It seems like Pirius saw a ghost while he's staring at me. Saglit pa siyang napatitig sa akin na tila ba tinitingnan n'yang maigi kung nananaginip lang siya o hindi. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin. Nanatili akong nakatitig sa kan'ya... sa kalagayan n'ya ngayon. "W-What are you doing here, Faith? Hindi ba dapat nasa malayong lugar ka at nagbabakasyon?" nakakunot-noong tanong n'ya na tila ba hindi n'ya gustong nandito ako. "H'wag mong ibahin ang usapan, Rius! A-Ano 'to? Bakit hindi ko man lang alam na may ganitong sakit ka?!" naluluhang tanong ko. Gusto kong magalit sa kan'ya sa mga oras na 'to, gustong gusto ko... pero nangingibabaw sa puso ko ang kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. "W-Wala akong kailangang sabihin sa 'yo dahil hindi wala na tayo..