, ako na ang nag-isip. But, oh well. Kinausap ko sila at sinabi na may panibagong mission akong ibibigay sa kanila. Nakinig naman sila sa akin. Habang ipinapaliwanag ang detalye, napahawak ako sa aking ulo. Bahagya akong nakaramdam ng lula at pananakit ng ulo. Why do I feel nauseous out of nowhere? “Miss, okay lang po ba kayo?” tanong ni Haissem sa akin, parte siya ng Femme Fatale. “Yes…” Even though I am not. “Masakit na naman ang ulo mo, Miss?” tanong ni Vevernum. “Napapansin ko na madalas sumakit ang ulo mo ngayon, Miss,” saad naman ni Orchids. “I’m fine.” Nilapitan ako ni Xiana at binigyan ng tubig. I accepted it but didn’t drink it. Even though these people are close to me dahil matatagal na kaming magkakasama, I don’t show any weakness in front of them. “Hala, baka naman buntis si Miss Tati!” Masama kong tiningnan si Gloriosalily dahil sa sinabi niya. Napatakip siya sa kanyang bibig na akala mo ay dinadramahan pa ako. This is annoying. “Ha? Paano naman mangyayari iyon?” Tumawa si Gladerious. “Baka nga mas makapal pa ang sapot sa kipay ni Miss Tati kaysa sa sapot sa bahay natin.” Malakas silang nagtawanan pero napatigil din namang makita nilang masama akong nakatingin sa kanila. “Joke lang po! Gaga, baka ibitin tayo ni Miss mamaya!” My squads are rowdy. Kung paano ko sila natitiis ay isang malaking misteryo rin sa akin. “True! Paano magiging buntis si Miss Tati? Tinatakot niya nga ang mga lalaking lalapit sa kanya.” Kagaya ng ginawa ko sa kabilang grupo, masama ko ring tiningnan sina Xiana. But that’s the truth. Mailap ako sa lalaki, hindi dahil takot ako sa kanila. I just find them…infuriating. Don’t get me wrong. I am not a man-hater. I have cousins and a twin brother who are male, hindi naman ako mailap sa kanila. It’s just that I find other male species annoying as they use their heads down there rather than their f*****g brains. Ayokong makipag-usap sa kanila and engaged with their shallowness. I dismissed my squads after that at bumalik na rin ako sa bahay. Papasok na ako sa bahay at hinihilot ko pa rin ang aking ulo. Bakit hindi pa rin nawawala ang sakit nito? Binati ako ng mga kasambahay subalit hindi ako nagsalita. Napatigil lamang ako sa paglalakad ko when I saw my twin brother. “Tati,” pagbati niya sa akin. “Zeke.” Naalala ko na kakagaling lamang namin sa pagtatalong dalawa. Naayos na naman namin ito at okay na ulit ang relasyon naming magkapatid. That was the first time na nasaktan ako dahil sa sinabi ni Zeke sa akin. “I just visited Mom and Dad. How’s the mission?” “Fine,” sagot ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa ulo ko upang hindi mapansin ni Zeke iyon. Baka magtanong pa siya kung masama ba ang pakiramdam ko. Zeke was just like me—a heartless human being. Well, not in the literal sense. We used to understand each other at sapat na sa amin na kaming dalawa lamang ang mayroon kami. But after he got married, nagbago na siya. Sometimes, I can’t even recognize my brother. It feels so alone here, Zeke. “Are you going home?” tanong ko sa kapatid. “Yeah, my wife needs me. Kakalabas niya lang ng ospital and she’s pregnant. Why?” Tinitigan ko si Zeke but I ended up shaking my head. Akala ko may oras pa kaming makapag-usap pero mukhang wala na. “Also, I need to have a send-off party for one of my bodyguards.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong aalis? “Who?” “Russell. He’s resigning.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. That noisy fellow? Sa lahat ng tauhan ng kapatid ko, si Russell ang hindi ko makayanang makasama. Why, you asked? That man is so noisy that my eardrums are going to burst. He’s resigning, huh? “I see. But I don’t have time for that. Isa pa, hindi naman ako close sa kahit sino sa kanila.” Tipid na ngumiti si Zeke sa akin. Napasimangot ako dahil sa pagngiti niya. “But Russell took good care of you in the past, remember?” I do. My brother, before he got married, was overprotective of me. Kapag umaalis siya, iniiwan niya sa akin ang isang tauhan niya para raw protektahan ako in his stead. Parati niyang iniiwan sa akin ay si Russell. “Sige na. Baka hinahanap ka na ng asawa mo. Magpapahinga na rin ako.” Lumapit si Zeke sa akin at hinalikan ang ulo ko. “Take some rest, Tati. You look pale. Baka magkasakit ka.” Tumango lang ako at pinanood siyang umalis. Nang makaalis ang kapatid ko ay naglakad ako papasok sa kuwarto ko. Dumiretso ako sa loob ng banyo at agad na nagsuka. Hindi ko alam kung bakit tila bumaliktad ang sikmura ko. Nang matapos ako, napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ko maintiindihan kung anong nangyayari sa akin. Naalala ko kung anong sinabi sa akin ng mga tauhan ko. They jokingly said that I may be pregnant. That’s impossible. Binalikan ko ang mga nangyari at habang ginagawa ko iyon, I run to the nearest pharmacy to buy a pregnancy test kit. Wala namang mawawala sa akin if I tried to test myself. Umuwi ako at ginamit ang pregnancy test kit. Hinihintay ko iyon at panay pa rin ang pag-iisip ko kung paano ako mabubuntis ganoong… Nanlaki ang aking mga mata. It was vague but I remember it. Kinuha ko ang test kita at napasinghap nang makita ang resulta nito. Two lines. I am pregnant. Napahawak ako sa tiyan ko at pinagmasdan iyon. There’s a baby growing inside of my womb. Hindi ako naniniwala. Ginamit ko ang natitirang test kit. Umaasa ako na ang una ay maling resulta lamang, but they all have two lines. I am pregnant. Ipinikit ko ang aking mga mata as I take down memory lane. How could I let this happen? It was just one night. One night, and it resulted in this. While I am absorbing the news that I am pregnant, hindi ko mapigilan ang sarili na balikan ang nangyari sa akin nang gabing nabuo ang batang nasa loob ngayon ng sinapupunan ko. Nagtalo kami ng kapatid ko. Hindi ito iyong normal na pag-aaway naming dalawa, because this time, he said words na hindi ko matanggap. He said words that wounded my non-existent heart. Hindi man ako sanay na makaramdam ng sakit, pero nasaktan ako sa mga sinabing salita ng aking kakambal. Nasa ospital kami nang mga oras na iyon at tumakbo ako papalabas ng ospital upang lumayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong dapat kong gawin. How dare he told me those words? Alam ko na ang tingin sa akin ng ibang tao ay walang puso at hindi marunong makaramdam ng emosyon, but hearing those kind of words from my twin brother, whom I thought understand me the most, hurt me so bad. “Miss Tatiana!” May humawak sa aking kamay at hinila ako. Roon ko napagtanto na muntikan na akong masagasaan ng isang kotse. Hindi ko napansin na nasa kalsada na ako. Ngayon lang ako umiyak. Sa tagal na ikinulong ko ang emosyon ko, hindi ko akalain na ang kakambal ko lamang pala ang makakapagpaiyak sa akin ng ganito. Tiningnan ko ang humawak sa akin at nakita ko ang isang tauhan ng kapatid ko. Russell. Halata sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa akin. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Pinawi ko ang mga luha sa aking pisngi. He can’t see me like this. Hindi ako kailanman umiyak sa harapan ng kahit kanino. “Are you—” “You don’t see anything.” Nang masigurado ko na maayos na ulit ang mukha ko ay malamig kong tiningnan si Russell. “Understood?” Napakamot siya sa batok niya pero tumango rin sa akin. Umalis ako sa lugar na iyon pero nararamdaman ko ang pagsunod ni Russell sa akin. I don’t like him. Sa lahat ng tauhan ng kapatid ko, it’s Russell who annoys me so much. Bukod sa maingay siya, may iba akong nararamdaman sa kanya. Sa lahat ng tauhan ng kapatid ko, siya itong parating wala sa bahay. Ang sabi ni Zeke, madalas niyang ipadala si Russell sa ibang lugar. But I am not buying that excuse. They are hiding something. Not that I care. “Stop following me!” Matalim kong tiningnan si Russell. Sa lahat din ng tauhan ng kapatid ko, si Russell lamang itong may kakayahan na magpalabas ng nararamdaman kong inis sa kanya. Usually, I am oddly calm and cold…distant even. Pero ngayon, nagtataas ako ng boses nang dahil sa pagsunod niya sa akin, or maybe my emotions are in erratic state right now dahil sa pagtatalo namin ng kakambal ko. Yeah, right. That’s the reason. “I can’t do that. Kapag nalaman ng kapatid mo na pinabayaan kita, gugulong ang ulo ko sa sahig.” He dramatically puts his hand on his head. “Kawawa naman si Boss. Ako na nga lang ang gwapo sa mga tauhan niya, mawawala pa ako, hindi ba—” Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi niya at naglakad papaalis. I don’t have time listening to his nonsense. Iniligaw ko si Russell at nang makawala sa kanya, agad akong sumakay sa kotse ko at umalis sa lugar na iyon. I am not someone who goes to bars alone. But right now, I feel like drinking. Pumarada ako sa isang bar at pumasok sa loob. Naupo ako sa bar stool at nag-order sa bartender. Sa mga nagdaang oras, mag-isa lamang ako roon na umiinom. Sa tuwing naalala ko ang matatalim na salita ng kapatid ko, hindi ko mapigilan na lunurin ang sarili sa alak. Inilapag ko ang baso sa bar counter. Nakakaramdam na ako ng hilo. How many glasses of liquor did I consume? Umiikot na ang aking paningin. Ngayon lang ako uminom ng hindi ko kontrolado. Tinangka kong tumayo pero hindi ko magawa. Nalulula ako at kung tatayo ako ay babagsak lamang ako sa sahig. “Careful…” May humawak sa baywang ko at iniupo muli ako sa kinauupuan ko kanina. My vision is blurry. Hindi ko na nakilala ang lalaking tumulong sa akin. Damn, I don’t like this. I don’t need help, especially because of the stupid reason I am drunk. Hindi ko gaanong maaninag ang lalaki. Do I know him? He looks familiar yet I don’t quite know. “Here, Miss. Have some water.” May inabot siya sa aking baso ng tubig. Ininom ko iyon dahil nararamdaman ko ang matinding panunuyot ng aking lalamunan. The guy accompanied me. He never leaves my side. Hindi ko na nga namamalayan na sinasabi ko na pala sa kanya ang dahilan ng paglalasing ko. “I never expected to hear those cruel words from my brother!” Nakakuyom ang aking kamay dahil sa galit at lungkot na nararamdaman ko sa nangyari sa aming dalawa ng kapatid ko. Lumapit sa akin ang lalaki at niyakap ako ikinagulat ko iyon dahil kailanman ay hindi ko naranasan na mayakap ng ganito. Nanginig ang labi ko. No, I refuse to cry. A warrior never cries. You are a warrior, Tatiana. But the hug feels so good. Naghiwalay kaming dalawa sa yakap and the next thing I know, inilalapit ko na ang labi ko sa kanya. What happened between me and that guy is ambiguous. Basta ang alam ko, nagising ako kinaumagahan na may dugo ang aking hita, tanda ng nangyari sa aming dalawa. Habang naglilinis ng katawan, I saw a business card on the floor. I think he left it. Nang matauhan ako matapos kong alalahanin ang mga pangyayaring iyon, mabilis akong pumunta sa kuwarto ko. I remember picking up the business card and hiding it somewhere. Nakita ko ang business card at binasa kung kanino iyon. Nang makuha ko kasi ito noon, itinago ko lamang at hindi binigyang atensyon. Sinabi ko sa sarili na baka kailanganin ko lang, even though I was confident that whatever happened between us was just nothing but a one-night stand. Ipinikit ko ang aking mga mata. Piniilit kong kalimutan ang pangyayaring iyon dahil hindi ako iyong tipo ng tao na nakikipag-one-night stand. Hell, I refused many marriage proposals dahil pakiramdam ko ay hindi naman ako karapat-dapat na maging asawa. I am no wife material. So, why me? Bakit ako buntis ngayon? Chaos Raziel Van Aalsburg Chief of Executive, Van Aalsburg Airways There’s a telephone number and email address. May address din na nakalagay rito. “Puerto Rivas, huh?” I heard about this airline but I never booked a flight using them. Hindi ko lang din alam. Huminga ako nang malalim. Is that him? Is this the man I had a one-night stand with? Wala akong masyadong matandaan dulot ng kalasingan ko nang mga oras na iyon, but I am sure, it was one steamy night. Napakagat ako sa aking labi. Umiling ako. I shouldn’t think about those thoughts. If I am really pregnant, it’s just normal to let the father know. After all, hindi naman mabubuo nang mag-isa ang bata. Before that, kailangan kong magpatingin sa doktor. No, hindi ako umaasa na pananagutan ako. I can manage this parenthood alone. Ang gusto ko lang ay ipaalam sa nakatalik ko nang sa ganoon ay aware siya na nagkabunga ang ginawa namin. Kung tatanggapin niya o hindi, it’s up to him. Also, I don’t plan to marry. Hindi niya kailangang mabahala o maobliga. Hindi ko siya itatali sa akin nang dahil may nabuo kaming bata. And no, my family will not know this. Hindi ko muna ipapaalam sa kanila. Inayos ko ang gamit ko and I called someone for my pregnancy examination. Kailangan kong magdala ng patunay na buntis ako bago ko harapin ang maaaring ama ng anak ko. I will meet you soon, Chaos Van Aalsburg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD