Tahimik pa rin si Pirius habang nakahiga sa kama. Nakatalikod siya sa direksyon ko at hindi n'ya ako kinakausap na para bang hindi kami nagyakapan kanina. Napailing na lang ako sa inaasal n'ya. I hate him being stubborn like this... but why do I find him cute too? "Hey, are you still planning to ignore me? You really hurt me eight months ago. You made me cry a lot... tapos hindi mo naman ako kakausapin ngayon. Ikaw na nga itong naglihim sa akin tapos ayaw mo pa akong kausapin." Halatang natigilan siya sa sinabi ko pero tila pinipigil n'ya ang sarili na mag-react doon. Napangiti na lang ako dahil mukhang apektado naman siya sa mga sinasabi ko. Kinuha ko na lang ang upuan ko saka binitbit 'yon at nagtungo sa pwesto kung saan nakaharap si Pirius. Halatang natigilan siya nang umupo ako r