6

1196 Words
SIMULA nung magkahawak kamay sila ni Frahisto nang gabing iyon, halos 'di siya dalawin ng antok nung matutulog na siya. Ang lakas ng impact ng lalaki sa kaniya at kinilig ang kaniyang puso. Kung 'di lang sana ito kasal sa iba, baka nagpapa-cute na siya sa lalaki. Mabuti na lang talaga at hindi ito namaligno, kundi iiyak talaga siya. Sayang kamo ang kagwapuhan nito kung maligno lang ang makikinabang at hindi siya. Sandali siyang napahagikhik sa naisip.  Tanghali na nang magising siya kinabukasan. Gahol siyang napatakbo papuntang kusina! Jusko naman kasi. Madaling araw na siyang nakatulog sa kaiisip ng gwapong mukha ni Frahisto isama pa ang hawak kamay chuchu nilang dalawa. Sinong 'di kikiligin niyan?  Pero nung maalala niyang hindi pa siya nakapulbo at lipstick, habang ang buhok niya ay sabog... Mabilis siyang bumalik sa kaniyang kwarto at nagsuklay ng mabilisan. Naglagay ng maraming-maraming pulbo at pulang lipstick sa labi. Napangiti siya nang makitang ang ganda niya talaga kahit saan siya tingnan sa salamin. Parang 'I woke up like this' ang ganda niya.  Ay si Tatang! Jusko.  Agad siyang tumakbo papalabas pero napatili siya nang muntik siyang mabawalan ng balanse. Kailan nagkaroon ng pader sa loob ng bahay nila?!  “Hey!”  “Ha?” Doon lang nag-sink in sa isip ni Odessa na si Frahisto ang nasa harapan niya at—— nakahawak sa kaniyang beywang para 'di siya tuluyang matumba. Kinilig ang atay niya sa gesture nito pero agad siyang lumayo. “S-sorry...” nagbaba siya ng tingin. Ang aga-aga, ang tanga niya na!  Narinig niya ang mahinang pagtawa nito kaya nagtaas siya ng tingin at takang tiningnan ito, “B-bakit?”  “What happened—— ibig kong sabihin, anong nangyari sa mukha mo?”  Agad niyang nasalat ang pisngi. May mali ba? Hindi ba baby powder ang kaniyang nalagay sa mukha? Napangiwi siya at akmang tatakbo pabalik sa kwarto nang hawakan nito ang kaniyang kamay. “Kakain na tayo.” “P-pero ano...” namumulang tinakpan niya ng isang kamay ang kaniyang pisngi. Naiiling itong tinanggal ang kaniyang kamay at ito mismo ang nagbawas ng pulbos sa kaniyang mukha. Para siyang tinunaw sa sobrang kahihiyan. “Masyadong maputi. Mukha kang patay. Pati lipstick mo, tabingi.” Bahagya nitong pinasadahan ng thumb finger nito ang gilid ng kaniyang labi para tanggalin ang exist na lipstick. “Tayo na...” Nauna na itong tumalikod matapos siyang tanggalan ng dignidad.  Gusto niyang magpalamon ng lupa nang mga sandaling iyon. Nagpapaganda na nga lang siya, palpak pa. Nahihiya tuloy siyang bumaba. Kung 'di pa siya tinawag ng kaniyang Itang, baka buong araw siyang magtatago sa kaniyang kwarto.  “Dalawang araw ho mula ngayon, babalik na ako sa Maynila.” Napatigil si Odessa sa pagkain ng masasarap na putaheng niluto ni Frahisto. Sarap-sarap siya at parang may handaan sa dami ng niluto ng lalaki pero kaya pala maraming luto kasi uuwi na ito. Napakagat labi siyang tumingin dito at pakiramdam niya, sumakit ang kaniyang inosenteng puso.  “Nagawa mo na ba Hijo ang pakay mo sa lugar na ito?”  Tumango ito at 'di man lang tumingin sa kaniya. Sa pagkain ang tingin nito at wala man lang itong pakiramdam na nawawan siya ng gana. “B-babalik ka na agad? B-bibisita ka ba ulit dito?” marahang tanong niya. Halos hindi na nga iyon lumabas sa kaniyang bibig.  “Hindi na.” Parang gusto niyang maiyak pero hindi siya nagpadala. Ngumiti lang siya bilang sagot at seryusong hinarap ang pagkain. Hindi na pala masarap ang niluto ng lalaki. Walang lasa lahat! Kulang sa asin at bitsen. Pwe!  Nakailang subo lang ang kaniyang ginawa at nagmamadali ng nagpaalam sa kaniyang Itang na magpunta sa batis para maglaba.  Malungkot siyang naglalabang mag-isa sa ilog. Iniisip niyang aalis na si Farhisto tapos mamimiss niya ito kahit alam niyang may asawa ang lalaki. Hay! Napabuntunghinga siya. Pinilit niyang 'wag itong isipin, dapat maglaba lang siya kundi tatambakin sila ng labahin.  “Odessa...”  Muntik siyang mapasigaw sa sobrang gulat nung lumitaw sa tabi niya si Frahisto. Halos hindi man lang niya napansin ang paglapit nito.  “Sorry, nagulat kita.” Hindi siya sumagot. Binalik niya ang kaniyang atensyon sa paglalaba. Bakit pa niya ito kakausapin, 'di ba? Eh, aalis din naman ito, mas mabuting 'di na sila mag-uusap at 'wag itong feeling close sa kaniya. Baka iiyak siya pag tuluyan na itong umalis.  Naramdaman niyang umalis ito sa kaniyang tabi at humakbang na papunta sa unahan. May batong nakaharang kaya napairap siya, mukhang maliligo yata ito sa malalim na banda ng batis. Habang siya, nagseryuso sa pagkuskus ng maruruming damit ng Itang niya. Naiinis siya sa kaniyang sarili, bakit ba kasi nagkagusto siya sa lalaki kahit alam niyang may asawa ito! Nakasimangot na pinagpapalo niya ang maruming damit sa bato. Umibig na yata siya... Umibig na ang pihikan niyang puso sa lalaking may asawa!  “Hoy babae!”  Napalingon siya sa tumawag ng kaniyang pangalan. Ang kaibigan niya itong si Tina, halos lumampas na sa teynga nito ang ngiti. Creepy! Pero gano'n pa rin, ningitian niya ang kaibigan at kumaway rito. Tulad niya, may crush din ito kay Frahisto pero nung malaman may asawa ang lalaki, na-disappoint. “Maglalaba ka?”  “Gaga! Alangan naman ug niadto ko dirig magkitkit ug lubi, siyempre maglaba. Buang ka!” Gaga ka! Alangan naman kung pumunta lang ako dito para magngatngat ng niyog, siyempre maglalaba! Buang ka!  Natawa siya sa walang prenong bibig nito, “Himala ah! Ganitong oras ka na naglaba.” Maarte naman siya nitong inirapan, “I know right?” Binaba nito ang dala-dalang batya na maraming labahin sa kaniyang tabi.  “Myra-e ka, dai?”  Sabay silang nagtawanan sa kaartehan nilang dalawa. Saglit niyang nakalimutan ang lalaking naliligo lang sa unahan, sa likod ng may malaking tipak na bato. Panay kwentuhan silang dalawa habang masayang naglalaba. Dahil madaldal sila pareho kapag nagkakasama kung anu-ano lang ang napapagkwentuhan nila.  “Kumusta naman ang cabbage mo?”  “Heto, matatayog pa rin. Gaga ka! Ikaw, kumusta ang pakwan mo?”  Natawa ito at hinampas siya. “Baliw! Ang laki naman masyado ng pakwan. Monggo lang yata 'tong dede ko.” napangiwi ito habang sinipat ang dibdib. “Buti pa 'yang sayo, ang laki. Palamas nga!” Bigla nitong pinisil ang kaniyang dibdib.  “Tina!” Humalakhak naman ito at sinabuyan siya ng tubig. Ang hilig talaga nitong mamisil ng dibdib! Kung mapipisil lang sana niya ang dibdib nito, aaray talaga ito.  “Pag magkakajowa ako, ipapalamas ko talaga 'to, Odessa para lumaki at maging pakwan!” natatawang dagdag nito na iningusan niya.  “Gaga ka! Babae tayo, 'wag mo ibaba dignidad mo sa lalaki. Dapat demure type tayo, gano'n! Dapat sa mapapangasawa natin ibibigay ang ating katawan. Huwag tayong maging liberated.” Inirapan naman siya nito at muling sinabuyan ng tubig galing sa batya nitong dala. “Oo na! Masusunod.” “Ang sa'kin lang Tina, 'wag ka basta-basta agad bubukaka ng legs mo. Magka-crush at umibig is okay pero ang magpaano, ay naku! Tandaan mo, walang mawawala sa lalaki. Sa babae, meron.” “Oo na! Hindi na ako bubukaka agad, slowly lang ang ganda k,” tumawa ulit ito, “Pero paano kapag kasinggwapo ni Frahisto ang bibiyak——”  Tumalim ang kaniyang tingin dito, “No exemption, Tina. Gwapo o hindi. Ikaw talaga, ang lantud mo!” Sinabuyan din niya ito ng tubig. Namumuro na siya sa babaeng ito, kanina pa siya binabasa.  “Ayuko pa maligo! Estap it, Goddess Elairon!” tili nito at pilit lumalayo.  Natawa siya nang sambitin nito ang buong pangalan niya. Siya 'yong Goddess na hindi bumagay sa kaniyang mukha. 'Di pangdyosa ang kaniyang kagandahan, pangbundok lang. Natigil lang sila sa harutan nilang dalawa nung makita na naman niya ang dalawang manliligaw niyang mukhang african hito. Nag-ikot sila ng tingin dalawa at binalik ang kanilang atensyon sa paglalaba.  “Hi Tina!”  “Odessa mahal ko, kumusta?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD