Malayo-layo sila nang nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napatakip siya ng teynga at mabibingi yata siya sa lakas ng impact. Bigla siyang naging manhid sa mga oras na iyon habang walang sawang pagpatak ang mga luha sa mata niya. Muntikan na naman siyang mamatay. Naririnig niya ang bawat sigawan at iyakan sa buong paligid. Naisip niya, ilan lang kaya sila ang nakaligtas? May na-trap ba sa loob ng barko? May namatay ba? Bakit nangyari 'to? Saka lang niya naramdaman ang kamay ni Frahisto na humaplos sa kaniyang pisngi. Eksaktong pagmulat niya ng mata, nagtama ang mata nila ng lalaki. Napakagat siya ng labi at pinigil ang sariling 'wag maiyak lalo. "Shhh... You are safe now." Marahan siyang tumango. Habang ang batang paslit ay umiiyak pa rin kaya lumapit siya rito at kinuha ang bata. "A-ak