Galaxy's POV: Lumipas ang mga araw at mas naging close kami ni Nitron. Balik trabaho na rin kami, syempre. Hindi naman namin pwedeng pabayaan ang trabaho lalo na at importanteng mga papeles ang inaasikaso niya. Ganoon din akong tutumutulong sa kaniya sa trabaho. Minsan ay pareho kaming tambak. Mag-isa na naman ako rito sa aking maliit na opisina at nagtatatak ng date sa mga files. Ilang tambak pa ang lalagyan ko at talagang inaantok na ako. Pero ayos lang din naman, madali lang naman kasi ang trabaho kong ito. Magagaang bagay lang pero malaki na rin ang sweldo kumpara sa minimum wage. Gusto ko na sanang magpahinga kaso marami pa akong gagawin. Hindi ko naman pwedeng pabayaan na lamang ito basta. Kailangan kong magkaroon ng disiplina sa pagtatrabaho. Bawal ang papetiks-petiks lang kahit