Galaxy's POV:
Niyaya nila ako para kumain na naman sa isang restaurant. Nagtubig na lamang ako dahil busog na ako kanina pa. May libre din ditong tinapay at butter na tinira ko. Ang sarap ng butter nila, branded pa.
"Hindi ka na galit sa akin? How are you? Ang tagal mong nawala," tanong ni Kelly.
Napangiti naman ako at kinindatan siya. Kita ko ang paghanga ni Kelly. Maayos na ako ngayon, never been this good.
"Hindi na, I learned a lot noong nasa asylum pa ako. Doon na rin ako gumaling at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Marami ako roong natutunan na even though may sakit kaming lahat sa pag-iisip, they give hella out of the world advices," nakangiti kong sabi.
"Like what?" tanong ni Neon.
"Gumamit ng sinulid sa tingang hindi masungkit. Mas tipid," sabi ko at kumindat.
Tumawa naman sila pero poker face lamang itong si Nitron. Kahit noong minsan ko siyang nakikita sa asylum ay hindi niya ako pinapansin. Baka hindi na niya ako naaalala or wala lang talaga siyang pakialam.
"Staring is rude," sabi ni Nitron at sumimsim sa kaniyang tasa.
"O-Oh, I'm sorry. Nagtataka lang ako kung bakit parang you don't recognize me," tanong ko.
Napatikhim naman si Neon at Kelly. Wala si Chantal na anak nila at inaalagaan ng yaya. Inaanak ko pala ang batang iyon kahit hindi ako umattend ng binyag niya noon.
"It's fine. I had a selective anemisia few years ago from an accident. Karamihan sa nakalimutan ko ay mga taong saglit ko pa lang na nakikilala," sabi niya.
Oo nga naman, hindi nga pala kami close. Ngumiti na lang ako dahil nakaramdam ako ng medyo pagkapahiya.
"Pasensya na I come up with that topic–"
"No worries," putol niya sa akin.
Naging tahimik naman kaming lahat. Si Kelly ay napapansin kong sumusulyap-sulyap sa akin kaya tinawag ko na siya.
"Go on you can ask," sabi ko.
"Magaling ka na? Hindi ka na talaga galit sa akin? I just can't believe it. Kasama na kita ngayon. You are fine and as gorgeous as hell now, Galaxy. Para kang isang modelo," paghanga sa akin ni Kelly.
"I'm fine as hell, Kelly. Hindi na, wala ka rin namang kasalanan. Masyado lang ako noong nadadala ng emosyon. Maganda naman na talaga ako matagal na. Kakalabas ko nga lang kanina at napagdesisyunan kong mamili ng mga damit," pagkukwento ko kay Kelly.
May kinuha naman siya sa bag at may inilabas na papel. Kinuha ko naman iyon dahil inabot niya sa akin. Calling card pala ito at kulay pink pa. Ang cute naman.
"May salon ako, punta ka bukas at sasamahan kita. Free na lahat dahil matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat talaga Galaxy," nakangiting sabi ni Kelly.
"Ano ka ba! Ako dapat ang magpasalamat! Punta ako bukas ng umaga. See you there!" masaya ko namang tugon.
Nagpaalam na ako sa kanila. Nakakatuwang tignan si Kelly at Neon. Mabuti pa si Kelly at Neon ay may anak na. Ako NBSB pa rin hanggang ngayon.
"Wait, may dala ka bang kotse? Sabay na tayo sa parking lot," tanong ni Kelly.
"Ay wala, nagtaxi lang ako eh," sagot ko.
"Kuya, hatid mo na si Galaxy. Baka mapaano pa iyan sa daan. Una na kami ni Kelly," paalam ni Neon.
Tututol pa sana ako pero umalis na sila. Iminuwestra naman ni Nitron na sumunod ako sa kaniya kaya tahimik lamang akong naglakad.
Pinasakay niya ako sa loob ng BMW niya. Mangha naman akong umupo. Ang bango nito at kaamoy niya talaga ang kotse.
"Saan ka nakatira?" tanong niya.
"Sa Le Bilridge Hotel," sagot ko.
Tahimik lamang kami sa buong byahe. Nahihiya rin ako sa kaniya dahil hindi naman niya ako tanda. Mabuti na lamang at hindi niya naaalala ang kakirihan ko noong college towards him.
Nang dumating kami sa hotel ko ay tumigil ang sasakyan. Sinubukan ko namang tanggalin ang seatbelt pero ayaw.
"Uhm Nitron, can you help me–"
Pag-angat ko sa kaniya ng tingin ay nagsalubong ang aming labi. Nanlaki naman ang mata ko pero nanunuot sa aking sistema ang kakaibang sensasyon.
Itutulak ko na sana siya nang hapitin niya ang batok ko. Napalalim naman ang aking paghalik sa kaniya. Tumugon ako sa mga halik niya at hindi ko rin alam kung bakit.
Hinahingal na ako sa halikan naming dalawa nang may kumatok. Naitulak ko naman si Nitron at doon ko na narealize ang ginawa ko.
Ibinaba ni Nitron ang bintana at sinilip iyong lalaki. 'Yong guard pala ang kumatok sa bintana.
"Sir, park na lang po tayo. Medyo nakaharang po kasi sa daanan ng mga sasakyan," sabi nung guard.
Tumango naman si Nitron at nagmaneho na ulit. Nahihiya naman akong yumuko at pinunasan ang aking labi. Amoy mint ang hininga niya at napakalambot ng kaniyang labi. Aish, ano ba itong iniisip ko?
"Hey, are you okay? I'm sorry, hindi ko sinasadya. Nadala lang ako," pag-agaw ni Nitron sa atensyon ko.
"Wala i-iyon, kasalanan k-ko rin naman dahil t-tumugon ako. Sige baba n-na ako. Salamat sa p-paghatid," utal kong sabi.
Nauna na akong bumaba ng sasakyan sa kaniya. Pagtapak ko pa lang sa lupa ay napaluhod na ako. Grabe, nanlambot ang mga tuhod ko sa eksena namin. Siya ang first kiss ko!
Ramdam ko namang umangat ako sa lupa. Pagtingin ko sa bumuhat sa akin ay si Nitron pala ito. Itsurang bagong kasal pa ang buhat niya sa akin.
"I'm sorry, hayaan mong ihatid kita sa room mo. Saan ang kwarto mo?" nag-aalalang tanong nito.
Natitigan ko ang kaniyang berdeng pares ng mata kaya napaiwas ako ng tingin. Pinaglaruan ko naman ang mga daliri ko at doon inilaan ang paningin ko.
"Sa 14th floor ako Room N105," nahihiya kong sagot. Mabuti na lamang at hindi ako nautal.
Naglakad na siya at nakayuko lamang ako. Nang makasakay kami sa elevator ay nagpababa na ako sa kaniya.
"A-Ayos ka lang ba talaga? I'm sorry, nadala lang ako. Baka isipin mong manyakis ako or gustong magtake advantage. May parang nagtulak lang sa akin na gawin iyon dahil parang matagal na kitang kilala," paliwanag ni Nitron.
Doon na pumasok ang mga konklusyon sa isip ko. Alam ko namang hindi ganoong klase ng tao si Nitron kahit pa nagbago ito. Hindi kaya may gusto na siya sa akin dati kaya naaalala niya ang pakiramdam?
"Ayos lang, wala iyon. Nadala lang din ako. Maraming salamat sa paghatid mo sa akin," nakangiting sabi ko kay Nitron.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nagmamadali akong lumabas. Tumakbo ako at agad na binuksan ang pinto ng aking condo.
Umupo naman ako sa couch at napatitig sa kawalan. Ano ba ang pumasok sa isip ko? Hindi ko siya boyfriend. Alam ko naman kung bakit ako nagkakaganito kay Nitron. Kahit matagal na ang nakalipas at dahil madalas ko rin siyang nakikita noon sa asylum, naging crush ko na siya. Aish, para akong bata!
Naghubad ako ng damit at pumasok na sa banyo. Naghalf bath ako para presko sa pagtulog mamaya.
Nang pumunta ako sa walk-in closet ay roon na ako napakagat labi. Naiwan ko pala sa likod ng kotse ni Nitron ang mga pinamili ko! Ang tanga mo, Galaxy!
–
"Kelly naman sumagot ka," nakanguso kong bulong.
Kanina pa ako rito sa labas ng mall at hinahanap ang salon niya. Nahihiya naman akong magtanong ulit dahil kanina ko pa hindi mahanap. Nakailang tanong na nga rin ako pero hindi ko matunton. Humina na yata ako ngayon sa mga direksyon.
Sumuko na ako sa pagtawag kay Kelly at humanap ng bench para umupo. Nakakita naman ako kaya nagpahinga ako saglit.
"Galaxy is that you?"
Narinig kong may pamilyar na baritonong boses ang tumawag sa akin kaya napaangat ako ng tingin. Nginitian ko naman si Nitron na papunta sa direksyon ko.
"Hi," bati ko.
"Uhm, papunta ako kay Kelly para sana dalhin itong mga naiwan mo kahapon sa kotse ko. Nabanggit ni Neon na magkikita kasi kayong dalawa," sabi niya.
"Ay, nakakahiya naman pasensya na sa abala ha. Papunta rin sana ako kay Kelly kaso hindi ko mahanap iyong daan papunta sa salon niya," nahihiya kong sabi.
Tumawa naman si Nitron at namewang. Walang kahirap-hirap niya lang bitbit ang mga paper bag kong napakarami.
Akmang kukunin ko ang paper bag sa kaniya pero hindi niya ito ibinigay. Siya na raw ang magbibitbit.
Sinamahan niya ako papunta sa salon ni Kelly. Kaya naman pala hindi ko makita dahil nasa pinakataas. Bago lang kasi ang mall na ito at hindi ko alam. Ilang taon din akong hindi nakalabas.
Pumasok kami sa salon at sinalubong kami ni Kelly. Kaya pala hindi ito sumasagot sa tawag dahil nagpapa manicure at pedicure.
"Oh, nandito na pala kayo! Kayong dalawa ha bakit kayo magkasama?" asar ni Kelly.
"Nagkita lang kami sa baba."
"Nakasalubong ko siya."
Sabay pa kaming nagsalita ni Nitron pero wala itong reaksyon. Si Kelly naman ay mapang-asar na nakatingin sa akin.
Ibinaba naman ni Nitron ang mga paper bag sa gilid. Tumikhim ito kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Ladies, alis na ako. May duty pa ako ngayon," paalam niya.
Magsasalita sana ako nang bigla na itong tumalikod. Napanguso na lamang ako. Suplado naman niya.
Pagharap ko kay Kelly ay nakangiti na ulit ako. Umupo ako sa tabi niya at may pumwesto naman sa gawi kong mga manikurista at pedikurista.
"Pagandahin niyo ang kaibigan ko. Kayo na ang bahala kung ano ang babagay sa kaniya," nakangiting sabi ni Kelly sa mga empleyado niya at kumindat.
Nakaramdam naman ako ng kaba kay Kelly. Bakit parang hindi maganda ang kutob ko? Pakiramdam ko imbis na beauty rest at pagpapaganda ay papagurin niya ako.
"Alam mo single si Nitron kaya dapat mahuli mo na ang puso niya ngayon. Panigurado namang mahuhulog kayo sa isa't isa! Doctor at nurse tandem!" kinikilig na sabi ni Kelly kaya nalaglag ang aking panga.
Kaya naman pala todo ang mapang-asar na tingin nito. Isiniship niya pa rin pala kaming dalawa!