Galaxy's POV: "Yes shopping! I want more Tito Nitron!" masayang sigaw ni Chantal. Nandito na kami sa mall at namimili ng kung ano-ano. Si Chantal ang may pinakamaraming bitbit at hindi lang iyon, napakamamahal pa ng binibili niya! Na-spoiled siya nila Neon at Kelly. Dapat pa rin ay may disiplina sa pamimili si Chantal. Masyado na siyang maraming binibili na hindi kailangan. Napansin ko namang masama na ang timpla ni Nitron kaya mahina akong napatawa. Ang cute niya pa ring tingnan kahit inis. He is already pissed off pero hinahayaan niya lang si Chantal. Masaya naman kasi si Chantal sa ginagawa niya but she still need to know how to handle money. Lumapit ako kay Nitron at nagtip toe para bumulong. Inilapit naman niya ang kaniyang tenga sa akin para maabot ko siya. Ang laki kasi ni Ni